Sakanya lamang ang tingin
Isinulat ni: Lucius
Titig na sumusulyap sa kanya,
Kanyang mga mata'y abala sa librong binabasa.
Ilang oras na nga bang tinatanaw siya,
Ay kahit ako'y hindi na rin alam.Pinabayaan ko na ang hapag-kainan,
Palabas sa selpon'y nakalimutan na.
Ito'y pang-ilang tula na nga bang nagawa,
Na sya ang laging paksaAraw-araw ako'y may likha,
At siya, laging bumabalot sa aking salita.
Baka nga pagod na sya sa paulit-ulit,
Hindi alam na siya'y aking ini-ibig.Hirap ako sa pagsasalita,
Sa pagbuo ng mga pangungusap, munting sinta.
Sa mga taludtod na ito, nararating ko lang,
Ang nararamdaman ko na parang bituin sa langit.Iniisip ko minsan,
Ramdaman niya kaya ang pagmamahal ko sa kanya?
O baka nga, malamig lang siyang bato,
Na hindi alintana ang init ng nararamdaman ko?
___
Feedbacks?
Violent reaction?
request/s?
![](https://img.wattpad.com/cover/356897355-288-k854081.jpg)
YOU ARE READING
In the Corner
RandomCompilation of poems(tula), short stories, at prosas(proses) that i write in the corner. These is both tagalog and english. Still enjoy ^^