Part 4

2 0 0
                                    

Nagising si Mari sa loob ng isang kuwarto. Ang unang nakita niya ay ang puting kisame. Nagtaka siya, "Ano ang ginagawa ko dito? Hindi ba dapat patay na ko?" Tanong niya sa kaniyang sarili.

Naramdaman niya ang mataas na pagkakahiga niya at ang bumabalot na neck brace sa kaniyang leeg. Naririnig din niya ang heart rate monitor na nasa tabi niya. Nang sinubukan niyang ilibot ang tingin sa buong kuwarto ay naramdaman niya ang matinding sakit sa kaniyang leeg. Pamilyar sa kaniya ito...

Ngayon, sigurado siya na hindi masamang panaginip ang lahat.  Napagtanto niya na baka may nagligtas sa kaniya noong gabing yon... Kung gayon, Sino? Ilang araw na ba siya simula nung isinugod siya dito?

Narinig ni Mari ang creaking sound ng pinto, pagkasarado nito ay isang pamilyar na boses at kinamumuhian ang bumisita sa kaniya.

"Aba't gising ka na pala." Bati ni Anton.

Nagtataka si Mari kung bakit naparito si Anton. Kilala si Anton bilang isang taong nandyan lang kapag may mapapala, pagkatapos ay parang alikabok na lang sa kaniya ang tao. Kung siya man ang nagligtas kay Mari ay siguro kinukutya na niya ito at nagdedemand na ng pera para sa kaniyang tulong.

Hindi na sinubukan magsalita ni Mari dahil wala naman siyang pakialam kay Anton at isa pa, nagkaron siya ng peklat dahil sa saksak.

May mapaninsultong ngiti si Anton sa kaniyang labi. Nangintab ang di gaanong kaputian na perfect set of teeth niya.

Hindi siya natinag sa silent treatment na binigay ni Mari. "Wag ka naman ganyan, Mari. May gusto pa naman sayong kumausap. Gusto mo paalisin ko siya?"

Sinubukang magsalita ni Mari. Nakapagsalita siya pero mahina lang. "Layas..."

Bumungisngis lang si Anton. Binuksan niya ang pinto ng kaunti and leans in, "Puwede ka na pumasok." tawag niya sa labas.

Narinig ni Mari na umawang ang pinto at kaagad na sumarado naman ito sa sarili. May mga yabag na lumapit sa kaniya, alam niya na ibang tao ito. Gusto man tumingin niya ay di niya magawa.

"Hi, Mari-nette..." pagbati ni Cynthia.

Tumigil ang mundo sandali nang marinig niya ang boses ni Rene pero napalitan kaagad ito ng pagkahiya niya sa kaniyang sarili.

"Rene...
Nakakahiya na maabutan ako na ganito ni Rene..." sinabi ni Mari sa isipan niya.

Nanatili pa din ang kalmadong expression sa mukha ni Mari.

"Bakit ka nandito...? Pagagalitan ka ng magulang mo..." pilit na sumagot si Mari.

Tumingin sa sahig si Cynthia, nakasimangot siya.  "Gusto ko humingi ng sorry dahil sakin nagawa mo iyon..."

"Wag mo na aalahanin pa..."

Nag angat ng tingin ang bata at mukhang intensed, "Hindi yon ok! Babantayan kita dito!" pagtutol niya.

Biglang naalala ni Mari na dapat ay nasa school na si Cynthia maliban na lang kung weekends. 

Kailangan niyang malaman. "Anong oras at anong araw na ba ngayon...?"

Kinuha ni Cynthia ang bagong biling selpon niya sa bulsa. "Um, 9:12AM Wednesday?"

"Anong oras pasok mo?"

"8:30 po."  direktang sagot ni Cynthia.

"Late ka na..."

Pero nagmamatigas si Cynthia. "Ayoko pumasok! Di naman nila ako papayagan na bisitahin ka!"

Hindi umubra ang mga dahilan ni Cynthia sa kaniya kaya naman ay sinumulang binilangan niya ito.

"Pasaway ka... Pumasok ka. Isa..."

"Mari-nette!!!"

"Wag mo kong hintayin na makabangon dito... Dalawa..."

Sa sobrang takot ng bata ay kaagad siyang tumakbo paalis ng kuwarto bago pa man makabilang ng ikatlo si Mari.

Natatawa si Mari dahil sumusunod pa din sa kaniya si Cynthia. Ayaw nitong isakripisyo ang kinabukasan niya kahit kanino kahit maging siya pa iyon...

May nurse na pumasok sa kuwarto, marahil ay nalaman niyang gising na si Mari at ichechekup ang kalagayan niya.

Tinanong ni Mari ang nurse. "Ilang araw na 'ko nandito...?"

"Tatlong araw po." tugon ng Nurse, "kamusta po pakiramdam niyo?"

"Sumasakit ang leeg ko kapag iginalaw at nahihirapan ako magsalita... "

"Pero hindi naman kayo nahihirapan huminga?"

"Hindi naman..."

"Try niyo po irelax ang sarili niyo."

"Sino nagligtas sa akin?"

"Hindi po namin alam. Pasensiya na po."

Nagpatuloy ang nurse na tanungin siya tungkol sa kondisyon niya at nagbigay ng kaunting exercise sa kaniya.

"Sige po mauna na po ako. Mamaya po ay may dadating na pagkain para sainyo. Pindutin niyo na lang po nurse call button kapag may kailangan kayo." pagkasabi niya ay diretso na siyang umalis.

Medyo nanghihina pa ang katawan niya dahil sa pagkakabitin. Kaya bedridden muna siya pansamantala.

Hindi niya inaakala na may magmamalasakit sa kaniya. Gusto niya nang dugtungan ang buhay niya sa mga panahong iyon, pero dahil sa nakita niya muli si Cynthia ay gumaan muli ang pakiramdam niya.

Pero hindi ibig sabihin non na babalik na muli sa puder niya si Cynthia.

Bumukas ulit ang pinto ilang minuto ang nakalipas at pumasok ang nanay ni Cynthia karga ang kaniyang bunso.

Bakit nandito 'tong babae na to?

"Ikaw si Mari? Hindi ba? Ikaw ang kumupkop kay Cynthia nung araw na iniwan ko siya." Nagsalita ang babae, "ako nga pala si Norma de Los Reyes."

'Di mapigilang mairita si Mari sa presensiya ni Norma. Sana mapansin niyang ayaw niyang makipagusap sa kaniya.

Hindi na lang umimik si Mari.

"Pasensiya na, Mari. Alam kong napamahal ka na kay Cynthia pero nangungulila na kami sa kaniya. Kaya nang malaman ko kaagad tungkol kay... 'Rene'. Nakiusap na lang ako kay Anton kasi kakilala ka naman niya. Nahihiya ako na harapin ka."

"Kung ganon, mali ka nang taong pinakiusapan. Mapanakit si Anton."

"Sinaktan ka po niya?! Sorry po! Pagsasabihan ko na lang po si Anton." Nababalisa na umalis siya.

Buti naman at umalis na siya. Medyo malakas kasi ang boses niya, nakakarindi.

Pumasok sa loob si Anton at seryoso ang mukha.

"Anong pinagsasabi mo sa amo ko?"

"Hindi ba totoo? Gusto mo na nga akong patayin. Puwede kita kasuhan ng assault at attempted murder."

"Di ko naman sinabi na nagsisinungaling ka, at puwede din naman kitang kasuhan ng kidnapping. Sa mata ng batas Mari, ikaw ang may mali. Kahit anong gawin mo ang tunay na magulang ni Rene ang mananalo."

"Maghintay ka Anton... Kapag nakalabas ako dito hihilain kita papunta sa selda mo."

"Kung kaya mo..."

Nginisian siya ni Anton at iniwan siyang magisa.

Sa wakas wala nang manggugulo sa kaniya. Kahit na maaga pa ay mga ilang minuto ay nakatulog na si Mari...

CynthiaWhere stories live. Discover now