Part 2 - Flashback

2 0 0
                                    

Maagang nagasawa si Mari. Sa edad na 22. May nanliligaw kasi sa kaniya at 'di naman tutol ang mga magulang niya dahil galing sa mayaman na pamilya ang lalaki. Ngunit may kondisyones ang magulang ni Mari, dala na din nang pagiging relihiyoso nila ay kailangan pakasalan niya si Mari. Mababa ang tingin nila sa pakikipagrelasyon.

Labag sa kalooban ni Mari ang lahat. Hindi niya gusto ang manliligaw niya at higit pa sa lahat ay lesbian siya. Alam nila 'yon, pero pinilit pa din nila si Mari, at para na din magpakababae si Mari.

Magtatatlong buwan nang pangsusuyo ng lalaki ay kinasal na kaagad sila. Ilang buwan ang nakalipas ay kaagad naman sila naghiwalay. Sunod na lang nalaman ni Mari na may iba nang kinakasama ang lalaki. Hindi pa nga sila nagtatagal nang bagong babae niya ay laman na kaagad ang tiyan.

Sinisi ni Mari ang mga magulang niya. Kung sana ay hindi nila pinilit sa kaniya ang lalaking 'yon ay wala sana siyang hinanakit na nararamdaman... Nagkaroon siya ng bisyo na lalong nagpalala sa sinapit niya at kalaunan ay naglayas na siya sa bahay ng magulang niya.

Pinigilan siya ng ate Rene niya, ang natatanging tao sa pamilya na nakakaintindi sa kaniya...

"Mari, 'wag ka na umalis please."

"Pagpasensiyahan mo na ko, Ate. Lalo lang ako naiinis kapag nakikita ko sila. Matanda na ako at kaya ko na sarili ko."

"Mari, wag mo naman sirain ang buhay mo dahil sa isang lalaki... isa lang yan at madami ka pang makikilala... Intindihin mo na lang sila mama dahil matanda na sila. Ako na ang humihingi ng tawad."

"Buo na ang desisyon ko, Ate. Aalis na ako. Sorry pero hindi ko na kayang manatili dito."

Madaming pinagdaanan si Mari upang magkapera. Kung ano-ano ang pinasukan niya para makaextra dahil hindi sapat ang sahod niya. Batak na batak na ang katawan niya at hindi na siya nakakapagpahinga.

Isang araw habang pauwi si Mari galing sa gig niya ay namataan niya ang isang babae na madungis at buto't-balat hawak ang isang mukhang bagong silang na sanggol na nakabalot ng lampin...

"Sorry..." Bulong sa sarili ng nakakaawang babae at inilagay niya sa isang karton ang sanggol, at saka kumaripas ng takbo

Iniwan niya ang bata! Sinubukan na habulin ni Mari ang babae pero di niya naabutan kaya binalikan niya ang baby.

Kaagad na naawa si Mari sa baby... Iniwanan siya sa kung saan ng nanay niya. Binuhat niya ang baby na mahimbing na natutulog.

"Kawawa ka naman... Mukhang kailangan kitang ampunin. Baka makuha ka pa ng ibang masamang tao dito." Kinakausap ni Mari ang sanggol na parang magsasalita ito.

Binilhan ni Mari ang bata ng iilang pangangailangan nito. Hindi naman siya ang tunay na ina kaya kailangang ibottle-feed ang bata. Naghintay si Mari sa lugar kung saan iniwan ang baby at baka sakaling bumalik ang ina nito. Handa niyang ibigay ang mga ipinamili para sa bata dito. Isang oras na mahigit ang nakalipas pero walang dumating kaya umuwi na lang sila sa bahay-kubo.

Pagkauwi nila ay napansin ni Mari na walang paglalagyan ang baby dahil hindi wala naman siyang kama. Sa kawayan na sahig siya natutulog at nilalagyan niya lang ng sapin. Duon niya muna nilagay ang baby. Nilagyan niya ng harang sa tabi ng baby para di ito gumulong.

Sumandal sa may kawayang pader si Mari at nakatulog.

Mamaya-maya ay nagising siya sa iyak ng baby.

Gutom na siguro o kaya naman ay kailangan niya palitan ng diaper...

Pinainom niya ng gatas ang baby at binuhat ito at umupo sila sa nakabukas na pinto. Gabi na at ang lamig sa labas...

"Nasaan kaya ang nanay mo no'? Eh yung tatay mo...? Siguro, walang kaalam-alam 'yon tapos paglaki aangkinin yung bata...! Ang dapat sa mga ganyang lalaki ay inililibing ng buhay!" May kasamang hinanakit na pagiisip niya...

Natawa si Mari nang parang nagsalita ang baby 'Bitayin!'. Baby pa lang ay tinuturuan niya na kaagad ng masasamang salita.

Ilang minutos sila nandun bago makatulog ang bata. Binalik niya na sa banig ang bata at para na din makapagpahinga siya.

Kinabukasan ay pagkagising niya pa lang ay binihisan niya ang bata, pinakain at dinala niya ang baby sa trabaho kasi walang magbabantay.

Nakiusyoso ang mga katrabaho niya...

"Mari, 'di namin alam na nagbuntis ka. Congrats pala." Nilapitan siya ng babaeng may edad na. Tumingin ito sa bata at kinulit, "Ano pangalan mo?"

Oo nga pala. Di niya pa nabibigyan ng pangalan ang sanggol. Nagunita niya bigla ang ate Rene niya marahil ay namimiss niya ito. Kaya bigla na lang lumabas sa bibig niya ang pangalang...

"Rene."

Oo, ang jologs ng pangalan pero pangalan iyon sa pinakamamahal niyang ate.

Ganun din ang iniisip ng katrabaho niya.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ng ale.

Hindi siya sinagot ni Mari kaya sumabay na lang siya.

"Ang cute mo naman Rene..." Kinulit niya muli ang bata.

Mula noon ay naging abala si Mari sa paghahanap buhay at pagaaruga kay Rene hanggang sa natuto ito magsalita at pagpasok sa paaralan. Hindi niya na muli nakita ni Mari ang pamilya niya at nakalimutan niya na nang tuluyan si Joseph, ang ex-husband niya.

CynthiaWhere stories live. Discover now