Part 3

2 0 0
                                    

Walang magagawa ang pagmukmok kaya nagpatuloy na lang sa buhay si Mari. Kumakain na siya at pumapasok na sa trabaho. Inaalagaan niya na ang sarili niya.

Iyun ang nakikita ng iba pero hindi talaga ganun ang nararamdaman niya. Nang mawala si Rene ay parang nawalan na din ng saysay ang buhay niya.

Naging manhid na siya sa mga nangyayari sa paligid niya. Nawalan na siya ng emosyon maliban na lang kapag sumasagi sa isip niya na bibisitahin niya si Rene. Hindi puwede dahil masaya na si Rene sa bago niyang pamilya. Ayaw niyang maging hadlang.

Umuwi na matamlay si Mari galing trabaho. Pagkabukas niya ng pinto ay inilapag niya ang gamit sa kung saan at umakyat. Umupo siya doon at tinitigan ang buwan... Nagunita niya ang mga pagkakataon na kasama niya pa si Rene. Mga araw na wala pa itong muwang...

Pinigilan niya ang sarili at tumayo saka pumasok sa loob.

Sa Kapitbahay ni Mari. Isang batang babae, mga grade 3 ang itsura. Nasa loob ng bahay nila ang matandang babae nasa 60 edad. Pumihit ang doorknob ng pinto at pumasok ang bata.

"Lola! Sorry di ko ako nakabili may
nakita akong nakabiting tao sa may puno eh."

"Baka guni-guni mo lang 'yan. Panay ka kasi nood ng horror pag naka punta kaibigan mo dito." Sagot ng matanda.

"Hindi, Lola! Seryoso po ako. May nakita talaga ako kahit samahan mo pa ako silipin sa labas."

"Sige, sasamahan kita. Kapag wala akong nakita ay dapat bilhin mo na ang pinipabili ko."

"Opo!"

Lumabas ang maglola at itinuro ng bata kung saan niya nakita ang nakabitin na tao sa puno. Totoo nga ang sinasabi ng bata dahil nakita din ng matanda. Ang puno ay pagmamayari ng kapitbahay nilang si Mari. Nagkaroon ng masamang kutob ang matanda dahil dito kaya balak niyang bisitahin ang kapitbahay nila.

Kumuha sila ng flashlight at tinahak nila ang madilim na daan papunta sa bahaykubo ni Mari. Medyo mataas ang lupa doon kaya napagod sila.

Nang makarating sila duon ay nakita nila ang pahugis tao na nakabitin sa puno gamit ang lubid. Hindi nila nakita kung sino ito dahil sa sobrang dilim. Namataan nila ang isang upuan na nakatumba malapit dun.

Inilawan nila ang direksyon na yun...
Si Mari ang taong nakita ng bata.

Naparalisado sila sa kinatatayuan nila nang ilang sandali...

"T-tulungan mo ako ibaba si Mari!" Lumapit ang matanda kay Mari.

Nahimasmasan ang bata at sinundan ang lola niya. Inutusan siyang umakyat sa puno para tanggalin ang pagkakatali ng lubid sa sanga at ang matanda naman ay sinalo si Mari.

"Bumaba ka duon at humingi ka ng tulong! Ako na ang bahala dito. Dali, habang maaga pa!" Utos sa kaniya ng matandang babae.

Kaagad na bumaba ang batang babae na halos madapa na siya. Nang makarating siya sa patag ay nagsimula siyang sumigaw na ibang kapitbahay ay sinilip siya.

"Tulong! Tulungan niyo kami!"

Pumasok siya sa loob ng bahay at nadatnan ang tito at kuya niya.

"Tito, Kuya! Tulungan niyo po kami ni Lola nagbigti si ate Mari!"

Naagaw ng bata kaagad ang atensyon ng dalawa. Samantala, may mga tao na nagkumpulan sa labas ng bahay nila at nagbulungan ng marinig nila ang sinabi ng bata.

"Nasaan si Lola mo?" tanong ng Tito niya na may halong pagaalala.

"Nasa taas po. Binabantayan niya si Ate Mari! Tulungan niyo po kami please!"

"Eric, tawagan mo nga ang 911. Sumunod ka na lang don." Utos ng tito sa pamangkin.

"Tara na."

Naunang lumabas ang tito niya at sumunod na lang siya. May mga osyoso na humarang sa daan nila.

Nagalit ang tito niya at sinigawan sila.

"Tabi! Puro kayo chismis!"

Nang umalis ang mga tao sa dinadaan nila ay dali-dali silang pumunta sa bahay-kubo ni Mari. Nadatnan nila ang matanda na nakaupo sa sahig at hawak ang walang malay na Mari.

Nang mapansin sila ng matanda ay napangiti ito nang bahadya. "Jusko, salamat!"

Pero nagalit ang tito ng bata.
"Ano ba naman kayo Ma! Masyado kayong nagpapakabayani. Di naman natin kaano-kaano yan!" singhal niya.

Ngunit hindi nagalit pabalik ang matanda.
"Wag muna ngayon Fred... Kailangan natin iligtas ang buhay ng babae. Tulungan mo ako na buhatin siya papunta sa bahay."

Si Fred na ang nagbuhat kay Mari at inilawan na lang ng dalawa ang daan niya.

Pagdating nila sa patag ay sinalubong sila ni Erick kasama ang mga paramedic. Sa hindi pagkalayuan ay naghihintay ang ambulansiya.

Dinala ni Fred si Mari sa labas ng ambulansiya at tinulungan ang dalawang paramedic na ilatag si Mari sa stretcher. Nang maipasok na si Mari sa ambulansiya ay nagpaiwan silang apat kahit labag sa loob ng matanda at batang babae. Umandar ang ambulansiya at iniwan ang syudad.

CynthiaWhere stories live. Discover now