CHAPTER 14.

5 0 0
                                    

HOME

CHIARA'S P.O.V.

"I'm home." sabi ko sabay buntong hininga.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni daddy pagkapasok palang namin ng bahay.

"Chiara, go to your room." ma-awtoridad na utos ni daddy sa akin.

Tinignan ko naman sila Ichiro at Kayto at tumango lang sila sa akin na ibig sabihin din ay pumunta na ako sa aking kwarto. Napabuntong hininga nalang ako sabay lagpas sa kanila at umakyat.

*BLAAAAG*

Rinig kong tunog mula sa likuran ko. Nilingon ko kung ano ito at laking gulat ko na nakaupo na si Ichiro sa sahig.

"Mga wala kayong silbi. Ang kukupad niyo magsikilos. Kailan ko ba kayo mapakikinabangan?" galit na sabi ni daddy.

"Naiuwi naman namin ng maayos si ate Chiara, dad. Hindi naman namin siya sinaktan gaya ng sinabi mo at alam mong hindi naman namin siya sasaktan, pero bakit ginagawa mo 'to? Bakit mo sinaktan si kuya? Naiuwi na namin si ate, ano pa bang gusto mo?" galit na sabi ni Kayto.

"Aba't sumasagot ka pa!---"

"Daddy tama na!" awat ko kay daddy nang makita kong sasapakin niya naman si Kayto.

Gulat naman nila akong nilingon.

"What are you doing here? Sinabi ko sayong pumunta ka na sa kwarto mo." galit na sabi ni daddy.

Hindi ko siya pinansin at nagtungo kay Ichiro.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong.

"Go to your room Chiara." bulong ni Ichiro sa akin.

"P-Pero--"

"I'm okay, don't worry." bulong niya ulit sa akin.

"Bakit mo ginawa 'to daddy? Bakit mo siya sinaktan?" galit kong baling kay daddy.

"I-I didn't mean to h-hurt him, Chiara." utal na sagot ni daddy.

"Y-You didn't mean to hurt him?" utal kong tanong dahil hindi ako makapaniwala sa kasamaan ng ugali niya.

"I saw what you did at narinig ko ang mga salitang lumabas mula diyan sa bibig mo. Tapos hindi mo sinasadya?" hindi makapaniwala kong saad.

"Chiara, it's not what you think okay?" sabi ni daddy.

"No. I saw what I saw and I heard what I heard. Kailan ka ba magbabago? Hanggang kailan ka ba mananakit ng mga taong nakapalibot sayo? Kahit mga katulong at body guards natin ay nakikita at naririnig kong sinasaktan mo. Hindi porket binabayaran mo sila ay may karapatan ka nang saktan sila. Hindi mo hawak ang buhay nila!" galit na galit kong sabi.

"I'm doing all of this for you Chiara. I am protecting you from bad people. Can't you appreciate your father?" saad naman ni daddy.

"Protecting me from bad people? Sino ba ang masasamang tao rito daddy?" tanong ko.

"All of them. Sinasaktan at pinahihirapan ka nila--"

"No." galit na putol ko sa sinasabi niya.

"Kung mayroon mang nananakit at nagpapahirap sa akin dito, ikaw lang 'yon at wala ng iba." galit pang dugtong ko sabay turo sa kaniya.

"H-How could you say that?" hindi makapaniwalang tanong ni daddy.

"Kasi iyon ang totoo." sagot ko.

"Chiara, stop." bulong ni Ichiro sa akin.

Tinignan ko siya ng masama saka tinalikuran at nagtungo sa kwarto ko. Bakit niya ako pinipigilan? Totoo naman lahat ng sinabi ko ah. Nakakainis.

When The Man Hater Meets The Woman Hater Where stories live. Discover now