CHAPTER 1.

15 0 0
                                    

AIRPORT

CHIARA'S P.O.V.

"Mabuhay Ladies and Gentlemen. We just landed at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA). The Philippine Airlines welcomes you to Manila. For your safety, please remain seated with your seatbelt fastened until the fastened seatbelt sign has been switched off. May we remind you to check areas around your seats for items you might left behind. ----"

Nagising ako mula sa malalim na pagkakatulog dahil sa anunsyong iyon mula sa isang flight attendant ng sinasakyan kong airplane ngayon. Nakabalik na rin sa Pilipinas sa wakas. I missed the environment here and ofcourse I missed my friends. Sila ang susundo sa akin dito sa airport. Galing nga pala akong China. I'm half Chinese and half Filipina.

"Chiara! Here!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko kung sino iyon at isa iyon sa mga kaibigan ko.

"OMG! Hi! I missed you all!" sabi ko na may halong tili.

"We missed you too Chiara. How are you?" tanong ng kaibigan kong si Alli.

Her real name is Allana, but her close friends call her Alli.

"Hmm. I'm doing great naman. Kayo ba?" sagot at tanong ko naman pabalik sa kanila.

"We're doing great din naman. Are you going to stay here for good na ba? Or just a vacation?" tanong naman ng kaibigan kong si Ashlei

"Hmm. I don't know yet. Alam niyo naman ang pamilya ko, napakahirap intindihin lalo na si daddy haha. Nakakapagod." namro-mroblema kong sagot.

"Sana mag-stay ka na rito. You're adult naman na. You can decide on your own. I don't know why tito keeps on asking you to comeback there." Enilli said.

"I don't know either. As if he treats me like her daughter 'no. Mas pinapahalagahan niya nga yung illegitimate child niya kaysa sa akin na totoong anak niya." sagot ko.

"Anyway, may bagong bukas na bar malapit sa bahay natin. Gusto mo bang pumunta roon para mabawas-bawasan naman 'yang mga iniisip mo?" tanong ni Annika sa akin.

Mayroon kasi kaming bahay. Anim kaming magkakaibigan at doon kami lahat nakatira. Magkakaibigan kami mula elementary. Nalipat lang ako noong high school sa China dahil doon ako pinag-aral ni daddy.

"Okay, let's go t----"

*Pag-gising sa umaga'y tinig mo ang paboritong himig
'Di naman siguro 'to isang panaginip
Pinagdarasal parati
Kaligtasan mo't mapawi
Ang lungkot sa iyong mata
'Di na luluha pang muli*
(Insert: Ikako by SB19)

Naputol ang pagsasalita ko dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, pero na-badtrip lang ako sa nakita ko.

"Daddy ko." I said then rolled my eyes.

Tumatawag ang taong dahilan ng pag-alis ko sa bahay na iyon. I really hate him.

"Chiara! Where are you? Naglayas ka na naman ba? Wala na naman dito ang mga gamit at mga damit mo! Saan ka na naman nagpunta?!" he said that with his frustrated voice.

Kung makaarte naman 'to ay parang may pakialam talaga siya sa akin.

"Oh c'mon! Stop acting like you care. Wala ka namang pakialam kahit saan ako magpunta eh. I can go wherever I want, you can't stop me." inis kong sagot.

"Ofcourse I can stop you. I'm your father. Umuwi ka na rito o baka gusto mong ipakaladkad na naman kita sa mga guard ko?" he said and threatening me.

"Hindi ako uuwi. Gawin mo kung anong gusto mo, bahala ka. Nakakasakal ka na. Nakakasakal na kayo. Ayokong umuwi." galit kong sagot sabay patay sa tawag.

"Ugh! I hate him so much!" frustrated kong reklamo sa mga kaibigan ko.

"Alam mo umuwi na muna tayo tapos pumunta tayo sa bar, para naman kahit papano mabawasan 'yang inis mo." Sabi ni Khaly, isa sa mga kaibigan ko.

"Fine. Let's go." sabi ko sabay buntong hininga.

AUSTIN'S P.O.V.

"Oh c'mon! Stop acting like you care. Wala ka namang pakialam kahit saan ako magpunta eh. I can go wherever I want, you can't stop me."

"Hindi ako uuwi. Gawin mo kung anong gusto mo, bahala ka. Nakakasakal ka na. Nakakasakal na kayo. Ayokong umuwi."

Rinig kong sabi ng babaeng katabi ko na may kausap sa phone niya. Mga babae nga naman. Magbo-boyfriend o mag-aasawa tapos iiwan din naman nila sa huli.

Napakatagal naman ng kaibigan ko. Naiinis ako sa katabi ko, baka makapanakit ako ng babae ng wala sa oras eh. Naalala ko ang magaling kong ina dahil sa babaeng ito. Pare-parehas lang sila.

"Austin! Pre! Sorry nahuli ako, traffic eh." sabi ng kaibigan kong si Kobi at tinapik ang balikat ko.

Tumango lang ako sa kaniya dahil naiinis ako. Hindi ako naiinis dahil sa paghihintay ko kay Kobi kundi naiinis ako dahil sa babaeng katabi ko.

"Ugh! I hate him so much!" rinig ko pang sabi ng babae sa tabi ko.

Nilingon ko ito upang tignan ng masama ngunit nakatalikod na siya at ganundin ang mga kasama niya. Napailing nalang ako dahil sa mga narinig ko mula sa bibig ng babaeng iyon. Hindi ko gusto ang tabas ng kaniyang dila. Sana ay hindi ako makatagpo ulit ng ganoong babae. Nakakaubos sila ng pasensya.

When The Man Hater Meets The Woman Hater Where stories live. Discover now