CHAPTER 10.

2 0 0
                                    

BOND

AUSTIN'S P.O.V.

"Chiara. Kamusta? Hindi ka ba nila sinaktan?" tanong ko pagkabalik niya, tumango lang siya sa akin at ngumiti.

"Okay lang naman siguro kung sumama sila Kayto at Ichiro sa atin, hindi ba?" baling ni Chiara sa mga kasama namin.

"Sure ka Chiara?" nag aalalang tanong ni Ashlei.

"Everything will be fine. Wala kayong dapat ipag-alala." sagot niya.

Sumang-ayon naman silang lahat at saktong dumating si Kayto at Ichiro.

"Hoy. Matutunaw 'yan." biglang sabi ni Kobi sa tabi ko.

Tinitignan ko kasi si Chiara mula sa malayo. Mukhang masaya at nag-eenjoy siya.

"Ano dre? Gusto mo na ba?" tanong niya.

"Chismoso!" sagot ko sabay tawa at nakilaro sa ibang kaibigan namin na nasa dagat.

Hinabol niya naman agad ako at nagtanong ulit ng maraming beses. Napakakulit talaga nito.

"Oh dre, saan ka galing?" tanong ni chismosong Kobi kay Drake.

"Pumuntang banyo. Magsiahon na kayo, mag inuman tayo bilis." sabi niya at tumatawa.

"Nga pala Austin, kanina pa tumutunog yung cellphone mo. May tumatawag ata." sabi ulit ni Drake pagkaahon namin.

"Tinignan mo ba kung sino?" tanong ni Kobi.

"Hindi naman ako chismosong tulad mo." pang-aasar na sagot ni Drake.

"Curious lang naman eh." sabi ni Kobi habang nakanguso.

Napailing nalang ako at nagbihis muna bago kunin ang cellphone ko. Hmm. Sino kayang unknown na 'to na tumatawag. Tatawagan ko na sana ito ngunit nagring ang cellphone ko at tumatawag ulit ang unknown number na ito, curious ako kaya sinagot ko ang tawag.

"Hello?" sabi ko.

"Hello sir. Is this Austin Flynn Evans?" tanong ng isang babae.

"Yes. Austin's speaking. What can I do for you?" tanong ko.

"I'm from ***** Hospital. May I know what's your relationship with Mr. Klynn Evans?" tanong nitong babae.

"He is my father. Why? What happened?" nag aalala kong tanong.

"He got into a car accident sir. Please come to the hospital as soon as possible." sagot nito.

Agad akong umalis matapos kong marinig iyon. Nag-commute nalang ako dahil wala naman akong dalang sasakyan. Tinext ko nalang si Kobi na dalhin nalang din ang mga gamit ko pagkauwi nila dahil kailangan ko nang umalis ngayon dahil emergency.

CHIARA'S P.O.V.

"Oh. Bakit parang kulang kayo?" tanong ni Annika sa boys.

Oo nga. Hindi ko makita si Austin mula pa kanina. Aba'y siya 'tong nag aya sa akin kanina mag bonding daw tapos siya naman 'tong nawala.

"Ah, nauna na umuwi si Austin. May emergency raw eh." sagot ni Kobi.

"Anong emergency naman 'yan?" tanong ulit ni Annika.

"Hindi niya sinabi eh." sagot ni Kobi at nagkibit-balikat, napabuntong hininga nalang ako.

"Are you okay Chiara?" biglang bulong ni Ichiro sa akin, nginitian ko lang siya ng pilit.

"Huwag ka mag-alala ate. Panigurado namang mas makakapagbonding kayo sa susunod eh." biglang sabi naman ni Kayto.

"Bakit? Sino ba nagsabing gusto ko makipag-bonding sa kaniya? Magsibihis nalang nga kayo. Mag-uusap tayo mamaya." sabi ko habang nakataas ang kilay.

Mga paladesisyon din 'to eh. Makapagbihis na nga lang.

Ano kayang emergency 'yon? Psh. Bonding bonding pa ah. Kainis.

When The Man Hater Meets The Woman Hater Where stories live. Discover now