CHAPTER 13.

2 0 0
                                    

LEAVING

CHIARA'S P.O.V.

Nagising ako dahil sa sakit ng aking tiyan at ulo. Nagugutom na yata ako at ramdam ko parin ang pagkahilo.

"Ate Chiara. Are you okay? May masakit ba sayo?" sunod sunod at nag aalalang tanong ni Kayto sa gilid ng kama.

"Anong oras na ba?" taka kong tanong habang hinahanap ang phone ko at pagtingin ko ay nakapatay ito.

Siguro ay nag shutdown ito, hindi ko kasi ito na-charge bago umalis.

"Alas tres na ng madaling araw ate." sagot niya naman.

"Nagugutom ako Kayto." sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Initin ko lang yung pagkain ate, dalhan nalang kita rito." sabi niya pero inilingan ko siya.

"Sama ako." sabi ko.

"Kaya mo na bang tumayo ate? Baka nahihilo ka pa?" nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti lang ako sa kaniya at dahan dahang tumayo. Naramdam ko namang nahihilo ako at buti ay mabilis na gumalaw si Kayto para alalayan ako.

"Asan si Ichiro?" tanong ko.

"May inaasikaso lang ate, babalik na rin 'yun. Saglit nalang 'yun sa labas." sagot niya at ininit ang pagkain gamit ang stove.

Iba iba kasi ang kwarto rito eh. Yung nirentahan namin ay parang bahay siya na may dalawang kwarto at may kusina na medyo kalakihan, habang itong kwarto naman nila ay may maliit na kusina lamang. Siguro ay nakadepende iyon sa kung gaano kayo karami at kung anong rerentahan ng costumers dito. Since dalawa lang naman sila ay ito na ang pinili nila.

"Gising ka na pala Chiara." biglang sabi ni Ichiro pagkarating niya at tinanguan ko lang siya.

"Saan ka nagpunta kuya?" tanong ni Kayto.

"Ah inasikaso ko lang yung mga bayarin dito, para makaalis na tayo." sagot niya naman.

"Uuwi na tayo?" gulat kong tanong.

"Kung gusto at kaya mo na." sagot ni Ichiro.

"Kailangan lang natin makaalis dito, hindi tayo pwedeng magtagal dito eh." dugtong pa niya.

Tumango lang ako sa kaniya. Gusto ko magtanong kung bakit pero wala pa ako masiyadong lakas, kumain nalang muna ako.

"Huwag niyo ako titigan." bigla kong sabi dahil ramdam ko ang titig nila habang kumakain ako.

"Kamusta ang pakiramdam mo Chiara?" tanong ni Ichiro at halatang nag-aalala sa akin.

"Ayos naman. Medyo nahihilo parin." sagot ko.

"Magpahinga ka na muna ate." paalala ni Kayto at tinanguan ko lang siya.

"Nag renta na ako ng bahay, doon na muna tayo manatili pansamantala." biglang sabi ni Ichiro.

"Ihahatid ka nalang muna namin sa bahay niyo Chiara." baling sa akin ni Ichiro.

Tinanguan ko lang siya at tinapos ang pagkain ko. Agad naman akong nag ayos pagkatapos kong kumain at umalis na ako. Hindi ko na dinaanan ang mga kaibigan ko dahil alam kong tulog pa silang lahat.

Inaantok ako sa buong byahe namin kaya naisipan kong umidlip na muna.

"Uuwi narin naman kami dad. Bigyan mo lang kami ng ilan pang araw."

Rinig kong sabi ni Kayto kaya nagising ako. Nasa tabi pala siya ng higaan at paniguradong kausap niya ang daddy ko. Nakita ko rin si Ichiro sa tabi nito at halatang nagpipigil ng galit.

When The Man Hater Meets The Woman Hater Where stories live. Discover now