CHAPTER 2.

15 0 0
                                    

NEIGHBORS

AUSTIN'S P.O.V.

"Kamusta naman ang bakasyon sa China, dre?" tanong ng kaibigan kong si Kobi at may halong pang-aasar sa tono ng boses niya.

"Nang-aasar ka ba?" inis kong tanong sa kaniya.

Kasi kung oo, asar na asar na kaagad ako.

"Tss. Nagtatanong at nangangamusta lang naman eh." sabi niya sabay nguso.

Tss. Parang bakla. Nagtatampo agad. Pero na-miss ko ang ganitong ugali niya. Siya kasi ang pinakamatampuhin sa aming magkakaibigan haha.

"Hmm. Hindi ko masasabing ayos lang. Ni hindi ko nga rin alam kung matatawag bang bakasyon 'yon eh. Dalawang buwan kasama si mama at lalaki niya? Eh parang buong dalawang buwan akong stress at parang nasa impyerno ang buhay ko eh. Panay bar na nga lang ako para hindi ko sila makita." sagot at paliwanag ko sa tanong niya.

Nagliwanag naman saglit ang mukha niya dahil nasagot ko ang katanungan niya pero nagbago agad ito noong narinig ang sagot ko. Parang siraulo.

"Eh yung step sister mo? Kamusta?" tanong niya at umaasang sasagot ako.

Tss. Siraulo nga. Kaya pala ako kinakamusta dahil kakamustahin niya ang babaeng iyon. May gusto kasi siya sa step sister ko.

"Ah kaya mo pala ako kinakamusta dahil sa kaniya. Sa tingin mo ba masasagot ko 'yan? Eh kahit sulyap nga hindi ko magawa dahil sa inis ko sa kanilang lahat." inis kong sagot.

"Pre, hindi naman kasi lahat ng mga babae eh pare-pareho. Saka wala namang kasalanan yung step sister mo eh. Hindi niya rin naman siguro ginustong magkaroon ng relasyon yung daddy niya saka mommy mo. Bata rin siya noong mga panahong 'yon." sabi ni Kobi.

Napailing nalang ako sabay suot ng earphone at nagpatugtog. Ayokong marinig ang mga sermon niya.

Tinanggal ko kaagad ang earphone ko ng mapansin kong malapit na kami sa bahay. Lima kaming magkakaibigan at sa iisang bahay lang kami nakatira mula pa noong high school kami.

"Hindi na nga ako babalik sa bahay na iyan. Ayoko nang bumalik diyan." rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses ng babae.

Tinignan ko ito at sa tingin ko ay siya ang babaeng katabi ko kanina sa airport. May mga maleta pa sa labas ng kotse nila.

"Hindi ko na kayang manatili riyan" sabi pa niya.

Tinignan ko siya ng masama. Ewan ko ba, naiinis ako sa kaniya.

Nakita kong may binulong sa kaniya ang kaibigan niya. Pagkatapos no'n ay tumingin siya sa akin saglit na may pagtataka ngunit kalaunan ay napalitan ito ng inis at galit.

Agad naman akong nagtaka sa kaniyang inakto ngunit agad naman akong nakabawi at tinignan ko ulit siya ng masama.

CHIARA'S P.O.V.

"Hindi na nga ako babalik sa bahay na iyan. Ayoko nang bumalik diyan." sabi ko sa kausap ko sa telepono.

Kausap ko si mommy at kinukumbinsi niya akong bumalik na sa bahay.

"Anak, kailangan mong bumalik dito. Alam mo naman ang ugali ng daddy mo diba." pangungumbinsi pa niya.

"Hindi ko na kayang manatili riyan." sagot ko at bumuntong hininga.

Paano niya nakakayang tiisin na kasama namin sa iisang bahay ang mistress ni daddy pati na rin ang mga anak nito.

"Chiara. Look at that guy. Ang sama ng tingin niya sayo." bulong ni Ashlei sa akin.

Tinignan ko naman ang lalaking tinutukoy niya at masama nga ang tingin nito sa akin na ikinataka ko naman. Wala naman akong ginagawang masama. Tinignan ko rin siya ng masama na may halong inis at galit. Nagtaka naman siya saglit at tinignan ulit ako ng masama.

Tinarayan ko nalang siya at pumasok na sa loob ng bahay.

Hmm. What a weird neighbor.

When The Man Hater Meets The Woman Hater Where stories live. Discover now