Chapter Fifty- Five

13.4K 257 16
                                    

Bea

Pagkatapos kong kumalma eh, pinahatid na ako ni Violet sa magiging kwarto ko.

Tama lang ang laki ng kwarto ko pero ang masama dun eh, ang katapat nito ay ang kwarto nina Violet at Quile.

Napahiga ako sa kama.

Ano na bang nangyayari sa buhay ko?

Sana pala hindi na lang ako umalis sa probinsya para hindi na nagkaganito ang lahat..

Kung tatanungin niyo, kung ayos na ba kami ni Monica eh, isang malaking OO.

After ng ilang buwan na pagkukulong ko sa kwarto eh, kinausap niya ako at humingi siya ng tawad. Sino nga ba naman ako para hindi siya patawarin diba?

Napahikab ako, kailangan ko muna sigurong magpahinga..

----

Nagising ako sa katok mula sa pintuan ng kwarto.

Bumangon ako at binuksan yun.

"Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?"

"VIOLET?! ANONG GINAGWA MO SA CONDO KO?!"

"Condo? Nasa bahay ka namin Bea.." napakurap ako at naalala kong nakila Violet nga pala ako.

"Hehehe. Sorry.. oo nga pala bakit ka napunta dito?"

"Magdi-dinner na kasi tayo eh."

Napa-tingin ako sa wirst watch ko at tama siya alas syete na ng gabi.

"Ah ganun ba? Sige susunod na ako, maglilinis lang ako ng katawan."

"Sige.." aalis na sana 'to ng pigilan ko siya..

"B-bakit?"

"Wala akong isusuot eh." Kamot ulo kong sabi.

"Ah akala ko pa naman!" Napa-ngisi ako sa sinabi nito.

"Anong akala mo huh? Ikaw ha! Ang naughty mo hahaha!"

"Tse! Akala nga lang diba?! Don't worry nasa closet muna yung mga damit mo."

"Sige salamat." Ngumiti lang ito at umalis na. Pagkaalis nito ay nagpagulong guling ako sa kama. Para akong teen ager na bumabanat sa crush niya!

---

Pagkatapos kong maglinis eh, bumaba na ko. Buti at nakita ko yung isa sa mga maid nila kundi baka naligaw na ako sa bahay nila!

"Good evening Bea. I heard na dito ka muna titira?" Tanong saakin nung asawa ni Violet.

"Ah eh.. kung pwede lang naman sana."

"Of course you can! Lahat ng kaibigan ng asawa ko eh, kaibigan ko na rin. Have a seat, samahan mo na kaming magdinner."

"Salamat." Umupo na ako sa harapan ni Violet.

Puro tunog lang ng kutsra at tinidor ang maririnig mo sa lamesa namin.

"Hon aalis nga pala ako bukas ng umaga for my meeting in Cebu."

"Ha? Kailan naman ang balik mo?"

"I don't know.. but promise babawi ako sayo kapag umuwi na ako, okay?" Umiwas ako ng tingin ng makita kong maglalapat na yung mga labi nila.

Ang sakit! Kailan talaga sa harapan ko pa yun gawin?!

Pagkalingon ko eh, kumakain na lang ulit yung dalawa. Gusto mo ng ganitong laro Violet huh? Sige pagbibigyan kita!

Inisod ko yung upuan ko at dahanbdahan kong pinaggapang yung paa ko sa legs ni Violet.

"Amp!" Impit nito, napa-ngiti naman ako. Mas tinaasan ko pa ang pagdausdos sa mga binti at hita niya..

"Ohh." Sabi nito.

"Ayos ka lang ba hon? Pinagpapawisan ko oh?"

"A-ayos lang ako.."

Ano ka ngayon Violet? Haha!

---

Violet

Fuck! Ano ba 'tong ginagwa niya?! Hindi niya ba napapansing nandito ang asawa ko?!

Hindi ako makakain ng maayos sa ginagawa niya! She's turning me on!

Buti at tumayo na si Quile kaya tumayo na din ako kaso bago ako tumayo eh, sinamaan ko ng tingin si Bea. Ini+smirkan lang ako nito.

Ang pilyo lang talaga eh!

Pumasok na kami sa kwarto naming dalawa. Pagkapasok ko hinapit ako ni Quile sa bewang.

"I will miss you hon."

"Me too." Ngumiti lang 'to at hinalikan ako... but its not an ordinary kiss. Mas lumalim pa yun hanggang nangyari na ang nangyari...

----

Bea

Tinapos ko na lang yung pagkain ko at tumayo na rin.

Natatawa talaga ako sa itsura ni Violet, priceless yung pagmumukha niya kanina! Hahaha!

Papasok na sana akao sa kwarto ko ng....

"Oohhhhh..."

Ano yun?

"Hmmmm..." sinundan ko yung tunog at dinala ako niyon sa harapan ng kwarto nila Violet. Biglang kumalabog ang puso ko sa naiisip ko.

"Ohh faster!" Napa-pikit ako..

May... m-may ginagawa ba sila?

Biglang tumulo ang luha ko.. ang sakit..

Akala ko ba ako ang mahal niya? Akala ko ba iiwan na niya si Quile?

Pinunasan ko ang luha ko..

Sino nga ba naman ako? Nakikitira lang ako dito.. at umaasang mamahalin ulit ni Violet.





---------

Medyo ako na ako, sinisipon na lang ang author niyo. Salamat sa mga nag-aalala saakin :) mahal ko talaga kayong lahat! :*


COMMENT. VOTE. FAN.

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt