Chapter Eight

25.4K 522 23
                                    

Bea

"WHAT?!"

Napatakip ako ng tainga sa sigaw ni ma'am.

"Eh.. sige na ma'am.. please naman tulungan niyo naman po ako oh.." napahawak ito sa ulo niya.

"Teka nga muna! Ano ba kasing nangyari? At kailangan ko pang magpanggap?"

Napakamot ako sa ulo ko at kinuwento sa kanya yung nangyari sa elevator with that guy named Maxxis..

"Naman Bea! Nag-iisip ka ba?! Mamaya modus niya lang yun para perahan ka! Malay mo nagpapanggap lang siya mayaman para mauto ka! Ghad! Mag-isip isip ka naman kahit kailan Bea!"

Napakagat labi ako sa mga sinabi nito. Masakit talaga kapag pinaprangka ka ng isang tao.. napayuko na lang tuloy ako sa kakahiyaan.

"Fine! Sasama ako! Pero aaminin mo sa kanyang ako talaga ang boss dito at hindi ikaw, naiintindihan mo ba Miss Deral?" Isang tango lang ang nabigay ko sa kanya..

Tahimik akong pumunta sa may terrace ng room namin. Umupo ako sa upuan syempre!

Nakatingin lang ako sa buong view.

Thanks view.. buti ka pa napapagaan mo ang loob ko..

Sa isip isip ko..

Ngumiti ako pero kasabay pala nun ang pagtulo ng luha ko.. ngayon lang ako nasabihan ng ganun ng isang tao.. miski mga magulang ko hindi ako nasabihan ng ganun kahit ganito lang akong anak.

"Bea?" Agad kong pinahid ang luha ko at nilingon siya.

"Bakit po ma'am?" Cold kong sabi.

Nakatitig lang 'to saakin, dahil nailang ako agad kong iniwas ang tingin ko. Parang nakakalusaw ang mga titig niya.

"S-sorry.."

Bigla akong napa-tingin sa kanya.. totoo ba 'to? Nagso-sorry saakin ang isang Violet?!

"Ts. Stop staring.. oo na pupunta na ako mamaya. Don't worry sasabihin kong ikaw PO ang BOSS KO at ako PO ang SECRETARY NIYO." In-emphasize pa talaga nito ang mga words.

"Parang ayaw mo nama ata eh.. napipilitan ka lang!" Kunwari kong pagtatampo. Hahaha bigla itong nataranta.

"Hindi ah! Gusto ko kaya yun!" Kahit gustung-gusto ng tumawa eh, hidni ko magawa. Masisira ang acting ko nun!

---

Umikot pa ako sa body mirror kung pak na pak na ba ang itsura ko. And sa nakita ko naman. Pak na pak siya!

It's already seven in the evening at nagre-ready na KAMI, yes KAMI dahil ang dalang kong damit ay pangsecretary talaga ang datin eh, nagpalit na lang kami. At ngayon ko lang 'to nalaman magka-size pala kami..

Sa CR na ako nagpalit, alangan namang maghubaran kami sa harap ng isa't-isa?! Kahit babae kami, nakakahiya pa rin yun 'no!

Bagay na bagay kay ma'am yung binigay kong damit. Atleast tumama sa edad niya ang suot niya ngayon.

Puro panglosyang ang mga suot ni ma'am eh!

"Ready ka na ba?"

"Opo naayos ko na ang lahat."

"It's good then. Let's go." Tumango lang ako at sumunod sa kanya.. hanggang makarating kami sa lobby. Nakita ko agad si Max, nakatalikod ito mula saamin.

"Okay. Nandito na tayo. So simulan na natin ang acting."

"Opo ma'am."

Naglakad na kami papunta kay Max.

"Good evening Max.", sabi ko at nilahad ang kamay, agad naman nitong kinuha iyon.

"Have a sit." Tumango lang ako.

Grabe ang galing kong umarte!

"So, saan niyo gustong magdinner?"

Agad pumasok sa isip ko ang McDo favorite ko yun eh!

"Sa M---"

"Sa.. Manila Resto. Niya gustong kumain." Pagputol ni ma'am sa sabihin ko. Ano raw? Manila ano?

"Oh. Good choice! So, let's go?"

Tumango lang ako at sumunod na kami sa kanya. Habang naglalakad kami sa likod biglang nagsalita si ma'am.

"Don't even say a cheap word.. baka isipin nan mamaya boss ka pero sa ganung klase ka lang kakain? Understand?"

"Yes ma'am."

"Quit calling me ma'am from now, you just say may name or my last name."

"Okay V-violet." Parang may kakaiba kapag sinsabi ko yung pangalan niya parang may something eh.

----

"Um-order lang kayo. My treat."

Ay sosyalin si kuya niya! May pa english english pang nalalaman! At ano daw? Libre niya raw? Sure!

Agad akong pumili sa menu. Pinagtuturo ko pa yung gusto ko kahit ako lang naman nakakakita.

Ito kayang de white sauce lobster? O itong shrimp with garlic & mayonaise.

Pangalan pa lang pang mayaman na!

"May i take you order sir and ma'ams'?" Sinabi na ni Max at Violet yung order nila.

"And for you ma'am?" Tanong nung waiter.

Ituturi ko na sana yung gusto ko kaso napatingin ako sa presyo!

P1000?! Para lang dun?!

"Ma'am?"

"Water. Water only." Sabi ko. Grabe pangmayaman nga dito! Ang mamahal ng pagkain.

"Bigyan mo siya nito at nito." Sabi ni Violet at tinuro yung na sa menu.

"Okay ma'am sir." Umalis na yung waiter..

Ilang minuto rin eh, dumating na yung foods namin.

Nagkwentuhan lang kami about bussiness, actually puro si Violet lang ang nagsasalita dahil mas may alam siya pagdating doon.

"Goodnight ladies. I enjoy to have a dinner with you."

"Me too Max. Goodnight!" I said.

Unti unti 'tong lumalapit saakin.

Anong gagawin niya?

He..

He kiss me on the cheeks!

"Goodnight Bea."

Shock!

Naiwan akong tulala dun, ghad! Namumula sigurado ako nito!

*boogsh!

Napatingin ako sa likod ko, padabog na sinarado ni ma'am yung pinto mg kwarto namin.

Anong nangyari dun?

--------

Guys baka matatagalan ang update.

Masakit PUSO ng author niyo eh. Hahaha.

Comment guys :) Vote. Be a Fan.

Sweety <|3 :(

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon