Chapter Seven

26.1K 536 48
                                    

Bea

Hindi ako makapakali sa may lobby, pabalik balik ako dun.

Ano bang dapat kong gawin?!

"Miss Stop!" Napatingin ako kay manong guard, bigla itong lumapit saakin.

"Nakakaliyo ka na miss. Jusme. Kung may problema kayo ng boyfriend mo eh, humingi ka ng sorry hindi yung nandito ka at paikot ikot! Sinasayang mo ang tiyansang magkaayos kayo!" Sigaw nito at bumalik na ulit sa pwesto niya.

Humingi ng sorry.

Tama! Yun ang gagawin ko!

Pumunta muna ako sa isang convient store at bumili ng ice cream. Peace offering ko. Hihihi.

Binili ko na yung pinaka malaki, bukod sa pangpeace offering ko eh, paborito ko din 'to.

Agad akong sumukay sa elevator. Sasarado na sana yung elevator ng may sumigaw kaya binuksan ko.

"Salamat miss!" Sabi nito at pumasok sa loob.

Hindi ko mapigilang hindi kiligin.. ang gwapo kasi ni kuya eh! Pang Kpop ang itsura ni koya! Hihihi.

"Miss are you alright?" Ay grabe englishero!

"Yes i'm fine!" Sabi ko na boses na nasa pageant pa!

"Oh.. by the way i'm Maxxis and you are?"

"Bea.. Bea Deral." Sabi ko at nakipag shake hands pa.

Syempre pasimple namang kinilig ang lola niyo haha!

"So, bakit ka nandito?" Tanong ni Max. Oh di ba?! Parang resto. Hahaha!

Sasabihin ko na sanang nandito ako para sa boss ko.. naisip isip ko tutal hindi naman ako kilala nito magpapanggap na lang akong boss. Haha.

"I'm here for my client." Sabi ko at umayos na parang boss talaga.

"Oh. Nice to meet you.. so, what company are you?"

Napalunok ako. Sasabihin ko ba yung name ng company namin? Baka pag sinabi ko i-search niya tas mamalaman niyang nagsisinungaling ako.

"Hmm. I'm from.... Kitty Company!" Mabilis na sabi ko. Sht! Bat Kitty?!

Please mauto ka..

"Hahaha. Ang cute naman ng name ng company niyo." Ngumiti lang ako dahil nagbukas na yung ekevator.

"So, saan room ka Bea?" Napakagat labi ko. Sasabihin ko ba?

"Room 035."

"Good. Let's meet later. You know.. eat outside."

Nako! Baka hindi ako pwede mamaya, baka kasi magalit si ma'am eh.

"Ano kasi Max.. madami akong works eh.. baka hindi ako makapunta."

"Di ba kasama mo naman ang secretary mo? Siya na lang ang pagawin mo ng mga yun, then if you want isama na rin siya mamaya."

Fvck! Napasubok ata ako dito ah!

"O-okay." Naiilang na sabi ko.

"So, it's settle then. See you later!" Sabi nito at umalis na. Pumasok naman ako sa room namin..

Malaki naman itong trascient house may fifth floor 'to eh, tas may rooftop pa. Meron naman siguro akong pwedeng pagtaguan dito.

Nakita ko si ma'am na tutok na tutok sa laptop niya.

Work na naman. Sa isip isip ko. Dahan dahan akong lumapit.

"Ma'am.." mahinang tawag ko pero hindi ako nito pinansin.

Kaya mas nilakasan ko pa ang pagtawag.

"Ma'am!" But ganun pa din. Huminga muna ako ng malalim at...

"MA'AM!!!" Sigaw ko, at sa wakas tumingin na din to!

"Sht! Why are you shouting?!"

"Eh hindi niyo oo kasi ako pinapansin eh." Sabi ko at yumuko, nakakahiya kasi eh.

"Ts.. bakit ba?"

"Ito po pala ma'am, peace offering." Sabi ko at binigay yung ice cream. Ilang minuto ng nasa ere ang kamay ko pero hindi pa rin nito kinukuha yan.

"Ma'am!" Sigaw ko para magisng siya mukhang natulala kasi si ma'am eh.

"Thanks." Sabi nito na nagpa-ngiti saakin.

"Kainin na natin ma'am?" Tumango lang 'to at kumuha ako ng kutsara kaso sa kasamang palad. Iisa lang ang kutsara.

"Eh ma'am sa inyo na lang po yan." Sabi ko kahit labag sa kalooban ko, favorite flavor ko kasi yun nandun eh.

"Ts. I know you want it to. Magshare na lang tayo." Sabi nito at sumubo ng ice cream at inabot saakin yung kutsarang ginamit niya.

Sht! Kapag sumubo din ako gamit ang kutsarang yun eh magkakaroon kami ng indirect kiss!

Dahan dahan kong binuka ang bibig ko at kinain yung ice cream. Kinuha naman ni ma'ma yung kutsara at kumain ulit.

Hanggang sa maubos na namin.

"Busog ba ma'am?" Tanong ko habang tumatawa.

"Hindi eh--- burp!"

"Hahahahahahaha! Ang epic niyo po ma'am! Hindi daw busog eh! Haha!" Sabi ko at nakahawak sa tiyan ko.

"Ts." Sabi nito at tuminigin na ulit sa laptop.

Humunga aki ng malaim bago nagsalita. Siguro naman good mood na siya diba? Nakakain na siya ng ice cream eh..

"Ma'am pwede po ba kayong magpanggap na secretary ko at ako ang boss niyo?"

"WHAT?!"


---

Hey. Comment comment din kayo :)

Oo nga pala may ginawa akong bagong story guys.

A Life With You (Lesbian/GxG)

Sana basahin niyo rin :)

You can contact me through:
Facebook: Audrey Isabel Cantalejo Medel
Twitter: @imdrey_24
IG: DreyIsHartHart

VOMMENT. FAN.

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now