Chapter Thirty- Four

14.4K 293 7
                                    

Bea

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko ng makita ko si Nics na naka-upo sa lupa. Inalalayan ko siyang makatayo.

"Bat ka naman naka-upo sa sahig Nics?" Tanong ko at habang pinapagpag yung likuran niya

"Wala ate, nadulas lang."

"Nako! Dapat mag-iingat ka sa susunod ok?"

"Sige ate una na ako." Umalis na ito, agad akong lumapit kay Violet. Naka-tulala ito ngayon

"Baby."

"Baby..." ulit ko pero ayaw talagamg tumingin nito kay hinalikan ko na lang siya. Halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Bat mo ako hinalikan?!" Sigaw nito.

"B-bakit? Hina-halikan  naman talaga kita dati ah?"

Tumingin lang ito saakin at pumasok na sa loob.

Ano ba talagang nangyayari?

---

Violet

Buti at naitulak ko agad si Monica bago pa man makarating si Bea dito.

Ayoko mang siyang sigawan pero nagulat kasi ako. At hinalikan ako Monica! May naka-halik saakin bukod sa kanya! Nahihiya ako para sa sarili ko!

  Agad akong nagtooth brush. Sinugarado kong sobrang linissnun para mawala ang halik ni Monica. Nagsisisi ako at na-sigawan ko siya kaya babawi ako sa kanya.

Mamaya pa eh, narinig ko mg bumukas yung pinto. Niluwa nun si Bea.

"Baby." Pagtawag ko.

"Ha?" Lumapit ako dito at niyakap siya.

"I'm sorry." Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Okay lang baby, baka pagod ka lang sa biyahe. Tara pahinga na tayo?"

"Sige baby."

Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa kanya..

  ---

Maaga akong gumising para maipagluto siya ng favorite niya.

Sakto at nakita ko ang mama niya sa lamesa.

"Good morning po." Sabi ko at yumuko.

"Good morning din hija, ang aga mong magising ah."

"Balak ko po kasing ipagluto si Bea ng favorite niya. Ano po bang favorite niyang kainin?"

"Nako yung batang yan? Walang ibang kinakain yan kundi adobong sitaw!"

"Mahilig po siya sa gulay?"

  "Oo hija."

"Sige po tita, luto lang po ako." Tumango lang 'to at umalis na ako. Hindi ko maiwasang ngumiti, paamo ba naman, tita daw ba ang itawag ko? Hahaha.

  Hindi naman ganun kahirap sila Bea kaya kahit pa-paano ay may gasul sila.

  Naghanap lang ako ng ingredients sa ref. at nagsimula ng magluto..

  Inaayos ko na yung lamesa ng may maaninag akong tao sa gilid ko, akala ko si Bea pero si Monica pala.

"Wow! Gumising ka talaga ng maaga para ipagluto ako huh?" Sabi nito at akmang kakainin na yung niluto ko pero tanapik ko ang kamay nito.

"Para kay Bea yan."

"Aw.. akala ko pa naman saakin na."

"Monica ilang beses ko bamg sasabihin sayo na matagal na tayong tapos? Hindi na kita mahal."

"Bakit Violet?! Meron na bang iba ha? Meron na ba?!" Nagsi-simula na itong magtaas ng boses.

  "Oo Monica kaya kung pwede layuan mo na ako."

  "Hindi Violet! Matagal akong naghintay sa pagbalik mo! Kaya hindi kita isu-suko kung sino mang babae yan!" Sigaw nito at umalis na.

Ngayon ko lang naalala na, ang babaeng tunutukoy niya ay ang kapatid niya.

Paano kapag nalaman niyang ang karibal niya saakin ay sarilang niyang kapatid?

----

Bea

Nasa labas kami mg bahay, balak ko sanang ipasyal si Violet sa baryo namin.

Ngyon ko lang nalaman na masarap pa lang magluto si Violet ng adobong sitaw, nako mukhang may karibal na si mama sa pagluluto nun saakin!

Huminto kami sa paglalakad ng marating na namin ang plaza.

Umupo kami sa isa sa mga bench dun.

"Baby.." pagtawag nito saakin, tumingin ako dito, naka-titig lang 'to saakin.

"Bakit?"

"Promise me.. promise me na kahit anong mangyari, hindi ka susuko. Na kahit dumating ang pinaka mahirap na problema sa relasyon natin ay hindi ka susuko."


Hinawakan ko ang kamay nito at tumititig sa mga mata niya.

"Pangako baby.. hinding hindi ako susuko. Hinding hindi kita iiwan."

"Salamat baby." Sabi nito at niyakap ako..


----

Sino yung nabigla sa pasabog ko? Hahahaha!

Hindi talaga ako nagbigay babala para magulat kayo :)

COMMENT GUYS :)

HAPPY 100+ COMMENTS! :)

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora