"Sir, may nag-abot po saakin neto kanina. Sainyo po nakapangalan" sabi niya sabay abot saakin nung envelope kaya tinignan ko muna iyon habang nakakunot noo bago ko kinuha 'yon at ngumiti sakanya.

"Salamat"

"Ok na sir!" Sabi nung lalaking naglagay ng mga gamit ko sa sasakyan.

"Sige salamat po sainyo!" Sabi ko bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagpasok na pagpasok ko agad na tumunog ang cellphone ko kaya naman pinatong ko muna sa bitbit kong bag ang envelope saka sinagot ang tawag ni Colt.

Hinintay ko muna siyang magsalita bago ako nagsalita.

"Bossing! On the way kami sa bahay niyo ng misis mo" bungad niya kaya ngumisi ako.

"Sige lang, pauwi na din ako" sabi ko at nagpaalam naman siya kaya binaba ko na ang tawag.

Pinaandar ko naman ang sasakyan saka ako nagmaneho pauwi habang nakangiti dahil sigurado akong naghihintay si Brielle sa bahay.

*****

Pagdating ko sa loob ng parking lot ng bahay ko, tinanggal ko na ang seat belt ko saka ako lumabas at kinuha isa-isa ang mga gamit ko.

Pagpasok ko sa loob naririnig ko na ang boses ng mga kaibigan ko na nag-iingay sa loob ng kusina at mukhang nagtatalo pa.

"Ako na nga kasi magluluto!"

"Ehh susunugin mo nga lang rin"

"Ako na, isa"

"Suntukan na lang ohh?"

Napailing na lang ako dahil para na naman silang mga bata bago ako naglakad papunta sa sala.

"Si Brielle?" Tanong ko kahit wala namang akong kaharap pero alam kong maririnig nila ako.

"Nandiyan ka na pala?" Dungaw ni Jeremy mula sa kusina.

"Si Brielle?" Tanong ko ulit bago pabagsak na naupo sa sofa.

Nakakapagod!

"Wala. Wala siya dito pagdating namin kanina, doorbell nga kami ng doorbell kanina kasi akala namin nandito" sabi niya kaya agad na kumunot ang noo ko saka ako tumayo at agad na tinignan ang cellphone ko.

Sakto naman na may nag text kaya tinignan ko 'yon at nakita ko ang pinadalang litrato nung bodyguard na pinapabantay ko kay Brielle mula sa malayo.

"Anong ginagawa niya diyan?" Magkasalubong na kilay kong tanong bago nagmamadaling naglakad palabas ng bahay.

"Hoy! Saan ka pupunta!?" Rinig kong pasigaw na tanong ni Jeremy pero nakalabas na ako at patakbong lumapit sasakyan ko.

Mabilis kong binuksan ang gate at gamit ang kaliwa kong kamay, tinawagan ko ang cellphone ni Brielle habang nasa manibela naman ang isa ko pang kamay habang pinapaliko ang sasakyan.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa bar kung saan nadoon ngayon si Brielle.

"Pasaway na babaeng 'yon, ano na naman kaya ang ginawa ko at naglalasing ngayon?" Kunot noo kong tanong sa sarili pero handa na talaga akong sermonan ang babaeng 'yon dahil hindi man lang nagpaalam saakin.

Pagdating ko sa lugar, sa malayo pa lang may natatanaw na akong babaeng pasuraysuray maglakad habang nakasuot ng maikling fitted dress na halos makita na kaluluwa niya at sandals na grabe sa tangkad.

Napapikit naman ako ng mariin kasabay ng pagbuntong hininga ko bago ko hininto ang sasakyan sa harapan niya mismo.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa mga lalaking nagtitinginan sakanya kaya nirolyo ko ang sleeves ng polo ko at tinanggal ko din ang dalawang butones dahil kapag talaga 'to nabastos makakalipad ang isa sakanila ng hindi nila nalalaman.

Pero dahil mag-gaggalit-galitan ako ngayon, ibinaba ko ang salamin sa side kung nasaan nakayo malapit si Brielle bago ko siya tinignan ng seryoso.

"Oh? Hi there!" Nakangiti niyang bati saakin at bahagya siyang yumuko dahilan para mapapikit ako ng mariin at mapaiwas ng tingin.

Jusko lord!

"You're so handsome" sabi niya kaya agad na nagbago ang emosyon ko sa mukha.

Kunot noo ko siyang tinignan ulit at nakatakip naman ang kanan niyang kamay sa dibdib niya pero hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga lalaking nakatingin sa likod niya.

"Do you know how much I want to punch someone right now?" Nang gagalaiti kong tanong sakanya pero malumanay pa rin ang boses ko.

Pre, kaharap ko ang babaeng magiging nanay ng mga anak namin kaya kailangan ko magtimpi. Mahal ko eh.

"Why?" Nakangiti niyang sabi pero naiinis na talaga ako dahil nakukuha niya pa ngumit!?

"And you're enjoying it? Stand straight Brielle, they're all looking at you right now like they want to– argh!" Nagtitimpi kong sabi.

"Oh you're acting like him" sabi niya bago tumayo ng maayos kaya nagtaka ako.

Ako ba? Ako 'yong tinutukoy niya?

Bigla naman niyang nilusot ang ulo niya sa bintana ng sasakyan kaya nagulat ako.

"Who are you mister? You look like him too? Am I hallucinating? You're so handsome like him. Can I kiss you? I miss him so bad! Damn!"

"Shit Brielle, may alak na ang utak mo" napapamura kong sabi bago ako mabilis na bumaba ng sasakyan dala ang coat ko at saka ko sinuot ang sumbrero ko bago ako lumapit sakanya. "Tanggalin mo iyang ulo mo jan at uuwi na tayo" malumanay kong sabi.

Sumunod naman siya kaya hinarang ko naman ang kamay ko sa may ulo niya para hindi siya mauntog bago ko sinuot sakanya ang coat ko. Pinagbuksan ko din siya ng pintuan at inalalayan ulit papasok sa loob.

Umikot ulit ako at nung makapasok na ako sa loob napapikit ako saka ko nasapo ang noo ko ng makitang hinihingahan niya ang bintana saka siya nagsusulat gamit ang daliri niya.

"I'm mad?" Basa ko sa sinulat niya bago ko siya tinignan at masama na agad ang tingin niya saakin kaya napakurap-kurap ako.

"It's you!" Magkasalubong na kilay niyang sabi habang nakaturo saakin.

"Ako naman talaga 'to. A-anong ginawa ko?" Nagtataka kong tanong sakanya pero inirapan niya lang ako bago tumagilid at tinalikuran ako.

Lumapit ako sakanya para sana ikabit ang seatbelt niya pero bigla niyang tinapik ang kamay ko at siya na mismo ang nagkabit kaya napatitig na lang ako sakanya.

"Where is my kiss?" Tanong ko sakanya at masamang tingin ulit ang ibinigay niya saakin.

"No kisses until you say sorry" parang bata niyang sabi at tinalikuran ulit ako kaya napakurap-kurap ulit ako.

Anong ginawa ko?

Pinaadar ko na lang ulit ang sasakyan at tahimik na nagmaneho pabalik ng bahay habang iniisip kung anong mali ang nagawa ko.

*****

Nakauwi na kami at nasa parking lot ulit ako ng bahay ko habang nasa loob pa rin ng sasakyan dahil wala yatang balak bumaba ang babaeng kasama ko kay napabuntong hininga na lang ako.

"Brielle, baby, what did I do wrong?" Malumanay at malambing kong tanong sakanya.

Humarap naman siya saakin habang masama pa rin ang tingin saakin pero bigla kong napansin na pababa na sa labi ko ang mga tingin niya kaya napalunok ako.

"Kiss me" biglang sabi niya dahilan para sunod-sunod akong mapalunok.

Magpigil ka Miguel!

"No kisses until you tell me what did I do wrong" sabi ko bago bumaba ng sasakyan at umikot papunta sa pwesto niya para pagbuksan siya ng pinto.

Paglabas niya masamang tingin ulit ang ibinigay niya saakin at muntik pa matumba kaya agad ko siyang inalalayan papasok kahit na ayaw niyang magpa-alalay.

May topak na naman po ang baby ko.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now