Chapter 19

30 0 0
                                    

Eris POV

Kinaumagahan, hindi ko sinabayan sa pag-almusal ang aking asawa bagkus ay agad akong tumungo sa kusina upang matutong magluto at para na rin humanap ng pagkakataon na makipaglapit sa matandang tagapagsilbi.

Lahat nang nakakita sa akin ay gulat na gulat dahil ito ang unang pagkakataon na napadpad ako sa kusina.

"Ehem, Where's the old maid?" I asked them.

"Nasa loob po ng imbakan ng pagkain" sabay-sabay nilang sambit. I go to the storage and saw her arranging some fermented foods in a jar.

Ahem! I coughed, geez I don't know how to start a conversation. Nang napansin niya na may tao sa kanyang likuran agad naman siya lumingon halata sa kanya ang pagkagulat dahil alam nilang ako yung tipo ng tao na hindi lumalapit sa mga kagaya nilang mababang uri.

"Anong maipagsisilbi ko sa inyo mahal na empress?" Nakayuko niyang sabi.

"Teach me how to cook" I ordered her.

Hindi niya marahil inaakala na sasabihin ko iyon, Kung kaya't mabilis niya inangat ang kanyang ulo upang makita ako kung ako ba ay nagbibiro lamang.

"Ipagpaumanhin niyo po empress pero tama ba ang aking nadinig na nais niyong matuto na magluto?" Paglilinaw niya.

"Yes, from now on I want to cook my food because I don't trust anyone here...malay ko ba na nilalagay niyo ng lason ang aking pagkain" Great!! what a lame excuse eris.

Nanlaki naman ang kanyang mata sa aking sinabi.

"Mahal na empress! Hindi po namin yan magagawa sa inyo" depensa niya.

"If you say, But, just to make sure i want to cook my food from now on" pangungulit ko.

"Kung iyan po ang nais niyo kamahalan sige, tuturuan ko po kayo magluto" Pagsuko niya.

Yes! Gumagana na ang aking plano.



SLOW UD: The Villain Wife of Emperor(Eris and Rudeus)Where stories live. Discover now