Chapter 16

42 0 0
                                    

Eris POV:

"What's your problem? Are you out of mind?" Inis niyang tanong sakin.

Napairap ako, grabe naman to nagtatanong lang naman.

"Wala lang naman...napagisip-isip ko na sa tagal nating nagsasama ay wala pa akong alam tungkol sayo" I honestly said

"Does it matter? There's no need and I'm going to divorce you soon anyway" Masungit niyang sabi.

"Huh? What did you say? " Hindi ko narinig ang kanyang huling sinabi.

Hindi siya kumibo at pagkatapos niyang magpunas ng bibig gamit ang table napkin, Siya ay tumayo na at iniwan ako ng walang paalam.

"Such a Jerk" I said in my mind, Napahampas ako ng lamesa sa inis dahil hindi man lang sinagot ang mga aking tanong.

Inayos ko ang aking sarili at napagdesisyonan na bumalik sa aking silid upang magpalit ng damit dahil ito ay basa, inutusan ko rin ang aking tagasunod na dalhan na lamang ako ng pagkain sa aking silid dahil wala naman akong kasabay kung dito ako kakain, nakakawalang gana lang.

Sa aking paglabas ng silid-kainan ay lahat ng taga-silbi ay pinagbubulungan at tinitignan ako, marahil akala nila ay nag-away na naman kami.

"Bakit basa ang kasuotan ng Empress?" Mahinang tanong ng Isang taga-silbi sa kanyang kasama.

"Siguro ay binuhusan siya ng tubig ng emperador, alam mo naman ang ugali niyan... Lagi niyang iniinis ang mga taong nasa paligid niya" Hula ng kanyang kasama.

Napantig ang tenga ko sa aking narinig Kung kaya't nilingon ko sila at masamang tinignan, Agad naman sila napayuko at nanginginig sa takot. Nilapitan ko sila ng nakataas ang aking noo.

"Trabaho ang pinunta niyo dito diba?" Lalo naman silang napayuko.

"Tawagin mo ang tagapamahala ng mga taga-silbi, magmadali" utos ko sa isang taga-silbing nasa gilid.

"Masusunod po!" Dali-dali siyang umalis, maya't maya pa ay dumating na ang inutusan ko kasama ang pinakamatagal at pinagkakatiwalaang taga-silbi sa kaharian.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Empress?" Hindi na siya nag-aksaya ng oras na yumuko sa akin dahil hindi Siya takot at malakas ang kapit sa emperador sa kadahilanan na siya ang nagpalaki at nag-alaga rito kung kaya ang tingin ng emperador dito ay pangalawang ina.

"Nais kong tanggalin niyo ang dalawang ito sa trabaho at wag papabalikin sa kaharian" Diretso kong saad, kaya ang dalawang taga-silbi ay lubos na nagmamaka-awa sa akin na wag silang patalsikin sa kanilang trabaho.

"Maawa po kayo samin empress, ako lamang ang inaasahan ng aking magulang at mga kapatid!"

"Hindi na po mauulit Empress! Pakiusap po!"

Hindi ko sila pinansin at pagkatapos kong Sabihin iyon ay dire-diretso na akong naglakad patungo sa aking silid.



Short ud💜




SLOW UD: The Villain Wife of Emperor(Eris and Rudeus)Where stories live. Discover now