1

13 5 2
                                    

Seira:

Maaga akong nàgising dahil maaga ang alis namin ni ina ngayon, alas tres pa lang ay nàgising na ako.

Bumangon ako upang maligo,hinanda ko muna ang mga susuutin ko bago maligo.dumiretso ako sa banyo at sinimulan ang dapat kung gawin.nagsuot lng ako ng jeans at black t shirt,pagkatapos ay bumaba na ako para kumain, ayokong umalis ng bahay nang hindi kumakain.

"Oh andyan ka na pala"sabi ni mama

"Opo kababa ko lang po"sagot ko naman

"Halika na at nang makakain na tayo at para maka alis na din tayo dahil limitado lang ang oras ng pagbubukas ng portal"sabi ni mama

"Eh bakit po ba kasi may portal pa, I mean bakit tago po ang akademya?" Tanong ko naman kasi nagtataka ako eh pwede naman na sa madaling mahanap na lugar na lang makita ang akademya pero bakit hindi.

"Para maprotektahan ang mga nilalang na pumapasok doon,tanda mo pa naman ang nangyari Dalawampu't isang taon ang nakalipas,hindi ba?"sagot ni mama

"Opo"sagot ko.

Kung nagtataka kayo ano ang nangyari noon,sige ikekwento ko.
21 years ago hindi namumuhay ng payapa ang lahat ng nilalang sa mundo namin, there's a rumors kasi na may mga cursed alverians o mga nilalang na nasakop ng kasamaan,and that rumors are true,pinamumunuan sila ng Lolo ko,yes lolo ko.hindi sinabi ni mama ang full details basta sabi nya Isa si Lolo sa mga masasamang kinakaban nila.

Si mama ay Isa sa mga malalakas na mag aaral sa LSA o Luminous Star Academy,pati na rin si papa kaso sa nangyaring digmaan ay nasawi si papa.ang grupo ng Heavenly Section ang tumalo sa kasamaan nila lolo.

yun lang ang sinabi ni mama kasi bawal daw talaga ikalat ang nangyari sa digmaan na yun,kaya Isa din yan sa mga hahanapin ko sa academy, impossible na wala ni isang libro ang nilimbag tungkol sa nangyari 21 years ago.arghh this is exciting at the same time nakakasad kasi aalis na naman ako sa bagong tahanan ko hayst…

"Sierra ano na,nakatunganga ka pa dyan,mahuhuli na tayo"nagulat ako sa biglang pagsasalita ni mama

"Ayt hehe sorry po mama may iniisip lang po,tapos naman na po ako,ako na din po mag hugas"sagot ko naman

'ohh sya sige akyat na ako para makapag handa na din,mag ayus ka na din after that,ok?"

"Yes mom" sagot ko

Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan umakyat na ako para iligpit ang mga gamit ko,well kagabi pa talaga itong naka ayus,aayusin ko lang nang ayus na ayus  at iche check na din kung may naiwan ba.

Dahil nakaligo naman na ako kanina at tapos ko na din tingnan ang mga gamit ko bumaba na ako,sa huling sandali bago ko isara ang pinto ng kwarto ko tiningnan ko ito ng maayus,mamimiss ko to sobra.Bumaba na ako at nakita si mama sa may sofa,mukhang malalim ang iniisip nya.

"Ma!!" Medyo may pasigaw na sabi ko,nagulat ko yata sya

"Jusko kang bata ka,ano bang gusto mo mawala na ako ng maaga" sabi nya habang hawak hawak ang dibdib nya

"Ang lalim po kasi ng iniisip nyo" medyo natatawa ko namang sagot

"Ano po bang iniisip nyo?" Tanong ko

"Ah…eh wala yun anak,oh sya tara na para maaga din tayo makarating doon" sabi naman nya

"Uhmm okay po"

Binitbit ko na ang mga gamit ko at sumunod kay mama patungo sa sasakyan namin,not totally a sasakyan or car but more like karwahe,umandar na ito at nakasakay lang kami sa loob.

Matapos ang ilang oras hindi pa din kami nakakarating sa may portal,sa tingin ko nasa gitna kami ng gubat.sa lahat lahat ng pwedeng daanan gubat pa,like omooo buti na lang nasa loob kami ng karwahe.naisipan ko muna na matulog dahil wala naman akong gagawin eh.

Someone:

Parating na sya, kailangan ko nang maghanda.hindi man sya ang itinakda alam ko na Isa sya sa tatapos sa akin but if that will happen,I won't let that happen.

"Kawal balaan nyo ang traydor" utos ko sa kawal ko

"Opo,panginoon" tugon naman nito sa akin

Tiningnan ko sya habang naglalakad palayo,makakagalaw na din at magkakaroon ng silbi ang isang iyon.sana lang ay maayus ang pagtatrabaho nya.

Sierra:

Nagising ako sa isang magandang lugar,hindi ba ito ang academy???
Nasa labas ako ng main building,nilibot ko ang academy hanggang likodan nito,sa may gubat.

Ehh??gubat??

Napagpasyahan ko na bumalik na lang dahil alam ko naman wala ako mapapala doon,tatalikod na sana ako nang may mahagip ang mata ko malapit sa kalagitnaan ng gubat,kumikinang ito.Dahil sa koryusidad ay napagpasyahan ko na lapitan ito,malapit pa lang ako ay rinig na ang ragasa ng tubig,ito ay nanggagaling sa fountain sa gitna,sa tuktok ng fountain ay doon makikita ang isang kumikinang na bagay.tumingkayad ako para maabot ito.medyo nabigla ako dahil akala ko ito ay ordinaryong batong hiyas lamang ngunit mas nagulat ako ng makita na ito ay isang kahoy lamang,kahoy na korteng wand.

Kinuha ko ito at nabigla dahil sa biglang pag angat nito sa ere at ang syang biglang pagliwanag ng paligid,bago pa tuluyang magliwanag ay nakita ko na naging pendant ang wand.dahil sa liwanag ay pumikit ako dahil masyadong masakit sa mata.

Pagkalaan ng ilang minuto ay minulat ko ang mata ko at nakita na nasa karwahe ako.

Isang panaginip??

Ang weird huh,napahawak ako sa may parteng dibdib ko,nang may makapa ako dito,don't tell me ito yung…
Lumingon ako at tama ang hinala ko,ito nga yung wand pero bakit, bakit to nandito,panaginip lang ang lahat diba,at totoo ba ang fountain sa may gubat sa academy.haystt natulog lang naman ako pero naging weird na lahat…

"Everything will be alright my dear,the time will come and you'll know"

Isang di pamilyar na boses ang narinig ko,eh?? Multo?? Juskooo ano ba tong napasok ko…


New start

The Cursed Witch Where stories live. Discover now