PROLOGUE

12 5 0
                                    

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa harap ng tahanan namin kaya naman napag isipan kong bumangon kahit napaka aga pa,ano bang nangyayari?

Hindi na ako nag abala pang bumaba ng ikalawang palapag ng bahay namin dahil tutulog ulit ako pagkatapos kong malaman kung tungkol saan ang kaguluhan. Sumilip ako sa terrace ng aking kwarto at nagulat sa nakita ko, ang munting baryo namin nasusunog.

Nagsimula ang sunog sa sentro at patuloy itong lumalaki at dahil sa gawa sa kahoy halos lahat ng bahay dito madali itong kumakalat. Natauhan na lamang ako ng sumigaw si ina at sinabihan ako na kailangan na namin umalis dito.

"Pero ina paano ang bahay na ito, hindi ba't pamana pa ito ng ating ninuno" sabi ko kay ina ngunit parang wala man lang siyang naririnig at patuloy na kinukuha ang mga bagay na mahalaga at dadalhin namin.

"Kailangan natin itong gawain anak,panahon na din upang lisanin ang lugar na ito hindi na tayo ligtas rito" makahulugang sabi nya at patuloy pa rin sa pag iimpake.

"Ano pong hindi na ligtas, Wala naman pong nangyayari at mangyayari na masama sa atin dito ah" Sabi ko naman sa kanya

"Hindi mo pa maintindihan ngayon anak,oh sya magmadali ka na dyan at maiiwan na tayo at matutupok na ang bahay na ito kasama tayo kapag hindi ka pa nag madali" sagot nya kaya iyon na din ang aking ginawa.

Pagkatapos noon ay lumabas na kami, akmang tatakbo na si ina ngunit napansin nya na may tinitingnan pa ako, nakatingin ako sa bahay namin sa labing limang taong pananatili namin sa Lugar na ito na mas kilala sa tawag na Little Den of the Witcher's,ngayon pa lang namin lilisanin ang lugar na ito ng hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan,hindi ko maatim na maiwan ang bahay na ito, dito na ako lumaki kasama ang aking ina, nakakalungkot man isipin pero kailangan,iyan ang sabi nya.

"Seira ano na, kailangan na natin umalis" sabi ni ina kaya nman sumunod na ako sa kanya.

Tumakbo kami at nadaanan namin ang daan papunta sa sentro ngunit dahil sa doon nagsisimula ang sunog ibang daan ang tinahak namin. Mabilis na tumakbo kami ni ina ngunit hindi nakalampas sa paningin ko ang isang taong naka cloak na grey nakaharap sya sa nasusunog na lugar namin at nasa gilid nya ang nakahiga na pinuno ng lugar na ito,marahil naramdaman nya na may taong nakatingin sa kanya kaya namn tumingin sya sa direksyon ko nakita ko ang parteng baba ng kanyang mukha na nakangisi at natutuwa dahil sa nangyari sa lugar namin.

"Magkikita din tayong muli"

Parang may sinabi sya na kung ano ngunit hindi ko maintindihan,patuloy lang ang pagtakbo ko ngunit bago pa ako maka alis sa pwesto na yun nakita ko ang mata nya,ang kulay nito kakaiba

Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ang hininga ko,ang pangyayari na yon, palagi na lang yun nagpapakita sa gabi-gabi sa akin,dalawang taon na nang mangyari iyon at ngayon namumuhay kami ng payapa sa bayan ng spelliarmous ang village o tribe ng mga witches,yes I'm a witch and in proud of it.

So hi I'm allexa Seira Drea Coulley anak ng nag iisang  Astrid Raven  Sollen Coulley ang maganda kong mama, pagkatapos na nangyari sa dati naming tahanan o lugar, dito ako dinala ni mama ang sabi nya mas magiging ligtas daw kami dito.

Bumangon na ako dahil umaga na din naman at nagugutom na din ako, niligpit ko muna ang aking kwarto bago bumaba sa unang palapag ng bahay,nakita ko si mama na nagluluto

"Oh anak gising ka na pala,good morning oh sya maupo ka na dyan at matatapos na ako dito"sabi nya

"Cgeh poh ma,good morning din po" sagot ko naman sa kanya

Ilang minuto lang ay natapos na syang magluto at kumain na din kami,pagkatapos kumain ay nagpresenta ako na ako na lang and maghugas at punayag naman sya.

"Pagkatapos mo dyan may paguusapan tayo" sabi nya,hindi na ako nag abala pang sumagot at mabilis na tinapos ang ginagawa.

"Tungkol saan po ba mama?" Tanong ko

"Dahil seventeen ka na kailangan mo ng pumasok sa akademya" sabi naman nya

"At napagdesisyunan ko na sa Luminous Star Academy ka ipasok dahil maganda ang pagpapatakbo doon at magiging ligtas ka din doon at Isa pa bawat tribe ay nandoon din ang mga katulad,kaya madami kang makikilala na bagong kaibigan doon, sang ayon ka ba?" Mahabang sabi nya

"Oo naman po mama, labag man na iwanan kayo dito alam ko po na mas makakatulong kung mag aaral ako at para na din po ma enhance na din ang pag gamit ko ng mahika at mga spells" i replied

"Isa pa pala iyan,maaari bang itago mo muna ang tungkol sa mahika mo at ang ipaalam mo na lamang ay ang pagiging isang witch mo?' Tanong ni mama, nagdadalawang isip man ay sumang ayon na lang ako dahil sa sinabi nya ang salitang para sa ikabubuti ko.

Natulog ako ng maaga ng gabing iyon dahil kinabukasan ay magiging panibagong araw na naman at buhay para sa akin,umayaw man ako ay kailangan pa rin dahil nga sa ikabubuti ko,kahit ano pa man ang mangyari I will survive and try to get back here, ako si Allexa Seira Drea Coulley ang witch na may kakaibang kakayahan na kailangan kong ingatan dahil ako ay walang iba kundi ang The Cursed Witch,

||~~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||

Keo

So ayan na nga nag update na ako ng prologue abang abang na lng sa 1st chapter at sana magustuhan nyo ito yung lang Ja'ne!!!
Thanks for the votes.

The Cursed Witch Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora