Start

2K 74 13
                                    

‧͙⁺˚*・༓☾ START ☽༓・*˚⁺‧͙

Akira Menaide Pereseo

"Say mama..."

"P-pap..."

"Ma-ma."

"Pap..."

My forehead furrowed slightly, and I shook my head. "No, baby." I pointed at my face and beamed with delight. "It's ma...ma."

"Pap-pap..."

"Ugh..." I growled. "No. I said mama, not papa. Why are you calling him when I'm the one here? I was nine months pregnant with you. I struggled giving birth to you. And only I, your mother, will raise and support you. Then, after everything, the first word you'll learn to say is papa and not mama? We don't need him or anyone. So, stop looking for someone I don't even know—someone whose name I can't even remember. Do you understand?" I did my best to say each word as softly as I could.

As if he understood everything I said, he stared back at me with his round eyes. He wasn't blinking and his eyes began to dampen. His gentle and small lips parted but no words came out. He waved his healthy but squashy arms at me.

"If you don't want mama, let's change it. Now, my baby, repeat after me. Mommy..."

Two adorable little dimples were popping up and down on his flabby cheeks as he moved his lips. "Pap...pa"

˚☽˚.⋆

"Your son will be okay in two to four days...Misis?"

"Pereseo."

"Yes, Mrs. Pereseo, it's normal for a child to have a fever when teething, but make sure he takes the prescribed medicine."

"Okay, Doc."

"Do you breastfeed?" I nodded. She smiled. "That's good. Take care of your son."

"Thank you, Doc." Napabuga ako ng hangin pagkaalis ng babaeng pediatrician na nag-asikaso sa amin.

Karga-karga ang anak ko, lumabas kami ng hospital. Mahimbing ang tulog niya sa braso ko habang naghihintay ako ng dadaang taxi.

Pagdating ko ng condo ni Maddie, siya kaagad ang bumungad sa amin pagbukas ko ng pinto.

"What happened? Is Bran okay, huh?" Sinalat niya ang noo nito.

"He's fine, Mads. Akala ko ba hindi ka muna uuwi dito?" Maingat kong ibinaba si Bran sa crib sa kadahilanang baka magising siya. Maya't maya siya naaalimpungatan kagabi at iiyak dahil may bagong patubong ngipin. Kaya puyat din ako.

Madeline is my best friend since our freshman year in college. Graduate na siya last year pa at may trabaho na ngayon kahit na hindi naman niya kailangan magbanat ng buto dahil ginagawa pa lang siya sa kama, may mamanahin na siya.

Magkaedad lang kami at dapat sabay kaming ga-graduate kaso bigla akong nabuntis. Ayoko namang tumanggap ng diploma habang may malaking bukol ako sa tiyan. Sa loob nang mahigit dalawang taon, dito na ako umuuwi sa condo niya. Siya rin ang babaeng nakakaalam ng lahat ng sekreto at baho ko.

Sanay naman sina Bossing at Master, parents ko, na wala ako sa bahay madalas, dahil ang buong akala nila nag-uupa ako kasama si Mads.

"Wala ka bang balak hanapin siya, Kirs?"

"Sino?"

"Bran's father."

Napaungol ako. "I can raise Bran on my own, Mads. Hindi ko kailangan ng pera ng kahit na sino. Hinding-hindi ako maghahabol. Kaya kong tumayong nanay at tatay."

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon