Chapter 55 - You'll Be Fine

Magsimula sa umpisa
                                    



"Finally, naalis mo na rin ang takot mo na kaharapin ako." she flashed a wonderful smile that can make anyone fell in love with her. Even her eyes look genuine and pure as she look.



"May I know your name?" lakas loob kong tanong. Hindi ko maiwasan na hindi tumbasan ang ngiting pinapakita niya, that's why I gave my carefree smile. Little by little, doubts and bits of fright are fading. It felt like I want to talk to her the whole time. It felt like I missed her for all this time.



She then giggled. "Hi Alexandria! My name is Kirsten! Inaalagaan mo ba si Liam ng mabuti? Kamusta na siya?" she said excitedly. Para bang nawala ang ngiting nasa mukha ko at napalitan ito ng pagkagulat. I mean, I was totally dumbfounded with what she just asked me. Her name is Kirsten! Is she Spade's fiancee's lost soul? Damn, what am I thinking? I'm getting and getting nonsensical everyday. But who's Liam?



"Liam?" pagtataka ko. Kirsten then cutely tilted her head and put her tiny index finger on her chin that made her look thinking deeply. In a few seconds, napabalik ang dating postura niya at may 'aha!' expression sa kanya. "Si Liam. As in Spade William! Sabi niya babalikan niya ako pero never siyang bumalik." lumungkot ang itsura niya. I want to hug her, a lot.



Umalis ako sa pagkakaupo sa isang parang hospital bed at nilapitan siya upang yakapin. Hinaplos haplos ko ang mahaba niyang buhok na likod habang hinahayaan lamang siyang umiyak sa piling ko. I don't know why but I somewhat can feel what she is feeling right now. How she much suffered from waiting on that jerk, Spade for a long time, I can feel her heavy feeling.



Makaraan ang ilang minuto ay tumahan na siya. Naglayo kami at tayo naman ako maayos. Pero tila nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ang kung anong meron sa hospital bed na kanina'y hinihigaan ko.



"Don't worry. I'll just take you for a small trip. After that, you will go back again with your precious treasures back. You won't get harmed, I assure you. Wala ring gagalaw sa katawan mo dahil buhay ka pa. You are not even half dead." napakalma naman ako sa sinabi niya. Oh God, I was looking at my body with no sign of living. My body of mine which has no soul in it.



Naramdaman kong hinawakan ng mumunti niyang kamay ang kanang kamay ko. Napatingin naman ako kaagad sa kanya. "Let's go?" napalingon akong muli sa katawan kong nakaratay doon sa kama. "Come on. Kailangan nating bilisan dahil marami ng nangyayari sa labas ng mundong ito na sa ngayon ay kinagagalawan natin." she told me. I let out a sigh before I followed her footsteps.



Sinama niya ako sa para bang walang katapusang kadiliman. Gayunpaman, hindi ako nagreklamo man o nagtanong. Pagkakatiwalaan ko na lang siya habang ginagamit na rason ang mga salitang binitawan sa akin ng isang Sean Vantress. Hanggang sa makarating kami sa isang maliwanag na pintuan. Bago ko pa masuri ito ay agad agad na akong nahila ni Kirsten papasok.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon