Chapter Twenty

5 0 0
                                    

Four's Pov...

"Hey Tres wake up, wag ka munang matulog. Hey wake up! Shit!" Nataranta ako ng hindi na siya magising pa. Ang lamig ng kamay niya at nanginginig pa ang katawan. Fuck! What the hell is happening?

Hindi pa nga ako maka get over sa takot ko kanina sa ginawa niya eh ngayon mas natakot pa ako sa nangyayari sa kanya. Hinawakan ko ang noo niya at napabitaw din agad ng maramdaman na mainit siya. Jusko.

Napalingon naman ako bigla sa may pinto ng may bumato doon. Ito na naman, sino na naman to! Kahit nag aalinlangan ay lumabas ako ng pinto at dumungaw sa labas.

Nakita ko namang may naka park na kotse sa labas ng gate habang may kumakaway sa labas na apat na babae. Teka, sila ang kagrupo ni Tres. Lumapit sa may banda ng terrace ko si Keithlyn habang nag sign na ihahagis niya banda sakin ang hawak-hawak na bag. Ano naman yan?

Magtatanong pa sana ako ng bigla na niyang hinagis ito patungo sakin ng napakalakas. Nataranta pa ako baka mapano ang nasa loob nito at mabuti nalang at sa dibdib ko ito napunta. Medyo masakit ah.

Napatingin ako ulit sa apat na sinisitsitan ako. Iwan ko kung matatawa ba ako sa ginagawa nila o sisigaw nalang sa frustration dahil sa pagtataka.

Umaksyon kasi si Keithlyn na nagbubukas ng bag na hawak kunwari ni Chantel at may kinuha dun. Napagtanto ko naman ang ginagawa nila kaya agad kong linagay sa coffee table ang bag at binuksan iyon at bumungad sa akin ang box.

Binuksan ko iyun at bumungad sa akin ang isang syringe at isang maliit na bote. Nagtataka ulit akong napatingin sa apat na pumapalakpak pa pero walang tunog.

Umaksyon ulit si Keithlyn na may kawak na syringe kunwari at tinusok sa balikat ni Alexandria na nakapikit din kunwari. Napatango naman ako at nag approve sa kanila ng ma gets yun.

May tinuro pa si Angelina sa bag kaya tinignan ko ulit yun. May maliit nga na papel doon at may nakasulat.

"Ubusin mo ang laman ng bote at ilagay sa syringe tsaka itusok sa balikat ni Tres na may sugat. Sa gilid ng sugat ah baka magising yan bigla at masapak ka. Dalian mo!"

Pagbasa ko sa nakasulat doon at agad na hinanda ang syringe. Alam kong nakamasid ang apat sa akin ngayon pero hindi ko na yun pinansin pa at agad pumasok sa kwarto ko dala-dala ang syringe na may nakapaloob na gamot.

Natakot ako bigla ng makitang namumutla na si Tres at mas lalong lumamig ang kamay niya. Dahan-dahan ko namang hinubad ang leather jacket niya sa balikat niyang may sugat. Ng mahubad ko iyun ay tumambad sa akin ang sugat niyang kulay ube na.

Walang pag-aalinlangan kong tinurok ang syringe doon at inubos talaga ang gamot dun bago tinanggal. Dali-dali naman akong tumayo ulit para kunin ang first aid kit na nasa cr. Babalik na sana ako sa kama ng maalala ko ang apat sa labas kaya pumunta muna ako sa may terrace.

At hindi nga ako nagkakamali kasi nandun pa sila sa may kalsada nakatayo habang nakadungaw sa kwarto ko. Ngumiti naman ako at nag approve sign kaya mukha naman silang nabuhayan ng loob. Pumasok na ulit ako at baka uuwi na rin ang mga yun.

Ng mailapag ko na ang kahon na dala ko ay kinuha ko na dito ang cotton, alcohol, at betadine. Mabuti nalang talaga at may ganito ako dito nakahanda. Thanks to my mom.

____

Makatapos kong linisan at lagyan ng plaster ang sugat ni Tres ay linigpit ko na ang mga gamit at linagay sa side table. Napatitig naman ako Tres na bumalik na ang natural na kulay ng kanyang balat.

Nakahinga na ako ng maluwag, sa wakas okay na din siya. Ilang minuto pa akong nakaupo sa gilid ng kama ng maisipan kong matulog na at inaantok na din ako.

The Powerful Heirs (ONGOING)Where stories live. Discover now