Chapter Nineteen

1 0 0
                                    

Tres's Pov...





"Talaga bang sa ganitong oras tayong dapat bumisita? Hello, mag 12am na oh" sinamaan ko naman ng tingin si Alexandria na kuda ng kuda habang nag d-drive. Nasa tabi niya naman ako.

"What did I tell you?" I asked in a cold way. Nag peace sign naman siya at tumahimik na. Bago kami umalis ay sinabihan ko na silang umuna ng umuwi pero sila ang nag insists na sumama. So it's not my fault na karamay ko silang mga walang tulog.

"Hindi ba pwede ipagbukas nalang---sabi ko nga tara na" segunda pa sana ni Chantel pero agad ding binawi ng lingunin ko siya at sinamaan din ng tingin. Natatawa naman ang dalawa pang katabi niya sa likod.

"Andito na tayo, bumaba kana" napatingin ulit ako kay Alexander na humikab pa at humalikipkip sa kanyang inuupuan. Tahimik na ang paligid sa labas.

Kung nagtataka kayo kung nasaan kami ngayon? Andito lang naman kami sa harap ng bahay ng makating lalaki na yun. Si Four. Oo makati talaga kasi hinayaan niya lang na yumakap ang linta sa kanya. Sana naman nakaligo na yun at baka may germs na naiwan sa katawan niya.

"Ako lang ang bababa. Pwede na kayong umuwi" sabi ko at tinanggal na ang seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto ng hindi yun mabuksan kaya galit akong lumingon ulit kay Alex.

"Ehh saan ka matutulog? Wag mong sabihin na gigisingin mo ang mga tao sa bahay na yan para sabihing makikitulog ka? Naghihirap ka naba Tres?" Hindi makapaniwalang anas nito tapos may patakip pa sa bibig. Ang daming alam ng babaeng ito.

Liningon ko din ang tatlo at nakita ang mga mukha nila, natampal ko naman ang aking noo. Shock was written in their faces. Mga gago.

"Sinong nagsabi na gigisingin ko ang lahat?" Tanong ko kay Alex na mas lumaki pa ang mata. Sarap tusukin eh.

"Don't tell me aakyat ka??!" Napapikit nalang ako sa lakas na hiyaw ng apat. At sabay pa talaga sila ano? Magkapareha nga sila ng utak, mga green.

"What if I said yes?, kaya umuwi na kayo sa condo. Susunod ako" huling habilin ko at bumaba na. Mabuti naman at hindi na lock ang pinto. Sinarado ko agad ito makatapos dilatan ng mata si Alex. Balak atang magdamag na nakadilat ng napakalaki ang mga mata niya.

Tulog na ata lahat ng tao sa loob na bahay nila kasi nakapatay na ang mga ilaw sa loob, except sa labas na magdamag nakabukas ang ilaw.

Napangiti ako ng makitang hindi naman gaano kataas ang bakod sa may gilid kaya naisipan kong doon na umakyat. Village pala tong kinaroroonan ng bahay nila na nasa pinakadulo at mas malaki sa ibang bahay. Mayaman nga naman.

Narinig ko pa ang papaalis na kotse nila Alex kaya tuloy tuloy lang akong umakyat sa pader tsaka tumalon sa loob. Easy lang naman, wala lang yun sa pinag trainingan naming talunin.

Dahan-dahan lang ang pag lakad takbo ko sa malawak na bakuran nila papunta sa katapat lang na terrace dito sa may gilid. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kwarto ng gagong lalaki na yun.

Walang kahirap hirap akong umakyat sa isang mataas na puno sa gilid na katapat ng terrace. Iwan ko kung anong puno ito basta ang masasabi ko lang ay alagang alaga. Mahilig ata sa mga tanim ang mommy niya kasi sa nakita ko sa bakuran nila hanggang sa halos palibot ng bahay ay magagandang pananim at mamumulaklak.

Napatigil pa ako ng tumunog ang takong ng boots ko ng nakalapag ako sa sahig ng terrace. Nawala sa isip ko na naka botas pa pala ako, psh.

Naalerto pa ako ng biglang bumukas ang ilaw sa loob kaya agad akong nagtago sa coffee table. Medyo madilim sa parte na tinataguan ko kaya #safe ang lola niyo.

Dahan-dahan pang bumukas ang pinto ng terrace kaya pilit kong hindi makagawa ng kakaibang tunog pero sadya atang ayaw ng panginoon sa ginagawa kong pag puslit ng bahay kasi tumunog bigla ang tyan ko. Bweset naman oh.

The Powerful Heirs (ONGOING)Where stories live. Discover now