Chapter Five

7 1 0
                                    

Tres's Pov...



Friday ngayon at sa nagdaan na tatlong araw ay wala namang kakaibang nangyari. I mean walang magulo at epal sa buhay ko bilang estudyante. Except sa taong parang buntot ko sa sunod ng sunod. Sino pa ba edi yung babaeng alagad ni hello kitty. Lahat nalang ng gamut ay may tatak ng pusang yun.




Naglalakad ako ngayon sa hallway at mai ilan ilan na ding mga estudyante. Maaga pa masyado kaya medyo tahimik pa----hindi pala. Nakita ko ang mga estudyante na tumatakbo patungo sa front gate. Kita kong marami ang nandun at kilala ko kung sino sino ang mga inaabangan nila dun.






Dumeretso na kasi ako sa gate na patungo sa parking lot ng eskwelahan kaya hindi ko nakita ang mga taong akala mo naman nakalunok ng megaphone sa lalakas ng tili. Ang kakapal pa ng mga make up sa mukha para lang mapansin ng idolo nila. Ang Prince's kuno nila psh.





Pumasok na ako sa classroom namin at nagpahalumbaba sa mesa. Shit, ngayon ko lang naalala na naiwan ko sa kotse ang airpods ko at ang mask. Bweset, nakakatamad pa naman bumaba at aakyat ulit sa hagdan. Nasa second floor kasi ang room namin, bweset talaga.





Wala na akong ibang choice kundi maupo nalang ng tahimik at marinig ang nakakarinding ingay ng mga classmates ko. Ako pa ang nasa loob kaya nakakakalma. Sana hindi nalang sila pumasok. Hindi ako makakatulog ngayon, kasi wala ang airpods ko.





"Woh! Ang aga mo na naman. Mas magugulat ako kung ikaw ang mahuhuling pumasok sa susunod" Keithlyn. Nag roll eyes nalang ako at hinayaang maupo na sa tabi ko ang asungot. Ano kaya ang magandang gawin sa babaeng ito para tumahimik?




"Nakagawa ka ba ng assignment sa calculus? Pa copy naman oh hindi na kasi ako nakasagot kagabi kasi nakatulog na ako----ui thanks" hindi ko na siya pinatapos pa at agad ko ng binigay sa kanya ang notebook ko. Natawa pa siya pero hindi ko na siya liningon pa. Mas ma stress pa ako kung papansinin ko pa siya.





Unti-unti namang pumasok ang iilang estudyante at halos lahat ng pumasok na ay mga lalaki. Ang may jowa lang ata na babae ang pumasok na kasi andun pa ang lahat sa ibaba. Ano kaya ang pinakain o pinainom sa kanila para ganun na sila kabaliw sa mga palakang yun?





"Anjan na naman sila" bored na sabi ng isang lalaki sa loob at sinuot na ang airpods niya. Nakakainggit huhu. At tama nga siya kasi rinig ko na ang hiyawan sa ibaba. Anjan na ang apat na palaka. Iba't ibang klase ng palaka. May maingay, maliit,malaki,at tahimik pero parehong nakakainis. Eh kasi naman sila lang naman ang nagpapagulo sa buong unibersidad.







Hindi ko na isa isahin pa ang hiyawan nila kasi nakakairita na sa paulut ulit. Pero may mas favorite ako yun ang 'nalaglag panty ko!!' Yan ang lt. Psh, nawalan ba naman ng garter. Palapit ng palapit ang sigawan kaya mas nairita nako. Kung may airpods lang din ako eh. Hinalughog ko nalang ang loob ng bag ko tsaka napailing. Akalain mo yun, nakalimutan ko na ang importanting bagay sakin tapos ang hindi naman mahalaga ay nadala ko psh. Lunchbox.







Gawa to ni yaya at naalala kong hindi ako ang naglagay nito sa bag ko. Baka pinasekrito niya lang. Mamaya siya sa pag-uwi ko hmp. Nagiging madaldal na naman ako, pero sa isip lang naman.





"Hoi tres! Sabi ko may naghahanap sayo" sa gulat ko sa mukha ng katabi ko na malapit na sa mukha ko ay natulak ko ito. Putangina naman oh. Hindi kami talo, baka nagkahalikan pa kami. At ano raw? Napatingin naman ako sa may pinto, may nakasilip doon at ng makita niyang lumingon ako dun ay agad na tumago. Abay gago sino yun.





"Aray ahh. Labasin mo na kasi may naghahanap daw sayo sa labas" abay nakakarami na tong babaeng to ah. Tinulak ba naman ako patayo. Sinamaan ko naman siya ng tingin bago maglakad palabas. Bweset na nga ang araw ko mas pina bweset pa ng kung sino.






Pagkalabas ko ay sumalubong sakin ang nakayukong lalaki. Dahan-dahan naman siyang tumingin sakin na tinaasan ko ng kilay. Napakamot batok naman siya bago tumikhim. Dalian mo lalaki ka at rinig ko ng ang papalapit na mga palaka.







"M-may gustong makipag usap sayo Miss. N-nasa likod ko" utal niyang saad bago pumagilid at tinuro ang nakatayong lalaki sa likod niya. Hindi ko yun nakita agad kasi nakatuon lang ako sa lalaking nagsalita. Nakita ko naman na may marami na ding taon dito sa hallway sa second floor at napatingin samin. Urgh I hate attentions.







"Hi, I'm Oswald Zalve" napatingin ako muli sa lalaking nakalapit na pala sakin. Mataas naman ang tindig niya at maayos ang porma ng buhok. Malinis pang manuot. Malawak ang kanyang ngiti at kita kong isang academic addict ang isang to dahil sa nakasabit na eyeglasses sa polo niya. Well as I said last time, halos lahat ng tao dito kilala ko.







"Tres" sagot ko lang at hindi ko na tinanggap ang kamay niya kaya nahihiya niya naman itong binawi at ngumiti ng pilit. Tinaasan ko din siya ng kilay. Puta nakakainip ng matayo dito deputa.







"Are you free later? Lunch, my treat " nakangiti pa din niyang aya kaya nagliwanag naman ang mukha ko. Mukhang makakatipid ako ngayong araw ahh. Dahan-dahan naman akong tumango pero napatigil din at may pagtataka siyang tinitigan. Mukha namang nakuha niya ang gusto kong iparating .







"Wala lang, sana lang ay pumayag ka don't worry wala itong kapalit" ayh ganun ba. Akala ko ano na. Tatango pa sana ako ng may naramdaman akong nakaakbay sakin at narinig ko pa ang impit na hiyaw ng mga tao sa paligid. Ayh akala ko wala ng ibang tao dito.







"Sorry, sasama siya sakin mamaya. Now leave " seryosong sita ng nakaakbay sa akin na akala mo naman kung sino. Ng dahil ay tinatamad ako ay pinabayaan ko na ito. Pano napunta to dito ng hindi ko naramdaman? O baka naging lutang na ako masyado.






"I'm not talking with you Four---" , "Tomorrow" putol ko na kay Oswald. Nangunot pa ang noo niya pero unti-unti niyang naiintindihan ang sinabi ko kaya ngumiti naman siya ng malaki tsaka tumango bago umalis. Tatalikod na sana ako ng hindi ako makagalaw sa higpit ng pagkakaakbay ng palaka sakin. Ano naman ang sadya nito.








"Get.Off" matigad kong sita dito at inuntog ang ulo ko sa balikat niya at alam kong masakit yun kaya napakawalan niya ako kaya pumasok na ako ulit. Narinig ko pa ang daing niya pero ang ibang nakatingin sa amin ay may pagtatakang mukha. Bahala sila dun at ñaupo na ako. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ang pinapakialaman ako.








🤭

The Powerful Heirs (ONGOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang