Chapter Sixteen

1 1 0
                                    

Tres's Pov...







"Ayoko na"

"Surrender na ako"

"Ang hirap niyong mahalin"



Natampal ko nalang ang noo ko sa nakikita. Ang limang palaka na prinsipe, nakahilata sa sahig habang hinahangos at tagaktak ang pawis.  Habang ang apat na babae naman ay tumatawa sa gilid.

"What happened?" Nagtatakang tanong ko bago isinara ang pinto. Kakagaling ko lang sa kwarto ko at hindi inaasahang makaidlip. Pagkagising ko ay 9pm na, at ito ang naratnan ko dito sa training room. Mga lantang gulay.

"Ito suko agad sa first training nila, akala mo naman sinong matitigas na lalaki eh andali lang palang mabugbog" sagot ni Alex na hindi makapaniwala. Napailing nalang ako.

"Ano yan jack? Asan na ang tapang mo?" Natatawang tanong ni Keithlyn sa lalaki na nakatulalang nakahiga sa sahig. Hindi na to gumagalaw except sa paghinga niya. Hinahangos haha.

"Baby, is it a torture?" Nahihirapang tanong ni Four habang hirap na umupo sa sahig. Pinigilan ko namang matawa, kawawa naman ang baby ko ang cute pa.

"Simple nga lang yang ginawa niyo ngayon eh kesa sa pinatakbo namin kayo sa loob ng limang oras. Wala kayong dapat ireklamo boys" iling iling na sita ni Angelina tsaka kinuha ang limang towel at hinagis sa mga ito.

Yup, kung pwede lang doon sila mag training kung saan kami ni training ni dad ay dinala ko na sila doon. May malawak na plaza na kung saan pinapatakbo kami ng limang oras kada araw.

"Oo na, pagtatyagaan nalang. Jusko" pagsusuko ni Donald tsaka tinanggap ang tubig na binigay ni Chantel. Napangiti naman ako, good to know na willing pa din silang magpatuloy sa training.

"Tres, Sed called me" napalingon naman ako kay Keithlyn na papalapit na sa akin. She's in her serious mood.

"What?" I asked.

"Kailangan daw nating pumunta sa Underground this coming Saturday or else may babawi ng position natin" seryoso pa rin niyang ani. Napakuyon ko naman ang aking kamao.

"At may mga may guts pa talagang banggain tayo? Ang tatapang" mapaklang sabi ni Alex at napapailing pa.

"Mabuti na yun para makita nila tayo ulit and they will realize na hindi-hindi tayo natitinag agad" saad naman ni Chantel. She has a point.

"Underground? Sa gangster yun right?" Tanong bigla ni Zyden na ikinatango ni Alex.

"At sino naman ang matatapang na nilalang ang may balak banggain kayo?" Jonas. Halatang pilit niyang magtagalog kahit nahihirapan. Napatawa namsn ng mahina sila.

"We're going to find out" ani ni Keithlyn.

"Kasama kami---" , "It's a big NO! Baka may gumahasa pa sa inyo dun at magkaka world war 3 pa" putol ni Keithlyn kay Jackie bago lumingon sakin na may ngisi.

"Pero paano kayo?" Tanong ulit ni Zyden. Tumakbo naman palapit si Alex dun sa kanya at lumingkis na naman sa braso nito na may malawak na ngiti. Gago tong babaeng to.

"Ang sweet mo talaga labidabs"

"We're okay. Sanay na kami dyan, at baka may mag-iisip pa ng paraan na gamitin kayo laban samin" seryosong ani ni Chantel. Napatango ako.

"Sabi ko na nga ba at may palaging nakabantay sa atin eh. Yung nag ambush sa atin kanina, I think may connect sila sa gustong kumalaban satin sa sabado. And I'm excited " pagtatama ni Alex at humiyaw pa na tila nasasayahan. Baliw.

"Hindi na ako magtataka pa na may kinalaman siya sa mga nangyayari at mangyayari pa, Tres" napatitig ako sa seryosong si Keithlyn. I sighed. She's right.

The Powerful Heirs (ONGOING)Where stories live. Discover now