40

24 8 0
                                    


-Narration-

Patuloy na nag tatanggal si Chloe ng mga snacks sa estante at inilalagay ito sa dala dala nyang box.

"Oy teka lang, hindi pa expired ang mga yan. " Kinuha naman ng katrabaho nya yung mga snacks at chineck ito. Hindi pa nga ito expired kaya naman muli nitong ibinalik sa estante.

Nag aalalang tumingin ang katrabaho ni Chloe. "Oy girl, okay ka lang ba talaga? "

Wala sa sariling tumango si Chloe at ngumiti. "Syempre naman unnie okay lang. "

"Sigurado ka ah. Kung masama yung pakiramdam mo umuwi ka na. Hindi ka makakapagtrabaho  ng maayos nyan. " Tumango na lang si Chloe sa sinabi ng katrabaho at dumampot na lang ng mop at nag linis.

Halos dalawang buwan na mula ng hindi nagpakita sa kanya si Changbin. Ni chat ay walang nakukuha ang dalaga. Sobrang namimiss na nya ang binata pero alam nya namang wala syang karapatan na kulitin ito. Nang matapos ang shift nya ay dinala nya yung ibang mga ice cream na malapit nang maexpire mula sa convenient store. Bumili rin sya ng fried chicken at  Jajangmyeon dahil sigurado syang hindi na nya kakayanin  na magluto pagkauwi.

Nakailang buntong hininga sya habang nag lalakad at nang patawid ay hindi nya mapansin na nakagreen pa rin yung stoplight para sa mga dumadaang sasakyan. Nanlaki ang mata nya ng may itim na kotse ang papalapit sa kanya. Bumusina ang kotse pero napakabilis ng pangyayari. Nagulat na lang ang lahat ng makitang nakabulagta na sa kalsada ang dalaga. Naririnig ni Chloe ang sigawan ng mga tao at pinilit na tumayo ngunit nanghihina ang kanyang katawan. Kinapa nya rin ang kanyang noo at nakita ang dugo mula rito. Napalunok sya at parang binuhusan ng malamig ng tubig. 

"Miss! Miss! I'll bring you to the hospital." wika ng binatang nakabangga kay Chloe saka mabilis na binuhat ang dalaga.

"Paano na si mama? Yung ulam namin–" Hindi naituloy ni Chloe ang sasabihin dahil sa labis na panghihina at saka dumilim ang lahat.

___

"Nakapreno pa ako pero nabangga ko pa rin sya. Basta ang bilis ng pangyayari. Don't worry, hindi naman ako makukulong ng dahil dito. Sisiguraduhin ko na magiging maayos ang lahat. " Rinig ni Chloe ang sinabi ng lalaki dahil nasa tabi nya lang ito.

"Ang sabi ng nurse na kausap ko kanina, may natamo syang sugat sa ulo at ilang galos sa katawan pero hindi naman ganu'n kalala. I think, she will be fine. " Dagdag pa ng lalaki sa kausap nya sa kabilang linya.

Dahan-dahang dumilat  si Chloe at pinagmasdan ang paligid. Halos mabulag sya dahil sa maliwanag na ilaw na nasa kisame at lahat ng makita nya ay kulay puti.

Ibinaba na ng lalaki ang tawag at tumingin kay Chloe. "Good. You're awake. "

Pinilit na umupo ni Chloe at naka-kunot noong inalala ang mga nangyari. "Teka, bakit nga ako nandito? " Kinapa nya ang ang ulo at napagtantong may benda ito.

"It's because of you're stupidity. Bigla ka na lang kasing tumawid kahit nakagreen pa ang stoplight. Nakapreno ako pero mukhang nabangga pa rin kita. Napakabilis ng mga pangyayari mabuti na lang at hindi ka napuruhan ng matindi. " Paliwanag ng lalaki.

Nairita naman si Chloe dahil sa mga unang linyang sinabi ng lalaki  pero mas inuna nyang alamin kung sino ang kausap. "Okay... Ikaw, sino ka ba?"

"I'm Minho Lee. " Pakilala ng nakabangga kay Chloe.

"Ahhh.. Nga pala, nasaan na yung mga ulam na pinamili ko kanina? Kawawa naman yung mama ko kapag umuwi ako na wala kaming pagkain."

"Ofcourse lahat yun natapon kanina. Pero nagpabili na ako–" Hindi na natapos ni Minho ang sasabihin dahil sa biglang pagsabat ni Chloe.

"Dapat masarap din yang ulam na pinabili mo ah. "

Bumuntong hininga naman si Minho at bumulong. "Napakabarumbado naman makipag usap. "

"Ano yun? May sinasabi ka? " Itinaas pa ni Chloe ang kilay.

"I'm just saying that you didn't say thank you for saving your life, and you have the guts to demand something from me."

"Well, it's natural. Ikaw ang nakabangga sa'kin, tama lang naman na dinala mo ko sa ospital."

"But it is your fault, kung hindi ka tumawid habang nakagreen light edi hindi kita mababangga. " Depensa pa ng binata.

"Blah blah blah. Ang daming dada naman." Inirapan nya pa ang binata saka muling humiga sa kama.

Bumuntong hininga na naman si Minho at naupo na lamang sa itim na sofa dahil mauubos ang pasensya nya kung kakausapin nya pa ang dalaga. Ilang sandaling namayani ang katahimikan bago muling nagsalita si Chloe.

"Pwede na ba ako umalis dito? "

"Hindi pa pwede, kailangan kong masigurado na wala kang brain damage dahil sa pag kakabangga. " walang ganang wika ni Minho habang nakacross arms.

"Naku, kawawa naman si mama ko kung wala syang pagkain. Tatawagan ko na lang sya. " Pinakuha naman ni Chloe kay Minho yung cellphone nya na nasa backpack.

Ayaw pa sanang kunin ng binata dahil nakapademanding ni Chloe pero sinunod nya na lang para hindi na humaba pa ang usapan at hindi rin naman nito kayang tumayo dahil sa kalagayan.

Nag ilaw ang screen ng cellphone ng dalaga ng mahawakan na ito ni Minho kaya nakita nya ang lockscreen. Napakunot ang kanyang noo ngunit napalitan ng ngisi dahil sa naisip.

Inabot ni Minho kay Chloe ang cellphone saka hinayaan ang dalaga na tumawag sa kanyang nanay. Nakaupo lang sya sa sofa at nagkunyaring nag cecellphone. Nang matapos ang tawag ay kaagad na tumayo si Minho at lumapit kay Chloe.

"Kilala mo pala si Changbin. "

"Ahh.. Oo bakit? "

"Anong relasyon nyong dalawa? "

"Tropa ko lang yung mokong na yun. " Natatawang wika ni Chloe pero masakit para sa kanyang sabihin naag tropa lang sila.

"Oh really? Tropa lang kayo tapos sya yung wallpaper mo? " Mapang asar na tanong ni Minho habang nakangisi.

"Bakit ba nangingialam ka? " Naiinis na si Chloe dahil sa binata.

"Kasi kakilala ko rin si Changbin. "

"Oh, eh ano naman ngayon? "Muling tumaas ang kilay ni Chloe dahil sa sinasabi ng binata sa kanya.

"Ayaw mo bang tulungan kita na makasama mo sya o maging kayo? " Natigilan at napaisip naman si Chloe dahil sa tanong na ibinato sa kanya ni Minho.

Bumuntong hininga naman si Chloe bago magsalita. "Paano naman magiging kami kung may girlfriend na sya at napakaganda pa. "

Kumunot ang noo ni Minho dahil sa narinig. "Parang wala naman akong natatandaan na may girlfriend sya. "

"Meron syang girlfriend. Actually, nakausap ko na yun before. Ang masasabi ko lang na napakaganda nya talaga. Ellyn yung name nya and–"

"Wait, did you say Ellyn? "

"Yeah."

Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ni Minho at mas naging dark ito dahil sa narinig. Ang buong akala nya ay unti-unti nang nahuhulog  sa kanya si Ellyn pero mukhang nakikipag kita pala kay Changbin ang dalaga.

"Hindi pwedeng magkita ang dalawang yun. Utos yun ng mama ni Ellain. So now, hear me out. " Lumapit si Minho kay Chloe habang seryoso pa rin ang ekspresyon.

"Makikipagtulungan ka sa'kin na mapag hiwalay ang dalawang iyon dahil gaya nga ng sabi ko hindi naman talaga sila pwedeng magkita. Babayaran kita nga malaki. "

Noong una ay nag aalangan pa si Chloe  pero noong nakita nya ang nakakatakot na aura ni Minho ay kinabahan sya ng husto. Hindi nya naman kilala ang lalaki pero sumangayon rin ang dalaga sa offer ni Minho dahil  nangangailangan na rin sya ng pera.






Memory lane Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon