21

30 19 0
                                    


Ellyn's POV

Mabilis akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa cr para mag palit ng damit. Malamang na nag aabang na sa'kin si Minho at yung iba pang body guards sa labas kaya balak ko mag disguise. For sure na hindi nila ako hahayaan na pumunta sa convenient store dahil syempre masyadong mahigpit ang parents ko. Ultimo pag punta ko sa mall kailangan alam nila. Na-ge-gets ko naman na para yun sa safety ko pero minsan kasi sobra na. Nawawalan na ako ng kalayaan na gawin ang mga gusto ko.

Pakiramdam ko isa akong preso na dapat bantayan magdamag dahil baka tumakas. Kaya eto ako ngayon tatakasan sila. Ngumisi ako saka tumingin sa malaking salamin dito sa cr dahil para akong nasa isang secret mission.

Tinirintas ko na lang ang mahaba kong buhok saka ito itinago sa suot kong hoodie. Kapansin pansin din kasi ang blonde kong hair at ang haba nito na hanggang bewang. Pinangako ko kasi sa sarili ko na hindi ko ito papaputulan hangga't di pa ako nakakamove on kay Changbin. Pero paano ko nga ba 'yun magagawa kung lagi naman syang nasa isip ko. Tapos sya rin ang dahilan ng pagtakas ko.


Ang una ko muna kasing gagawin ay malaman ang totoong relasyon ng babaeng nakita ko at ni Changbin. Ilang araw na akong nag o-overthink kung talaga bang girlfriend nya yun. Hindi ako mapakali kaya yun na muna ang uunahin kong alamin.

Pag labas ng cr ay sumabay ako sa agos ng mga studyante na papalabas ng campus. Siguradong di ako mapapansin dahil sa dami ng nandito. Successful naman akong nakalabas ng gate kaya mabilis akong nag lakad papalayo at nag punta sa convenient store.

Mabuti na lang at naabutan ko yung babae.  Pag pasok ko sa loob ng convenient store ay saktong papaalis naman yung babae.


Hinawakan ko ang braso nya. "Teka, sandali... "

Nakita ko naman ang gulat nyang reaksyon saka ko lang napagtanto yung suot ko. Nakablack pants, black hoodie, black na cap pati facemask at shades ko ay black. Baka isipin nya na creepy stalker ako.


Mabilis kong binitawan ang braso nya at tinanggal yung facemask at shades na suot ko. "Pwede ba tayong mag usap sandali? "


Mabuti naman at pumayag sya. Balak pa sana nyang umupo dun sa labas ng convenient store   pero nakiusap ako na kung pwede dun sana sa tago. Ipinaliwanag ko kasi na tumakas lang ako mula sa mga nagbabantay sa'kin.


"Grabe na talaga kayong mayayaman, talagang may pabody guard pa. " Komento ng babae na nag pakilalang si Chloe. Nandito na kami ngayon sa may locker room at nakaupo lang sa sahig.



"Di na ako mag papaligoy-ligoy pa. Gusto ko lang malaman kung ano ba yung relasyon nyo ni Changbin.. " Nag tataka nya akong tinginan saka tumingala na tila nag isip.


"Kami ni Changbin? Hmmm..... Sabihin na nating close friends lang kami. Sa totoo lang naweirduhan ako sa kanya noong una. Hindi ko naman sya kilala at sa tingin ko naman never kaming nagkita before pero sabi nya sa'kin na parang pamilyar daw ako. " Panimula nya saka bahagyang tumawa bago mag patuloy.

"Akala ko nga babanatan nya ako ng mga pick-up line after nyang sabihin na pamilyar ako pero nakita ko naman na seryoso sya sa sinabi nya. Tapos after ng encounter namin na yun, madalas na syang nag pupunta dito sa convenient store. Tapos madalas nya rin maiwan yung payong nya. " Ako naman ang tumawa dahil sa huling sinabi nitong si Chloe.

"Si Changbin nga yun. Laging naiiwan yung payong nya. " Tumango tango ako habang tumatawa ng mahina.

"Oh teka, ikaw naman, anong relasyon nyo ni Changbin? Girlfriend ka ba nya? " Nawala yung ngiti ko dahil sa tanong nya.

Hala! Sasabihin ko ba? Pero wala ng kami. Bahala na nga.

Umiling na lang ako. "Ahh.. Hindi eh. Kaibigan ko lang yung gagong yun.. "

Yumuko na lang ako at mariing napapikit dahil sa sinabi ko. Shet! Natatawag ko na rin tuloy si Changbin na gago dahil yun yung tawag ni Minho sa kanya.

"Grabe sa gago ah! Mukhang sobrang close din kayo, " tumawa pa ng malakas si Chloe at hinampas ng bahagya yung braso ko.

Grabe naman to makahampas at ang lakas nya talagang tumawa. Pero kahit na ganu'n sya ay lumilitaw ang kanyang ganda. Gaya ko ay blonde din ang buhok nya pero hanggang siko lang ito at hazel brown din ang kanyang mga mata. Pang model din yung hubog ng katawan nya at gaya ko at malalaman na foreigner sya sa isang tingin pa lang. Matangos ang ilong nya at mas matangkad sya ng kaunti sa'kin.


Matapos namin mag usap ay bumalik kaagad ako sa campus. Akma na sana akong pupunta sa cr pero nakita ko si Minho na nag tatanong sa mga kablockmates ko. Hala! Malalaman nyang kanina pa natapos yung class ko. Malapit sila doon sa may cr kaya hindi ako pwedeng dumiretso du'n.


Umatras kaagad ako at pupunta na lang sa ibang cr pero may bigla akong nabangga. Parang pader naman to. Napaupo ako sa sahig at natanggal yung shades na suot ko.

"Ellyn? " Tanong ng pamilyar na boses.

Napakurap ako ng ilang beses dahil si Changbin pala yung nabangga ko. Lumingon ako kung nasan si Minho at nag simula na syang maglakad muli. Shet! Kailangan ko na mag palit ng damit. Tumayo na ako agad at hindi na pinansin kung may naiwan ba ako.

Mabilis na lang akong tumakbo at umakyat sa hagdan para maghanap ng ibang cr.





____________________


A/N:
Uy may new character... Ano kaya ang magiging ganap nila?

Abangan...











Memory lane Where stories live. Discover now