13

47 28 0
                                    

Ellyn's POV

Alam ko naman na matagal na yun pero hindi pa rin sya maalis sa isipan ko. Noong nawala sya sa tabi ko parang mawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin at gusto ko na lang mag tago sa mundo. Ni hindi nga sya nag paramdam sa'kin kaya sobrang nagalit ako sa kanya. Nag aalala rin ako na baka kung napano sya pero di manlang nya ako pinadalhan ng message o sulat na 'Hi Ellyn, buhay pa ako'. Pero lahat ng galit ko parang na-flush lang sa toilet noong makita ko sya. Namiss ko sya ng sobra.


Si Changbin, ang unang lalaking minahal ko ng husto. Hindi halata sa kanya pero napakagentle man nya, talagang masiyahin, and ang hilig nya magpacute. Iba kasi impression sa kanya ng mga tao dahil sa build ng katawan nya at sa way nya ng pananamit na parang emo boy. Noong nakita ko yung wardrobe nya lahat ng damit nya puro black, maliban lang sa white polo shirt na binigay ko sa kanya. Kahit na mukha syang masungit at papatay ng tao dahil sa tingin nya ay talagang mabait sya. Ang hilig lang talagang mang judge ng iba.




Yung mga katangian nya siguro ang dahilan kung bakit hindi ko sya magawang kalimutan kahit pa ilang taon na ang lumipas. Noong nagkita nga kami sa You Can Stay Cafe ay parang gusto ko na syang yakapin at kurutin ang pisngi nya. Ang cute  nya kasing ngumiti lalo na at kitang kita yung dimples nya. Pero syempre hindi ko naman pwedeng gawin yun basta basta dahil nga ex ko na sya kahit na wala naman kaming usapan na hiwalay na kami. May kung ano sa loob ko na gustong makasama sya ulit. Tsk! Siguro nga legit yung sinasabi nilang 1st love never dies.


"Sana naalala nya pa rin, " bulong ko sa hangin. 

Bumuntong hininga na lamang ako dahil sa mga naiisip. Gusto ko pang makausap si Changbin. Hindi ko na kasi malapitan mga tropa nya, kung tropa pa rin ba sila until now.


Nagitla naman ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Oh teka, okay ka lang ba? " Nag aalalang tanong ni Minho.

"Akala ko naman kasi kung sino, wag ka ngang nangungulat!" Bulyaw ko saka sya hinampas ng mahina ang kanyang braso pero tumawa lang sya  dahil sa ginawa ko.

"Tara na," nakangiti nyang wika saka ako inalalayan sa pag pasok sa kotse.

Sa may backseat ako habang si Minho naman ang nag mamaneho. Ngayong taon nya lang nakuha yung driver's license nya. Ayaw nya pa raw kasi itry  noon dahil baka raw makabangga sya kaya nag paturo na muna sya sa Auntie at Uncle nya. Akala ko rin talaga puro pusa nya lang yung iniintindi nya.



Di pa kami nakakalayo ng Thunderous University ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nag takbuhan ang mga students at nag hanap ng masisilungan. Habang patuloy na umaandar ang kotse ay napadaan kami sa isang convenience store. Parang nag slow motion ang lahat at nakitang kong lumabas mula roon si Changbin na tumingala pa sa kalangitan, sinundan naman sya ng isang babae at pinayungan sya nito. Kumapit pa ang babae sa braso ni Changbin at sabay silang naglakad habang magkasukob sa payong.

Wala naman akong karapatan pero nadurog ang puso ko dahil sa nasaksikan. Siguro nga talaga tama si Arian. Mukhang nakamove on na nga si Changbin.



__________________

A/N:
Sensya na sa late update huhuhu. Midterms kasi namin kaya ayun na busy akoo hehehehe.




Memory lane Kde žijí příběhy. Začni objevovat