25

38 19 0
                                    

Ellyn's POV

Mabuti na lang at pinag bigyan ako ni Minho na mapag isa muna sa ngayon at hindi nya rin nalaman yung tungkol sa pag takas ko. Sinabi ko lang na sumakit yung tyan ko kaya na stuck ako sa cr. Todo alaga naman sya sa'kin after ko yun sabihin na para bang isa akong bata na dapat alagaan palagi.  Naappreciate ko naman yung efforts nya kaso madalas akong mailang sa kanya. Di ko lang alam kung bakit.


Nandito ako ngayon sa bookstore na pag mamay-ari ng uncle ko. Medyo tago itong bookstore pero marami pa rin ang bumibili dito. Itong bookstore ang favorite na tambayan namin ni Changbin noong magkasama pa kami. Hinahayaan nga kami ni uncle na magbantay dito lalo na kapag busy sya. Kapag bored ako, dito rin ako nakatambay. Tumutulong ako sa pag lilinis dito. Natagalan lang bago ako makabalik dito kasi nag hihigpit sa'kin sila mommy. Parang isang beses kada buwan na lang ako nakakabisita.


Habang nag lilinis ng shelf ay may napansin akong pamilyar na pigurang pumasok dito sa bookstore. Napatago ako ng wala sa oras dahil nandito sya. Dahan dahan akong tumayo pero nakatago pa rin ako sa isa sa mga shelf.

Pinagmasdan ko si Changbin habang naniningin sya ng mga manga na kakarelease lang. Para naman akong may crush sa kanya na sumusulyap.

Naalala ko na naman tuloy yung unang pag kikita naming dalawa.

Nasa isang magarbong ball kami na dinadaluhan ng mayayamang pamilya. Kahit na maganda ang ilaw mula sa chandelier, musika pati mga pagkain ay hindi ko ito nagustuhan. Nandoon lang naman kasi sila para pag usapan ang kanilang mga business at kung mamalasin ay pag iisahin pa ang kanilang kompanya sa pamamagitan ng pag papakasal sa kanilang mga anak.


Naiinis ako sa mga arrange marriage. Yan ang nasa isip ko noong bata pa ako dahil nga binabalewala nito ang damdamin ng mga ikakasal. Mala telenovela man o kaya kdrama pero iyon ang totoo.

Pero gusto kong mag pakasal sa kanya. Bigla ko na lang ginusto na ma-arrange kami ni Changbin.

Nakita nya ako sa garden at nag bubungkal ng lupa. Gusto ko kasing makita yung mga bulate na gumagapang sa lupa kung kagaya ba sa mga bulate na nasa mansion namin. Limang taong gulang pa lang ako noon at wala akong pakialam kung madumihan ang kamay ko dahil sa pag bunggal ng lupa. Ito ang gusto ko at pinangarap ko na mag karoon ng isang napakalaking garden ng makukulay at magagandang mga bulaklak. Napapatalon ako sa tuwa kapag nakikita ko na tumutubo kung ano man ang itinanim ko sa garden namin sa mansion.

Yung ibang mga batang lalaki na nakakita sa'kin ay nilayuan ako dahil nga ang dumi ko pero sya lang ang tanging lumapit sa'kin. Nakangiti si Changbin saka nilagay sa balikat ko ang suot nyang black coat.

"Bakit ang dumi ng damit mo? " Tanong nya habang nakaturo sa light blue ko na dress.

"Nag bungkal kasi ako ng lupa kanina. " Napayuko na lang ako at inaantay na kuntyain ako.

"Bakit ka naman nag bungkal? "

"Kasi masaya. " tipid kong sagot.

"Ahh talaga? Masayang magbungkal? Sige susubukan ko rin yan. "Ngumiti sya nga malapad sa'kin habang nakatingin sa mga mata ko.

Nag ningning ang mga mata namin habang nakatingin sa isa't-isa. Nag kwentuhan kami ng gabing iyon tungkol sa mga bagay bagay. Basta usapang bata hanggang sa umuwi akong nakangiti. Hindi lang dahil nag karoon ako ng bagong kaibigan kundi dahil na rin may nakakwentuhan ako. 1st time ko kasing makipagkwentuhan sa iba lalo na sa lalaki kaya sobrang saya ko.

Sinabihan ko si Mama na gusto kong maikasal kay Changbin pero nagulat ako dahil nagalit sya. Sinabi nya sa'kin na magkaaway ang mga pamilya namin. Hindi na ako nangulit o di ko na binanggit ulit ang pangalan ni Changbin dahil pati si Dad ay pinagalitan ako. Hindi na raw ako dapat lumapit sa kahit sinong miyembro ng pamilya nila.


Kakalimutan ko na lang sana pero muli kaming nagkita sa school. Nagulat ako dahil pareho naman pala yung school namin. Hindi namin pinapakita sa iba na magkasama kami. Madalas kaming nasa library at nag tatago sa isang sulok.  Minsan naman nasa may garden kami at nag bubungkal ng lupa. Masaya kaming dalawa habang magkasama at pakiramdam ko na sya lang ang kakampi ko.

Lumipas ang mga taon at patago pa rin kaming nag kikita. Wala akong sinasabihan ng sikreto ko lalo na yung mga nakakasama ko sa classroom.

Junior Highschool. Ito yung mga panahon na madalas mag asaran tungkol sa mga crush at nag kakaaminan ng feelings. Noong mga panahon na iyon ay naging kami na ni Changbin dahil lumalim na ang pagtingin namin sa isa't-isa. Gusto ko nga na ikasal na kami kaagad dahil baka kumontra pa ang parents namin pero hindi yun pwede lalo na at minor pa kami.


Kahit pa maingat kami sa bawat kilos ay nabuking pa rin kami. Parehong nagalit ang parents namin nang malaman nila na nagkikita kami kaya naman pinapabantayan na kami. Mas lalong naging mahigpit ang parents namin at mas lalo na akong di makaalis ng bahay.



Bumalik ako sa wisyo ng tumunog yung chime na nasa pinto. Lumapit kaagad ako sa counter at nakita ang itim na payong. Kumuha ako ng ibang payong na nasa may pinto saka mabilis na lumabas para habulin ang may ari nitong payong.  Tsk! Naiwan na naman nya.

"Teka, sandali! " sigaw ko saka inabot yung payong nya.

Napatulala ako dahil parang nag niningning sya. Kahit pa malakas ang ulan ay mas malakas ang pag dagundong ng puso ko ngayong nandito ako sa harapan nya.

Kinuha nya kaagad yung payong na inaabot ko saka sya biglang tumakbo. Ni hindi nya binuksan yung payong na inabot ko.


Ano kayang nangyari sa kanya?













Memory lane حيث تعيش القصص. اكتشف الآن