39

16 10 0
                                    

-Narration-

"May nalaman ako kaya bilisan mo umakyat ka na rito! " Nasasabik na sigaw ni Ellyn saka nakangiting binuklat yung red notebook.

Ang red notebook na hawak ni Ellyn ay nag lalaman ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pamilya. Gusto kasi nilang malaman kung bakit ba nag karoon ng hidwaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya.

"Oh anong nalaman mo? " Tanong ni Changbin saka naupo sa tabi ni Ellyn.

"Ang pag kakarinig ko may nagkasagutan nga sa pamilya mo at sa pamilya ko. Bumisita ako sa grandparents ko and nakakwentuhan ko yung pinaka matandang maid doon. May pinagawayan daw na damit ang grandparents mo at yung akin. " Tinuro turo pa ni Ellyn ang red notebook dahil sinulat nya na ang mga detalye habang nag aantay kay Changbin.

Napakunot naman ang noo ni Changbin. "Ha? Damit?"

Tumago naman si Ellyn at umayos ng upo sa sofa saka tumingala sa kisama. "Yan din ang ipinagtataka ko.  Kasi bakit damit? "

Biglang dumating ang Uncle ni Ellyn at bumati sa kanilang dalawa. "Aba! Good Afternoon sa pinaka paborito kong couple. " Nakangiting bati ni Mike.

Nahiya naman bigla si Changbin at tipid na nginitian ang Uncle ni Ellyn.

"Ay Uncle, since nandito ka na. Mag kwento ka naman tungkol sa pamilya natin. Please..." Pakiusap ni Ellyn at nag pout pa.

"Ano bang gusto nyong malaman?" Dahan-dahang naupo si Uncle Mike sa tapat ng magkasintahan.

"Kahit ano. Kayo na po ang bahalamg mag bigay ng information. " Nakangiting wika ni Ellyn saka hinanda ang ballpen at notebook.

"Ahhh sige. Minsan hindi masarap mag luto yung mga cook sa mansion at masyadong ma–" Di na natapos pa ang sasabihin ni Uncle Mike dahil biglang nag salita si Ellyn.

"Uncle naman! Yung maayos kasi. "

Tumawa naman ng malakas si Uncle Mike. "Sabi nyo kasi kahit ano eh. Pero eto seryoso na talaga." Umayos ng upo si Uncle Mike pati na rin ang kanyang salamin ay inayos nya.

"Masyadong maluho ang pamilya natin at wala silang naisip kundi ang business. Hindi sila nakokontento sa mga bagay bagay kaya nga Umalis na ako sa mansion dahil nga mas gusto ko ng simpleng pamumuhay. Sa totoo lang, ayaw nila akong paalisin dahil isa ako sa mga maaring mag mana ng kompanya pero tumanggi na ako.

"Si Lolo ko, iniisip nyang nakakataas sya sa lahat at kaya nyang pasunurin ang mga tao sa paligid nya. Ayaw nya rin ng may kokontra sa mga opinion nya o yung mga gusto nyang gawin. Kaya noong nabubuhay pa sya ay pinipilit nya pa rin ako na ako. " Bumuntong hinga sya.

"Si lolo mo? Ibig sabihin yung lolo ko sa tuhod? " Paniguradong tanong ni Ellyn.

"Oo ganun na nga, si papa naman kasi, which is lolo mo, mas iniisip nya ang magiging desisyon ng kanyang mga anak. Alam naman na nya kasi ang pakiramdam ng ginagawang tau-tauhan lang kaya hinayaan ma nya akong umalis. " Bumuntong hininga si Uncle Mike saka tipid na ngumiti.

Isinulat nila iyon lahat sa red notebook at nakiusap sila na kung pwede ay wag ipag sasabi kahit kanino ang kanilang pag tatanong at yung tungkol sa mga nakasulat sa red notebook.

Itinatago nila ang red notebook sa drawer ng kanyang Uncle.

"Narinig ko na hindi natatandaan ni Changbin yung mga nangyari noon. Tama ba?"

" Tama po yun. Ang tanging natatandaan ko na lang ay ang parents ko at si ate. Yung iba malabo na sa alaala ko." Malungkot na wika ni Changbin.

Tumayo si Uncle Mike saka lumapit sa tabi ni Changbin. "Sana magbalik na ang alaala mo." Marahan nyang tinapik ang braso ng binata.

Bumuntong hininga ang binata sakit tipid na ngumiti. "Sana nga po. "

"Basta kung ano man ang mangyari. Gusto kong malaman nyo na lagi akong nakasuporta sa inyo." Ngumiti ng malapad si Uncle Mike saka  nag thumbs up. "Sige na may gagawin pa ako, kaya maiwan ko na kayo dyan. " 



_________

Memory lane Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon