BMDN Chapter 25

Magsimula sa umpisa
                                    

"Big time ka na talaga" ginulo lang nya ang buhok mg kapatid ko saka ako inakay papasok ng passenger seat.





Marami ng tao pag kadating namin sa simbahan, at paumpisa na ang misa. Nakinig kaming lahat sa misa, pati ang mga kapatid ko ay seryoso sa pakikinig. Nang matapos nag misa ay lumabas na kami ng simbahan.



"Lunch?" Tanong ni Carlo, tatangihan ko na sana ng biglag mag salita si Cc


"Ay bet ko yan tara sa Mall" aniya saka nanguna sa pag sakay sa kotse.



Katulad ng gusto ni Cc kumain kami sa isang restaurant sa loob ng Mall. Ayaw akong pag bayarin ng bill ni Carlo kaya pinabayaan ko sya,  akala ko magiging awkward ang pag kikita namin ni Carlo pero mukang mali ako. Naging magaan ang loob ko sakanya katulad ng dati, nag kwento sya tungkol sa mga pinag daanan nya sa Canada. Hindi rin  pala maging madali sakanya, nahirapan sya noong una hanggang sa masanay sya sa klima at kultura ng bansa. Pag katapos kumain at nag aya ang dalawa kong kapatid na mag sine, sa pag kakataon na ito ako ang nag bayad ng ticket sa sinehan hindi na sya naka angal dahil bayad ko na. Pinili nila  ang action movie, kaya iyon ang pinanuod namin gusto kong spoil-in ang mga kapatid ko ngayon. Kaya lahat ng gusto nila ngayon ay gagawin namin.



Wala akong hilig sa movie lalo na sa mga action, mas gusto ko pa ang mga documentary na napapanuod sa tv. Laking pasasalamat ko na hindi ako nakatulog sa sinehan, pero yung apat na kasama ko nag eenjoy sa panunuod.


"Nilalamig ka?" Napatingin ako kay Carlo, nakatingin sya sakin na parang hinihintay ang sagot ko. Umiling ako saka sumimsim ng coke na hawak ko.





Matapos ng nuod ay nag gala pa kami sa Mall, bumili rin kami ng cell phone, meron kasi kaming nakita na simple at buy one take one na phone na de keypad. Hindi ko naman kailangan ng magandang cell phone dahil ang mahalaga ay may balita ako sa mga kapatid ko pag nasa trabaho ako.

Nang mapagod ay napag pasyahan naming umiwi na, five thirty na rin kasi ng hapon, sakay pa rin kami ng kotse ni Carlo. Hindi kami maawat awat sa pag kukwentuhan habang pauwi, kung anu-anong ang napag usapan namin.



"Sa amin kana kumain ng hapunan" aya ko ng makababa ng sasakyan nya. Si Cc naman ay binuksan ang pinto ng bahay.


"Sige ba, hindi ko tatanggihan iyan. Lalo na kung ikaw ang mag luluto" aniya saka ako inakay papasok sa bahay namin.



Agad akong pumunta sa kwarto ko para makapag palit ng pambahay, pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretsyo sa kusina para mag handa ng hapunan. Mga eight na siguro ako babalik kila Kisza, napahinga ako ng malalim ang bilis dumaan ng oras, parang hinipan lang. Anim na araw nanaman ang hihintayin ko bago ko ulit makasama ang mga kapatid ko, kung sanang pwede kong iuwi dito ang anak ko.



"Ang lalim non ah"


Napatingin ako kay Carlo ng mag salita sya, hindi ko man lang namalayan na nandito na pala sya.
Nginitian ko sya saka itinuloy ang pag luluto ng chapsuey, naalala ko simula ng ipag luto ko nito si Kisza eto na ang naging paborito nya.


"Pasalubong mo"

Muli akong napatingin kay Carlo ng ilapag nya sa lamesa ang isang may kalakihang paper bag, at isang box na tingin ko ay mga chocolate ang laman.


"Salamat, nag abala kapa" ang totoo hindi ako sanay na nakakatanggap ng kahit na anong regalo. Kahit noong naging boyfriend ko sya hindi ako tumatanggap ng kahit na ano galing sakanya.

Umupo sya sa isang upuan katabi ko, naramdaman ko ang pag titig nya sakin habang nag hihiwa ako ng gulay.


"Ano?" Natatawang sabi ko, ngumiti lang sya pero hindi tinanggal ang tingin sakin.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon