AUTHOR'S CORNER

616 13 2
                                    


THE AUTHOR'S FINALE WORDS:

Eherm. magandang araw po sa lahat. muli, nagpapasalamat ako sa mga nagtiyagang basahin ang kwento ng buhay at pag-ibig nina Zai at Dulcinea. salamat at nakibahagi sa gulo at saya ng kwento nilang dalawa.

si Zai na marahil ang pinaka-kumplikadong karakter na nalikha ko. andami nyang issues sa buhay at pamilya, ang pagiging mapagtanim nya ng galit, ang talim ng dila nya at mapanakit na pananalita. mapanghusga sya at makasarili kung minsan.

ngunit sa kabila ng mga flaws nyang yan, mabuti syang tao at laging nakahandang tumulong. mapagmahal na kapatid at pinagtatanggol ang mga inaapi. it took me a lot of time and thinking to give Cerveza Nicholai a life in this story.

si Dulcinea naman ang may pinaka-masalimuot na nakaraan sa mga leading ladies ko. her low self-esteem and insecurities made her just like us, an imperfect human being.

the number of reads doesn't matter to me at all. ang mahalaga sa akin, yung may aral sana ang mga naisulat ko na maiiwan sa isip ninyo.

na mapagtanto ninyo ang virtue ng pagpapatawad at ang pag-iwas sa panghuhusga sa iba lalo na at wala tayong alam sa pinagdadaanan at pinagdaanan nila.

at sa 'yo na nagbabasa---if ever my stories inspired you to write, then go ahead. unleash your creativity and put them into words.

pero may pakiusap at babala lang po ako sa inyo. do not imitate my characters and the way i write. i knew my characters too well kaya alam ko kung kailan sila ginagaya. hindi ako sikat para kopyahan mo pa. write your own and be proud of your works.

so, this is goodbye for the turon and milk tea couple.

Zai, Dulcinea and Olivia Del Fuego, SIGNING OFF.
********************************

DISCLAIMER FOR PUBLIC USE:

ANG MGA TAUHAN SA KWENTONG ITO AY FICTIONAL LAMANG AT WALANG KAUGNAYAN SA TOTOONG BUHAY. ANG PAGKAKAHALINTULAD SA PANGALAN, LUGAR, TRABAHO, ETNICIDAD, RELIHIYON, PANINIWALA, PROPESYON AT PANANAW SA BUHAY AY HINDI SINASADYA NG MAY-AKDA.

ANG PAGNANAKAW SA GAWA NG IBA AY MAY KARAMPATANG PARUSA SA ILALIM NG BATAS.

ALL RIGHTS RESERVED ©️ to @sammy211992

AURORA DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now