CHAPTER THIRTEEN: THE NEXT TOP MODEL

696 25 2
                                    


"I'm so proud of you,anak. goodluck,ah? andito lang kami ng Mommy mo for you." wika ng Dada nya habang yakap sya ng mahigpit. matamis ang ngiting kumalas sya dito, saka yumakap naman sa kanyang ina.

"thanks, Mom. sa inyo po ni Dada." tugon niya. napakapalad nya talaga na magkaroon ng mga sobrang supportive na mga magulang.

"aba teka---mukhang may moment dito, ah. baka naman pwedeng maki-join?" napalingon sya ng may magsalita. mas lumawak ang ngiti nya ng makita ang kanyang Kuya Ryu, kasama sina Ate Alen at Ate Yuuey nya.

"naku, oo naman. halikayo mga anak, support natin si bunso." anang kanilang ina. lumapit ang mga ito at nakisali na rin sa yakapan.

lahat ng alinlangan nya, nawala na parang bula ng mayakap ang kanyang pamilya. wala talagang mas sasaya pa kapag suportado ka nila.

"bunsoy, sabihan mo 'ko kapag may single dun, ah. pakilala mo sa 'kin." hirit pa ng pilyo nyang kapatid, sabay kindat. she just rolled her eyes and chuckled.

"hay naku, Kuya. ayan ka na naman. ang playboy mo talaga!"

humagalpak lang ito ng tawa saka ginulo ang naka-ayos na nyang buhok.

"argh! Kuya, not my hair! kainis 'to!" ang nakalabing maktol nya, sabay ayos sa nagulong buhok.

"ingat ka dun, Nika. call us if you're not busy, okay?" paalala pa ng Ate Alen nya.

"you'll be fine there, kapatid. i know you're going to slay it." sabi naman ng Ate Yuuey nya. hinalikan sya nito sa noo.

"thank you, guys. promise, i'll do my best to win. for you." aniya.

"uhm, excuse me po. Sir Ryu, may bisita po kayo." anang isang kasambahay.

"talaga? sino?"

"Zai daw po ang pangalan nya, Sir." sagot ng kasambahay.

"ah, oo nga pala. sige, Chichay. papuntahin mo sya dito."

"okay po, Sir." tumalima ang katulong at umalis. maya-maya, may kasama na itong napakatangkad na tao. mas matangkad pa sa mga kapatid nya.

and a very weird thing happened at that moment.

tila ba tumigil ang pag-inog ng mundo, ang oras at nag-fade ang lahat sa background at ito lang ang ang nakikita nya. para pa ngang slomo ang paglalakad nito palapit sa kanila...
**************

napahawak sya sa kaliwang dibdib ng wala sa oras.

damn! just what the hell was that?!

"Zai! kamuntik ko ng makalimutan ang usapan natin. sorry." ang natatawang turan ng kapatid nya. "nga pala, mga kapatid ko. Alen, Yuuey and our youngest sibling, Nika." pakilala pa ng kuya nya sa kanila dito.

tipid lang na ngumiti ang bisita at tumango.

"Zai Marzan. nice meeting you." anito na inilahad ang kamay. tinanggap ito ng mga kapatid nya.

mas lalong kumalabog ang dibdib nya ng magkalapit sila nito. naasar sya dahil kahit na kailan, hindi pa sya nakaramdam ng ganito sa isang tao.

"uhm...h-hi. i'm Nikita Kazumi. Nika na lang." aniya dito. and what's more strange is the moment na nagdaop ang kanilang mga palad, she felt tiny voltages of currents in her veins. naku-kuryente sya na 'di nya maunawaan.

"my hand, Miss." anito na nagpabalik ng wisyo nya. she blushed nang bitawan ang kamay nito.

"sorry." ang nahihiya nyang sagot dito.

AURORA DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now