Part 19

1.4K 25 0
                                    

Nagpalinga-linga si Simon, nataranta ito kung saan siya pauupuin. Pero ang ginawa ni Ava ay nagtago  sa ilalim ng executive table nito. Takip takip niya ng palad ang bibig dahil  natatawa siya sa reaksiyon ng asawa.

"Pasensiya kana nakigamit pa ko ng bathroom mo, but nice bathroom ha!" patungo na sa pinto ang may katabaang Intsik.

"It's okay Mr. Yu." patay malisyang tugon naman ni Simon. Nagkunwari itong nagtipa sa laptop na nasa ibabaw ng table nito.

"By the way.." siyang pag-ikot ulit ng matanda. "Ipaparenovate ko yong office ko sa Makati  ang gusto ko ganyan din ang bathroom sa private office ko." lumapit ulit ito sa table ni Simon at naupo sa visitor's chair.

"Ha!?" nagulat si Simon sa muling paglapit ng kliyente.

"May irerecommend ka bang architect?"

"H-Ha?" hindi ma-process ng isip ni Simon ang mga sinasabi ni Mr. Yu. Dahil naaagaw ang atensiyon nito sa ginagawa ng pilyang asawa.

Paano'y malikot ang mga kamay ni Ava, binubuyo niya ang nagmumukol nitong harapan na nakatapat  sa mukha niya.

"Simon, are you alright?" kunot noong tanong ni Mr. Yu, napansin nito ang  nakabukas na tatlong butones ng  long sleeve polo ni Simon, maging ang tagaktak na pawis nito sa noo. "Malakas naman ang air condition ng private office mo, bakit tila pinagpapawisan ka yata?" takang tanong pa ng matanda.

Lihim siyang pinandilatan ng mga mata ng asawa ng mabaling sa ibang bagay ang paningin ni Mr. Yu, dahil kinalas niya ang suot nitong sinturon.

Subalit hagikhik lang ang itinugon ni Ava rito, nagpatuloy siya  sa pagtanggal ng  butones ng suot nitong formal pants maging ang zipper nito ay binuksan niya rin. Pagkatapos ay Pinagbuti niya ang paghimas-himas sa nagwawala nitong alaga sa ilalim ng panloob nito.
   
"Ah m-medyo sumama lang ang pakiramdam ko Mr. Yu, p-pero sige irerecommend ko sayo ang pinakamagaling na architect na kakilala ko." napapalunok na tugon ni Simon.

Nagtataka man sa inaakto ng kausap ay napatango na lang ang matandang intsik at nagpaalam na.

Nang makalabas na sa opisina si Mr. Yu, ay hinila siya ni Simon sa ilalim ng lamesa. Pinaupo sa kandungan nito.

"Pilya ka ha!" anitong marahang hinampas ang pang-upo niya. Pagkatapos ay pinindot ni Simon ang button ng intercom. "Michelle pakicancel ang mga meeting ko ngayong araw, and bawal akong istorbohin okay!?"
   
"Ye-yes Sir!"

Matapos magbilin ni Simon sa nagtatakang sekretarya ay ikinulong siya sa mga bisig nito. "Lagot ka sakin ngayon Misis!"

Hagikhik ang itinugon ni Ava.

*****

Abot tenga ang ngiti ni Ava ng lisanin ang MCC. Tiyak na matutuwa ang asawa niya sa ibabalita niya ngayon. Isinakatuparan na niya ang matagal na nitong hinihiling na magresign sa trabaho, upang tulungan na lang itong mamahala sa negosyo nito. Nagpara siya ng taxi at nagpahatid sa AS.

Wala ang sekretarya ni Simon sa lamesa nito ng makarating siya, kaya nagtuloy siya sa private office nito. Nagtaka siya kung bakit bahagyang nakaawang ang pinto..

Ganun na lamang ang pagsilakbo ng damdamin ni Ava ng maabutan ang tagpong hindi inaasahan..

Ang asawa niyang si Simon sa loob ng opisina nito nakaupo sa mahabang couch kayakap ang isang babae!Pamilyar ang babae kahit nakatalikod ito sa direksiyon niya.

Si Andrea!!

Pakiramdaman niya'y dinikdik ng pino ang puso niya sa naabutang tagpo. Bigla'y rumehistro sa isip niya ang usap-usapan sa MCC na buntis si Andrea at ang nakabuntis rito ay may asawang tao. Ibig bang sabihin si Simon ang nakabuntis sa babaeng to? at ang babaero niyang asawa na akala niya'y nagbago na ay patuloy pa rin pala siyang niloloko!? Ano pa ba ang pagkukulang niya at bakit hindi magawang maging tapat sa kanya ng asawa?

Linakihan niya ang pagkakabukas ng pinto, dahilan upang maagaw niya ang atensiyon ng dalawa, gulat ang mga ito sa biglang pagdating niya.

"Anong ibig sabihin nito Simon?"

"Sweetie, bakit nandito ka?" kaswal na tanong ng asawa. Kumalas ito sa pagkakayakap kay Andrea, tumayo at lumapit sa kanya. Umakto itong hahalikan siya sa pisngi

Ngunit bago pa man nito mailapit ang mukha ay kumawala na ang nanginginig niyang palad, pinadapo niya ito ng malakas sa pisngi ng palikerong asawa. "Ang kapal ng mukha mo! manloloko ka!" naiiyak na sigaw niya rito.

Sa labis na sama ng loob ay ayaw na niyang makita ang pagmumukha ni Simon kaya akma na niya itong tatalikuran subalit hinabol siya nito humarang sa daraanan niya.

"Ava mali ang iniisip mo!" sa tono ng lalake ay parang ito pa ang galit.

Ang kapal naman talaga ng mukha! pagsusumigaw ng isip ni Ava. Napatingin siya sa hawak nitong papel, marahas niyang kinuha iyon sa kamay nito.

Ultrasound results ni Andrea, positibo ngang buntis ito!

"Mali? maling desisyon na ipinakasal ako sayo Simon!"

Pakiramdaman ni Ava ay sasabog ang dibdib niya emosyong nararamdan. Hindi na ito  nakuntentong mambabae, talagang binuntis pa ang kabit nito!

Nilamukos niya ang papel at binato sa mukha ni Simon. Napapailing-iling siya habang nagpupunas ng basang pisngi dala ng di mapigilang paglandas ng mga luha. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang sakit ng puso niya.

"Ava let us explain." narinig niyang sabi ni Andrea sa likuran.

Nilingon niya ito, at pinakatitigan ng masama. Pasalamat ito at hindi siya violent na tao, dahil kung nagkataon tiyak na kanina niya pa ito isinubsob sa sahig.

Akma siyang hahawakan ni Simon sa kamay ngunit ngunit iniiwas niya iyon malakas niya itong tinabig upang makadaan siya at makalabas ng opisina.

Napakasakit pa lang maloko ng harap-harapan. Lalo pa't alam niyang mahal na mahal na niya ang asawa..

*****

     
      
    
   
   
   
   
    
    
     
     
     
     
     
     
     
     

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें