Part 3

1.9K 32 0
                                    

Araw ng linggo walang pasok sa eskwelehan si Ava. Ito ang araw niya sa pagtatao sa bakery, dahil ang dalawang tiyahin ay namamalengke pag araw ng linggo, at ang lola niya ay nasa simbahan.

Kasalukuyan siya noong nag-aayos ng mga benebenta rin nilang ibat-ibang klase ng palaman sa  isang estante ng marinig ang boses ni Simon.

"Hoy Manang! nahihiya ka ba sakin? kaya si Abet ang pinili mong makadate sa Prom!?" galit na sabi nito, binato siya ng nakabalot na monay na galing sa taas ng estante ng mga tinapay.

Nakailag ang dalagita.

"Aba't! bakit mo tinatapon ang paninda namin?" galit ring tanong ng dalagita tumigil ito sa ginagawa, pinulot ang tinapay at hinarap ang binatilyo.

"Sus! bente pesos lang yan babayaran ko yan!" mayabang na sabi ni Simon

"Kahit na, wala kang karapatang paglaruan ang mga tinapay namin! Ano bang ginagawa mo rito? Umalis ka nga rito. Bumalik ka dun sa itlogan niyo!" pagtataboy ni Ava.

Si Simon rin ang tumatao sa negosyo ng mga tiyuhin  sa tapat, kapag araw ng linggo.

"Sagutin mo muna ang tanong ko, bakit ang payatot na si Abet ang pinili mong makadate sa prom? Kung ang pagbabasehan ay itsura tiyak naman na walang panama sakin si Abet. Nahihiya ka sakin nu?" nagpacute pang sabi ni Simon, hinimas ang baba

Umingos si Ava. "Hindi ako nahihiya sayo, naaalibadbaran ako! Pwede ba Manlulupig, umalis ka na nga!"

Naningkit ang mga mata ng makulit na binatilyo. "Magsama kayong mga pangit! mga baduy!" sabi nitong tinawid na ang kalsada.

Subalit bago pa man nito marating ang pwesto ng itlogan ay naabot ito ng nakaboteng peanut butter na ibinato ni Ava. Sapul ito sa ulo, at tumalon pa iyon sa nakatray na mga itlog. Nabasag ang halos isang tray ng itlog.

"Simon!" narinig niyang sigaw ni Tito Frank sa tapat.

Napahagikhik ang dalagita, tiyak na pagagalitan ito ng tiyuhin.

Buti nga sayo, yabang mo kasi! tagumpay na bulong niya.

*****

Gabi ng Prom Night.

Pagkatapos ng intermission number ni Ava ay gustong gusto ng umuwi ng dalagita, dahil kinakati na siya at hindi kumportable sa suot na gown. Pinipigilan lang siya ni Patty, magstay pa umano sila kahit mga isang oras pa.

Isang long sleeve Prom dress ang suot ni Ava, bagaman konserbatibo pa rin ang istilo, lumabas naman ang pausbong na magandang korte ng katawan niya.Idagdag pa na nakalugay ang mahaba niyang itim na buhok, nilagyan rin siya ng light make up ng mga tiyahin.

Kahit suot pa rin ang malaking eyeglasses ay hindi nito natakpan ang magandang mukha ni Ava. Ayun kay Lola Ising kaya ipinangalan siya sa Inang Maria dahil malaki umano ang pagkakahawig niya rito. Ang hugis puso niyang mukha, mga kilay na perpekto ang pagkakaarko, mga matang bilugan at mapupungay na may mahahaba at itim na pilik, matangos na ilong at maliit ngunit mapulang labi.
   
"Ang ganda ganda mo naman Ava at ang sexy pa! samantalang ako..hay! kelan kaya ako papayat?" komento ng kaibigang si Patty.

Paano nga ba itong papayat ganitong maya't-maya ang kain? Ang suot nga nitong Prom Dress ngayon ay halos puputok na sa sobrang sikip.

"Naku! Patty subukan mong magdiet," sabi naman ng katabi nilang si Abet.

"Bukas na lang sayang ang pagkain ngayon, masasarap pa naman.." sagot ni Patty.

Nagkatawanan sila.

Tinawag si Abet ng isang grupo ng mga kalalakihang nag-uumpukan. Kabilang doon si Simon, nag-excuse sa kanila si Abet at linapitan ang mga ito.

"Ava, kanina ko pa napapansin yang si Simon panay ang sulyap sayo, malamang  nagagandahan yan sa transformation mo ngayon." sabi ni Patty ng makatalikod na si Abet.

"Sus! parang di mo naman kilala si Manlulupig, malamang nag-iisip na naman yan ng gagawing kalokahan laban sakin." wika niya.

Natawa si Patty. "Pero infairness bagay sa kanya ang formal attire niya ngayon. Lalong gumwapo si Simon. Tingnan mo nga yong grupo nina Cindy, kanina pa nagpapapansin." wika ni Patty na ang tinutukoy ay ang mga kababaihan sa last section na hindi itinatago ang pagkagusto kay Simon.

Napaingos si Ava. Totoo naman ang sinabi ni Patty, totoong higit na lumitaw ang gandang lalake ni Simon sa suot na formal attire. Pero hindi pa rin maiaalis na isa itong bully at naiirita siya rito.

Pumailanlang ang isang sweet music. Lumapit ulit sa pwesto nila si Abet at niyaya siyang sumayaw subalit bago pa man niya maabot ang ilinahad na kamay ng kababata ay may humatak sa kamay niya.

"Sayaw tayo!" walang pakundangang sabi ni Simon, sa halip na paghingi ng permiso ay pautos ang tinig nito.

Napakamot sa ulo si Abet.

Si Ava naman ay nagulat at napataas ang mga kilay.

"Napaka ungentleman mo talaga Manlulupig!" inis na sabi niyang akma na itong tatalikuran, subalit mas hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya.Mabilis siyang nahila sa gitna ng dancefloor.

"Hoy Manang! wag ka ngang pa hard to get, swerte mo pa nga at ikaw ang isinayaw ko." sabi ng binatilyo kinuha ang mga kamay niya at ipinatong sa balikat nito habang niyapos naman ang beywang niya.

"Ang hangin mo talaga Manlulupig!" angil ng dalagita.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, tingnan mo nga yang mga kababaihan sa paligid mo halos magkandarapa, mapansin at maisayaw ko lang." maangas na sabi pa nito.

"Puwes hindi ako! hindi ko gustong makipagsayaw sa nakakairita, mayabang, bully, bastos na tulad mo!"

"May kulang pa." sa halip na mainis ay naging pilyo pa ang ngiti ng binatilyo.

Tiningala ito ng dalagita.

"Gwapo! diba?" wika ni Simon na kumindat pa.

Napabuga ng hangin si Ava, kailan ba magdidisappear sa buhay niya ang lalakeng to? Ikinalas niya ang mga kamay sa balikat nito at akmang tatalikod na subalit mabilis nitong nahawakan ang braso niya.

"Sige kapag iniwanan mo ko rito, hahalikan kita!" banta nito.

Naalarma ang dalagita, knowing Simon Manlulupig ay tiyak na tototohanin nito ang banta. Pag nagkataon ang mortal pa niyang kaaway ang magiging first kiss niya.

Nakasimangot siyang hinarap ulit ito at ipinatong muli ang mga kamay sa balikat nito. Abot tenga naman ang ngiti ng binatilyo.Tahimik silang nagpatuloy sa pagsayaw.

Maya-maya'y nagsalita si Simon. "Ang ganda pala ng mga mata mo,lalo na siguro kapag nagtanggal ka ng salamin." seryoso sabi nito.

"Ha!?" napaangat ang mukha ni Ava, tila may kung anong kilig siyang naramdaman sa unang beses na pinuri siya nito.

Nagtama ang mga mata nila.

"Kinikilig ka naman diyan Manang! Alam mo namang sa sampung sinabi ko, lahat mali!" wika ni Simon sabay bunghalit ng tawa.

Napahiya ang dalagita, lalo't napatingin sa kanila ang mga katabing nagsasayaw din, dahil sa lakas ng boses ni Simon.

Nagsitawanan rin ang mga ito.

Sa labis ni inis ay itinulak niya si Simon, at tinalikuran ito. Nagmadali siyang lumayo sa kasumpa-sumpang si Manlulupig!

May araw ka rin sakin! aniya sa sarili.

*****
   
   
   
   
   
   
   
   
  
     
    
    
    
    

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)Where stories live. Discover now