Part 11

1.5K 25 0
                                    

Tapos ng ipusod ni Ava ang mahabang buhok at kasalukuyang  nakaharap siya sa full length mirror. Nang humarang sa salamin si Simon, ipinaaayos nito ang kurbata.

Atubili siya nung una, pero sa huli'y naisip niyang asawa niya si Simon, kailangan niya itong asikasuhin, at simpleng pag-aayos lang naman ng kurbata ang ipinagagawa nito.

Pero iba kasi ang dating sa kanya, ibig kasing sabihin ay madidikit na naman  sa kanya ang asawa! at hindi niya gusto yun! Dahil pakiramdam niya ay nagwawala ang puso niya.

Kiliti ang hatid sa kanya ng naamoy na masculine perfume nito, ang angking gandang lalake ng asawa ay nakakahipnotismo...

Ang pangahin nitong mukha na may kalakihang mga mata ngunit maaamo at malalim kung tumitig, matangos na ilong, at katamtamang kapal ng mapulang labi..

Sa height ni Simon na 6'2 at siya naman ay 5'4, hanggang baba lng siya nito. Kaya nakatingala siya habang puno ng paghangang nakatunghay sa asawa.

"Gwapo ng asawa mo nu?" nanunudyo ang tingin sa kanya ni Simon.

Sa biro nito'y napalis ang pagpapantasya niya. Para matakpan ang pagkapahiya ay hinigpitan niya ang kurbata nito. "Feeling mo!"

Napaubo si Simon sa ginawa niya. "Ava naman gusto mo ba kong sakalin?"

"Yabang mo kasi!"

"Totoo naman ah, nagagwapuhan ka sakin." tudyo pa nito.
    
Gwapo nga, babaero naman! bulong niya.

Sa pagkakataong yun ay inayos na niya ang pagkakatali sa necktie nito.

"May sinasabi ka ba?"

"Wala!" wika niyang nataranta, dahil inilalapit ng asawa ang mukha sa mukha niya.

Nakatitig si Simon sa mga labi niya.

Ikiniling niya ang mukha sa kanan habang umaatras.

"Sinungaling!" siya namang pag-abante nito. Nanunukso ang mga ngiti.

Hanggang sa masukol siya sa pader.

Hinawakan ng asawa ang baba niya iniharap ang mukha niya sa mukha nito. Pagkatapos, ay tinanggal ang eyeglasses niya..

Napapikit si Ava. Pakiramdam niya ay tumigil ang pagtibok ng puso niya nang sakupin ng asawa ang mga labi niya. Nanghahalina at nanunukso ang mga halik ni Simon, nag-aanyaya ng pagtugon..

Gusto niya itong itulak subalit nadadarang siya sa kakaibang sensasyong ipinapakilala nito sa kanya.

Kaya na niyang pangalanan ngayon ang nararamdaman sa asawa. Umiibig siya kay Simon! Marahil kahit noon pa mang mga bata pa  sila, kasabay ng pagkainis niya rito ay ang pagkagusto niya rin dito.

Kusang kumawit ang mga kamay ni Ava sa batok  ng asawa at tinugon ng may pananabik ang mga halik nito sa paraan ng paghalik kung paano nito gustong tugunin niya.

"Ava! Simon! nakapaghanda na kami ng agahan ni Frank lumabas na kayo riyan para sabay-sabay na tayong mag-agahan at sabay-sabay na rin tayong umalis!" sigaw ni Mayumi sa labas ng pinto ng kanilang kwarto.

Bigla niyang naitulak si Simon. Lumunok bago nagsalita.

"Opo tita, lalabas na po." sagot niya sa tiyahin.

Ginagap niya ang salamin sa kamay ng asawa, pero sa halip na iabot sa kanya ay ito na ang kusang nagsuot ng antipara sa mga mata niya. Pagkuwa'y pinisil ang tungki ng ilong niya, habang malisyoso ang ngiti.

Nag-iinit ang pisnging tinabig niya ito at nagmadaling lumabas ng kwarto.

*****

Sa opisina ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Ava ang usap-usapan ng team niya. Hindi ang tungkol sa katatapos lang na presentation ang pinag-uusapan ng mga ito, sa halip ang kanyang asawa! Bukod sa hanga na ang mga ito sa galing at diskarte ni Simon sa trabaho. Higit lalo sa itsura nito.

"Swerte naman ng usap-usapang asawa ni Engr. Simon, bukod sa matalino na ay ang hot pa!" kinikilig na sabi ni Lisa.

"Agree! kung ako ang asawa niya tiyak na paliligayahin ko yang si Engr. gabi-gabi para hindi na tumingin pa sa iba mahirap na, mahigpit ang competition!" tili naman ni Mona.

Napaubo si Ava sa narinig mula sa mga staff.

"Hoy! ang ingay niyong dalawa diyan, mamaya marinig kayo ni Sir Jacob, bakit di niyo gayahin si Ms. Ava, tahimik lang." saway naman ni Pong,  bumaling ito sa kanya.

Nginitian niya lang ito.

Inirapan naman ng dalawang babae ang tila naiinggit na kasamahan.

May narinig silang katok, mula sa nakabukas na glass door. Napalingon ang lahat sa pinto maging si Ava na akmang tutungo sa private office ni Jacob upang ibigay ang hinihingi nitong dokumento, ay napahinto sa paghakbang.

"Hi everyone! Lunch time na, gusto ko lang sanang imbitahing kumain si labas si.." pabitin na sabi ni Simon iginala ang mga mata hinahanap ang asawa.

Ang mga kababaihan ay umaasang isa sa kanila ang tinutukoy ng Inhinyero.

"Si Ms. Ava." matamis ang ngiting sabi nito ng mahagip siya ng mga mata.

Nahiya siya at napayuko, ngunit aminadong kinilig.

Samantalang dismayado naman ang mga babae nilang staff, at nakakunot ang mga noo, nagtataka kung bakit ang tahimik at konserbatibo nilang assistant manager ang inanyayahan nitong kumain sa labas.

*****
  
  
  

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)Where stories live. Discover now