Kabanata 1

25 0 0
                                    

Kabanata 1

September 10, 2011

Naglalakad ako papunta sa bahay nila Tope ngayon. Halos kauuwi ko lang sa bahay namin. Nilapag ko lang ang bag ko at tinanggal ang uniform. Nagpaalam kay Mama at diretso nang pumunta sa kanila. Ewan ko ba don napaka-special ayaw niyang pumunta sa bahay. Gusto niya ako pa ang pupunta. Hmp!

Hindi naman malayo ang bahay nila sa’min pero natatakot kasi ako sa mga aso ng kapitbahay nila. Sa tuwing nakikita ko ang mga ‘yun ay gusto ko nalang umiyak. Nakakatakot ang mga mukha nila para bang kahit anong oras ay kakainin na nila ako.

Nang matunton ko ang bahay nila ay nakita ko si Lolay Lourdes, lola ni Tope. Pinsan ko talaga si Tope kaya siguro close na close kami.

Grade 1 palang kami ni Tope pero sanggang dikit na kami. Hindi mo kami mapaghihiwalay. Sa school nga ay nasa huling row pa siya pero pinaalis niya ang katabi ko para lang makatabi niya ako. Kaya dalawa na tuloy kami sa mahabang upuan na may mesa. 

“Oh, Shammy. Ang hanap mo ba ay si Tope?” Salubong sa'kin ni Lolay. Ngumiti naman ako nang malawak at tumango.

“Opo, eh,” Nahihiyang sagot ko. Kabisadong-kabisado na kasi nila Lolay kung ano ang pakay ko sa tuwing narito ako sa kanila. Hindi ko pa nga nakikita ang mama ni Tope eh pati ang papa niya. Nasa Manila raw ang Papa niya tapos ang Mama niya naman ay nasa ibang bansa. Kaya si Lolay Lourdes ang nag-aalaga kay Tope.

“Pumasok ka lang riyan. Kanina ka pa hinihintay non.” Ngumiti ulit ako. 

“Salamat po, Lolay!” Ngumiti rin ito at pinagpatuloy ang pagwawalis.

Binuksan ko ang gate nila at pumasok. Nakita ko naman kaagad sa harap ng pinto si Tope na nakasimangot. 

Sumalabong naman sa’kin ang aso nilang si Aqua. Bulag ang isa nitong mata pero malaki siya kaya nakakatakot. Ang siya pang kinaiinisan ko ay sa tuwing tatahulan ako ni Aqua ay tinatawanan lang ako ni Tope! Kaya minsan ayaw ko na pumunta dito sa kanila eh! Kapag sinusumbong ko siya kay Lolay Lourdes ay pinapagalitan naman siya! Ang kaso, hindi pa rin siya tumitigil!

At tama nga, tinahulan ulit ako ni Aqua. Nakasimangot pa rin siya!

“Hoy! Bawalin mo naman aso mo! Kapag kinagat ako niyan, ‘di na ako pupunta dito!” Sigaw ko sa kaniya. Kahit anong oras ay lalapain na ako ng aso niya! Gusto ko nalang umiyak.

Nung makita niyang takot na takot na talaga ako ay saka niya pinuntahan si Aqua saka binigay ang laruan nito. Hinabol naman nito ang laruan kaya nawala na ang atensyon sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag. 

“Tagal mo, magdidilim na eh.” Inirapan ko siya.

“Kalalapag ko lang kaya ng bag ko dumiretso na ako rito!” Asik ko rito.

“Kanina pa tayo nakauwi tapos kalalapag mo lang ng bag mo?” Nakakunot ang noong sabi nito. Lagi naman kasi kaming sabay umuwi. At kailangan pagkauwi ko ay nandito ako para maglaro kami. 

Nag-iisang anak kasi siya kaya wala siyang kalaro kundi ako lang. Kulang na nga lang ay dito na ako tumira. Paano kasi ay hanggang hapunan nandito ako. Hinahatid na lang ako ni Lolay Lourdes kasama siya o minsan naman ay si Mama na ang mismong pupunta dito.

“Eh sumama ako kay Mama bumili ng cake ni Tricia eh. Dapat nga ay nakikikain ako ng handa niya ngayon.” Nakasimangot na sabi ko. Sabi ko pa naman kay Tricia na pinsan ko rin ay pupunta ako.

“Edi doon ka na.” Saka niya ako tinalikuran habang nakahalukipkip ang mga kamay. Hindi ko naman magawang mainis dito dahil bestfriend ko siya.

“Tara na maglaro. Dami mo pang sinasabi eh.” Sabi ko saka naunang pumasok sa kaniya sa bahay nila. Madilim ang bahay nila dahil nakapatay ang ilaw. Hindi ko naman abot ang pindutan para sumindi siya kaya hinayaan kong ganon ang bahay. 

Loving the Scars (Go Up Series #1)Where stories live. Discover now