Sa tono ng pananalita nito, parang hindi basta basta ang lugar na pupuntahan nya. Behind the woman's worried tone there's a hint of warning.



"Eh yung....totoong may ari ng katawan ko? Ano na ang mangyayari sa kanya?" Tanong nya.


Kahit nakatakip ang kalahati ng mukha nito, alam nyang ngumisi parin ito.



"By nature hindi ko dapat pwedeng sabihin kung ano ang magiging future nya ngunit sige, sasabihin ko sayo. Yung totoong Esmeray, dadalhin sya sa hospital ng lalakeng nakasagasa sa kanya. Yung lalakeng yon, galing sya sa mayamang pamilya. He's someone who you can consider as an epitome of perfection, he's rich with a perfect face a body but he is also a womanizer. But because Esmeray is beautiful, timid and kind, magiging interesado ang lalakeng yon sa kanya. He will take care of her, he will change for her, and they will have a beautiful ending don't worry. "



Dahil sa nalaman, bigla syang nakaramdam ng inggit "Wait lang! Sinabi mo bang pogi at mayaman ang makakatuluyan nya? Eh pangarap ko yun eh! Ang unfair naman Luna! Eh ako? Makakakilala ba ako ng pogi at mayaman? Bakit yung pangarap ko binigay mo lang noong wala na ako sa mundong yon?!" Humaba ang nguso nya habang nagproprotesta.



Mahina naman itong natawa "Hindi ba't sinabi ko na nakasunod sa inyo ang malas dahil nasa maling katawan kayo? Malay mo may makakatagpo ka rin ng ganong lalake pagbalik mo sa tamang katawan mo. Pero sinisiguro ko sayo, marami kang makikilala. Hindi man lahat ay mga mabubuting tao, pero magkakaroon ka ng mas maayos na buhay."



Hindi manlang gumaan ang loob nya sa sinabi nito. Gusto nya rin ng mayaman at poging lalake! Nang inakala nyang mamamatay noon, may isang bagay syang labis na pinagsisisihan. Yon ay ang pagiging virgin nya! This time, she will definitely go all out. She will start hoeing around  as soon as her life starts again!


The heck with being a  virgin! Maghahanap sya ng borta! Didiligan nya ang kanyang sahara desert! Tag tuyot no more!


Leonia feels motivated than ever. Naiimagine na nya ang mga bagay na gagawin nya. Pero maya maya lang ay may naalala sya. Muli syang tumingin sa kausap.



"Uhm...may tanong ako..." Nag aalangang wika nya "Yung pera sa bank account ko, pwede ko bang dalhin sa pupuntahan ko?"



She look at the woman expectantly but to her horror the Luna shook her head.



"Ha?! Hindi pwede?! Pero-.....pero pinaghirapan ko yon!" Naiiyak na saad nya.



"I'm sorry, pero hindi na ikaw si Esmeray.  Kailangan mo ng tanggapin ang magiging buhay mo. "



Para syang pinagbagsakan ng langit ay lupa. Natulala nalang sya. Her money....... her blood and sweat money.......ang kanyang pinag hirapan....



Gusto nyang magwala pero alam nyang walang silbi yon!

"Huwag mo ng iyakan ang pera. Magaling ka naman at kayang kaya mo yong hanapin in no time. " Wika nito at maya maya lang ay tumayo ito "It's time. Kailangan na kitang ihatid. "


"Pero yung pera ko ..." Naiiyak na wika nya at parang batang nagdadabog.



"It's going to be fine. You're a strong girl after all " the woman's voice is very
sweet.




Nakasimangot nya itong tinignan. Ngumiti lang ito at unti unting hinawakan sya sa ulo. Once again, everything went dark.
















THERE'S a cabin located at the furthest part of the pack. That tiny house is known as the home of the pack's outcast. Sa kalagitnaan ng maliit na bahay na yon, nakahandusay ang isang babae. Nagkalat sa sahig ang natuyong dugo nito.



Omega's PlaytimeWhere stories live. Discover now