Chapter 9: Ghosted

Start from the beginning
                                    

Napakaaga naman na mahulog ako agad kay Boss. 

At bakit siya pa kung sakali?

Hinde!

Namimiss ko lang ang aking mga pamilya.

Oo, namamahay lang ako. 

Ilang minuto ang nakalipas, nagdesisyon na akong maligo. Naalala kong magpapamasahe daw si boss Kristoff. 

At kung bakit bigla akong nakaramdam ng pananabik.

Agad kong inalis iyon sa aking isipan. 

Isang maluwang na itim na t-shirt ang ginamit ko at saka maluwang din na short na umabot lang hanggang tuhod. Kupasin na ang mga iyon, at bigay pa iyon ng bestfriend kong si Simona. Galing iyon sa tita niya ng nagpadala ng door to door galing ng Hong Kong. 

Matangkad lang ng kaunti sa akin si Simona at payat. 

Sa harap ng t-shirt ay may nakasulat ng gold na pinta na, 'I think Abs is my soulmate.'

Nang malaman kong wala si Sir Kristoff, at kahit pagkatapos ng hapunan, nalinis na at nagsipag-alisan na ang mga katulong sa kani-kanilang kwarto sa maid quarters daw na nasa likod ng bahay ni boss Kristoff, lalong lumaki ang inis ko sa aking dibdib.

Kung bakit kay bigat ng aking pakiramdam at para akong may sakit.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi rin ako nakatulog ng maigi, pinakikiramdaman kung dumating ang aking amo.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, ngunit wala akong narinig na ugong ng sasakyan, o ingay sa kwarto ni boss. Magkalapit lang ang kwarto namin, at nakakabingi ang katahimikan sa loob ng aking kwarto sa gabi, kaya't kahit na anong ingay, maririnig ko.

Napag-alaman kong bumalik sa main branch daw nito. At tuwing gabi, hindi ito umuuwi lalo na kapag Friday at Sabado.

Umaga na daw ito umuuwi.

Agad akong naligo at nagdamit.

Pantalon na dati'y itim ngayon ay faded na at masikip din. Isang manipis na sleeveless na pang-itaas, at kita ang maputi kong balagat. At dahil ito'y napaglakihan ko, natatakpan nito ang aking dibdib. Walang nakikita kahit na konting puno ng aking dibdib, at may ruffles sa ibaba ng leeg ng damit, at natatakpan nito ang bakat ng aking dibdib. 

Isa sa rason kung bakit ginagamit ko parin ito kahit halatadong napaglakihan ko na. Humahapit ito pero natatakpan ang lahat dapat matakpan, kaya't walang kamalis-malisya itong tingnan.

Napasilip muna ako sa loob ng kwarto ng aking amo at nadismaya ako ng makita kong walang kakusot-kusot ang higaan nito, nangangahulugang hindi ito umuwi o natulog dito.

Kung bakit parang may kumurot sa aking puso at saka ito pinisil ng maigi.

Agad kong pinalis ang damdaming iyon. Hindi dapat ako makaramdam ng pananaghili. 

Masyado akong ambisyosa. Isa lamang akong katulong, at imposibleng magkagusto sa akin si boss.

Ang layo ng agwat namin sa isa't-isa, at wala ako sa kalingkingan ng mga babae nito. 

At sa isiping iyon, lalo tuloy bumigat ang aking pakiramdam.

Wala sa sariling tumuloy ako sa ibaba, hanggang sa makarating ako sa kusina kung saan masayang nagkukwentuhan ang ilang mga katulong na nakilala kong sina Yolly na ilang taon lang ang agwat sa akin, at si Debbie. 

Magpinsan ang mga ito, at kamag-anak ni Mang Boy.

"Ang aga mong nagising, Angge. Halika na, sumabay kana sa amin mag-agahan," yaya ni ate Siony, at saka ako tahimik na dumulog sa mesa kung saan may mga nakahanda ng pagkain. Sinain, itlog at hotdog. 

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Where stories live. Discover now