CHAPTER 10:

153 4 0
                                    

GRACE'S POV:

"Pwedeng humiling?"

"Gusto ko pag kinuha niya na ako, magiging masaya ka para sakin, wag kang iiyak please..."

"Chard..."

"Hindi kasi ako mapapanatag pag may nakikita akong luhang bumabagsak mula diyan sa mga mata mo Grace" pero hindi ko na napigil napaiyak na talaga ako

"Paano ako magiging masaya kung hindi naman kita kasama Chard?"

Pinunasan niya agad ang mga luha kong dumadaloy sa mga pisngi ko

"Ngayon pa nga lang na buhay ako umiiyak ka na, paano pa kaya kung dumating na ang oras na yun?"

"Kailangan mong lumaban Chard, ipangako mong hindi mo ako iiwan..." sabay hawak ko sa kamay niyang nakahawak sa pisngi ko

"I love yoy Grace..." pero yun lang ang sinagot niya sa halip na mangako

May 7 2006, kumpletong dumalaw ang lahat sa ospital para bisitahin si Richard

"Oi Bru...bawasan mo na ang pagiging maldita mo ha? wag ka na ding nanghaharang ng mga batang dumadaan sa kalsada" pagbibilin ni Richard kaya nagkatinginan kami nila Megs

"Umm? ayoko magpromise..." napangiti nalang si Richard sa sinagot ni Bru

"Act like a little girl not like a little boy sweetie" dagdag pa ni Ricky

"Tsk, ano ba yan kuya Chard naman eh!" natawa nalang kaming lahat

Nung araw na yun ang weird ni Richard, dahil lagi niyang bukang bibig na masaya daw siya dahil kumpleto ang mahahalagang tao sa buhay niyanung mga oras na yun kaya tuloy patuloy ang pang aasar sa kanya nila Megs na ang drama niya

*****

May 8 2006, Tinext ko sila Albert para pumunta sa hospital dahil hinahanap sila ni Richard kaya wala pang isang oras nagdatingan.na ang buong barkada nila sa hospital

Nandun din ang pamilya ni Ricky dahil yun ang gusto niya

"Ang bilis niyong dumating ah" bungad agad sa kanila ni Ricky

"Naman!! kami pa" sabay sabay namang sabi nila Nicky

Nagulat nalang kami ng biglang tanggalin ni Richard ang oxygen mask na suot niya

"Chard..." yun nalang ang nasabi naming lahat

"Thank you, naging makabuluhan ang buhay ko...dahil sa inyong lahat...mahal ko kayong lahat, mahal na mahal ko kayo..." sabi niya nalang kahit na nahihirapan na siyang huminga

"Chard wag ka ng magsalita" ibabalik ko na sana ang oxygen mask niya pero hinawakan niya ang kamay ko, saka siya ngumiti.

"Napapagod na ako" sa sinabi niyang yun, napaluha nalang ako

"Pare..." naririnig ko din sa boses nila Albert na naiiyak na din silang lahat

Lalo akong napaluha ng unti unting pumipikit ang mga mata ni Richard

"P-Pare..."

"Chard..."

"Ricky anak..."

Tinawag agad nila Albert ang doctor ni Ricky

*****

NICKY'S POV

Pilit na ibinabalik ng Doctor ang heart beat niya ngunit tuluyan na talaga itong naging straight

Napahagulgol nalang si Grace ng i-announce ng doctor ang time of death ni Ricky, napaiyak na din kaming lahat

Wala na siya...wala na si Bossing, tuluyan na nga talaga siyang nag pahinga

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon