CHAPTER 8:

120 5 0
                                    

RICHARD'S POV:

Lagi nalang may masakit, pero kailangan kong tiisin at kailangan kong magpakatatag dahil silang lahat nagpapakatatag para sakin

Minsan pagdumadalaw sila Albert kasama nila si Bru kaya nakakapag open ako sa buhay kong diary

"Alam mo Bru minsan gusto ko ng gumive up kaso pagnakikita ko kayo naiisip kong hindi pala dapat..." sabi ko nalang minsan sakanya habang dalawa lang kami sa kwarto ko sa hospital

"Ganyan ba talaga kuya Chard pagmahal mo?" tanong niya agad habang nilalaro ang psp ni Neithan na naiwan doon

"Oo sweetie...gagawin mo lahat, pipilitin mong mabuhay para sa kanya o sakanila...isasakripisyo mo lahat para sa kanila..."

"Hmf, ayoko palang magmahal"

"Bakit?"

"Eh ayokong magsakripisyo eh, eh pano kung hindi mo na talaga kaya pipilitin mo padin? tsk" natawa nalang ako sa sinabi niya

"Nagjojoke ba ako para matawa ka kuya Chard?" tanong niya ulit

ng hindi pa din tumitingin sakin at nakafocus padin sa nilalarong psp

"Every girl was born to be a princess pero ikaw hindi ko alam kung anong nangyari sayo, mukang mas trip mong maging prinsipe sweetie" sabay gulo ko sa buhok niya

"Tsk ano ba yan kuya Chard, lagi mo kong pinapagalitan na magsuklay ako para maayos yung buhok ko pero ikaw naman yung madalas manggulo ng buhok ko, tsk, nakakainis naman eh talo nanaman tuloy ako, tsk ibibreak ko nga dapat yung record ni unanat eh, pffftt!!" sabay kamot pa niya sa ulo niya kaya natawa ako lalo

"Ang daldal mo!!"

"Syempre may bibig, tsk ano bang gamit ng bibig diba??" ang tawa ko na nanaman saka ko pinisil ang ilong niya

"ARRAAAAAAAAAAAY!!" sigaw niya agad

"Para tumangos ang ilong mo!"

"Tsk, so pag pinukpok ko noo ko liliit to?" pilosopo niyang tanong kaya tawa nanaman ako

"Ahaiyts, pilosopo ka talaga Bru-ha!!"

*****

GRACE'S POV

Lagi daw may masakit, lalong numinipis ang buhok niya, sobra na ang pangangayayat

Ang layo na sa itsura ng dating Richard...

Ilang linggo matapos niyang magstay sa hospital inuwi na siya ulit sa bahay nila.

At kapag gusto niyang pumunta sa Court iniuupo siya sa wheel chair at sinasamahan ko siyang pumunta doon tulak tulak ang wheel chair niya

"Kuha nalang kaya tayo ng nurse para mag asikaso sakanya Grace? para din hindi ka nahihirapan..." minsan sabi ni ate Cecile

Pero hindi ako pumayag, dagdag gastos din kasi yun para sa kanila at saka tutal kaya ko namang alagaan si Ricky

Simula ng magkasakit si Ricky napansin ko ding hindi na dumadayo ang barkada nila at kapag wala silang magawa sa bahay nila Ricky sila tumatambay

"Pagnawalan ulit ako ng malay...wag niyo na kong dadalhin sa hospital ah..." minsang sabi niya

"Chard?"

"Ayoko ng bumalik dun eh"

"Pero kailangan yun pare" sabi nalang ni Nicky

"Pakiramdam ko kasi mamamatay na ko pagnasa ospital ako eh..."

"Richard naman!"

"Pare talaga..." sabay sabay na sabi ng mga kabarkada niya.

Sa tuwing magbibitaw siya ng ganung mga salita nasasaktan ako, dahil alam kong nahihirapan na din siya sa sakit niya

"Mahal na mahal ka ni Grace pare kaya dapat maging matatag ka kahit para nalang sa kanya" minsang narinig kong sabi ni Nicky sakanya ng dumating ako sa bahay nila galing sa trabaho

"Pagod na ko Nick, pagod na yung katawan ko" napaluha nalang ako sa sinabi niya

"So ano ganyan ka nalang ba Chard? magpapatalo ka nalang ba diyan sa sakit mo ha?" narinig kong tumaas ang tono ni Megs na madalas kalmado lang at patawa tawa

"Taena naman pare, lumaban ka! para kay Grace, nahihirapan din siya alam mo ba? tapos ikaw basta basta nalang susuko? ano to naggagaguhan nalang tayo?" dagdag pa ni Albert

Lalo akong napaiyak ng makitang tumulo ang luha ni Richard habang nakayuko siya pero instead na pumasok sa kwartong yun pumunta muna ako sa kusina para pigilin ang luha ko, dahil alam kong masasaktan siya kapag nakita niya akong ganito

*****

Dumaan ang ilang mga buwan pero wala pading pagbabago, ganun padin si Richard, para daw siyang unti unting pinapatay ng sakit niya

Thursday: Araw ng chemotherapy ni Richard kaya inaayos ko na ang mga kailangan naming dalhin

"Tatawagin ko lang sila Albert ha?" sabi ko agad ng matapos kong ayusin ang mga gamit niya

Pero nagulat ako sa sinabi niya

"Wag na!"

"Ha?" sabay lingon ko ulit sa kanya

"Nagsasawa na ko, wala naman ng nangyayari eh"

"Chard..."

"Umalis ka nalang, iwanan mo na ako, ipagpatuloy mo yung buhay mo, hindi yung inaalagaan mo ang tulad kong mamamatay na, maghanap ka ng lalaking ikaw ang inaalagaan hindi tulad kong alagain" napaluha nalang ako sa sinabi niyang yun "Nakikipaghiwalay na ako Grace, maghiwalay na tayo please..." pero habang sinasabi niya ang mga yun at bumabagsak ang mga luha niya, hindi niya ako tinitignan sa mata

"Tingin mo ba ganun kadali ha? ganun ako kadaling makakahanap ng ibang lalaki at ganun kadali kitang iiwanan ha? Chard mahal kita! mahal kita Chard!! mahal na mahal, at kahit gaano pa kahirap, ipaglalaban kita, dahil mahal kita eh..."

Napayuko nalang siya at lalong naiyak

"Please, ayokong nahihirapan ka...kaya please, iwan mo na ako!"

"HINDI! hindi kita iiwan!!" sabay hawak ko sa kamay niya "please lumaban ka, kakayanin natin to diba?"

"Kung mamamatay ako, hayaan nalang natin, kahit naman kasi magpachemo ako ng magpachemo, dun padin ang bagsak ko hindi ba?"

"Chard ano ba?!"

"Para saan pa ba to kung mamamatay din naman ako..."

"Chard gusto mo bang nakikita kang ganyan nila Bru ha?" saka ko napansin tumingin siya kayla Bru na naglalaro ng playstation sa sala

"Handa akong tanggapin yun kahit natatakot ako..." sabi niya nalang ng hindi tumitingin sa mga mata ko

"Wag mo namang sabihin yan oh, please" napaupo nalang ako sa harap niya habamg nakaupo siya sa kama

"Natatakot ako..." muling bumagsak ang luha mula sa mga mata niya "Natatakot akong mamatay Grace..."

"Akala mo ba ako hindi natatakot ha?" sabay hawak ko sa mga kamay niya "Natatakot din ako Chard...natatakot din ako, dahil baka isang araw nagising nalang akong wala ka na sa tabi ko...pero ni minsan ba nakita mo akong sumuko sa pagaalaga sayo ha?"

Napaluha na din ako

"Hindi diba?...kasi mahal kita Chard, mahal na mahal kita...kaya nga ayokong mawalan nagpagasa dahil alam ko na pagsumuko ako lalo kang panghihinaan ng loob...nandidito ako Chard, nandito kami, gusto ka naming makasama ng mas matagal na panahon...kaya please wag mong iisiping pabigat ka dahil hindi totoo yun..." saka ko siya niyakap ng mahigpit

"Im sorry..." saka ko naradaman ang pagyakap niya sakin

Maya maya tinawag ko na sila Albert para tulungan akong isakay si Richard sa sasakyan saka kami pumunta na sa ospital

to be continued...

-------------------------------------------

A/N: hey guys vote and comment if you like it, thank you so much ^___^

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon