CHAPTER 6:

165 3 0
                                    

RICHARD'S POV:

March 8 2004: tae nadagadagan nanaman ang edad ko, hahaha hindi ko na talaga maiiwasan ang pagtanda

Birthday ko ngayon at the same time 1st year anniversary namin ni Grace kaya plano kong dalhin siya sa isang resort para panuorin naming dalawa ang sunset, o dibang sweet, tsk kalalaki kong tao kinikilig ako

"Happy 1st year anniversary" yun agad ang bungad ko sa kanya pagkakita na pagkakita naming dalawa

"Happy anniversary din" sabay kiss niya sa pisngi ko, teka bakit ganun, nag-iinit ata ang mukha ko, nagbublush ba ako?? tsss nabading na ata ako

Sakay ng motor ko pumunta na agad kami sa resort at pinanuod ang sunset ng magkayakap

"Mahal na mahal kita, parang hindi ko na yata kayang magumpisa ulit pagnawala ka sakin Grace.."

"Mahal din kita, Chard, hindi ako mawawala sayo, sayo lang ako"

"Gusto kitang makasama habang...." hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang nagring ang phone niya

"Wait lang, si Ryan tumatawag" saka niya sinagot agad ang tawag ng kapatid niya

"Tsk, wow ahh, panira naman ng moment ohh" bulong ko nalang

Pero nagulat nalang ako ng pagbalik niya hindi na maipinta ang mukha niya at halos maiyak na

"B-Bakit??? anong nangyari?"

"Chard si papa..."

"A-Anong nangyari sa papa mo?"

"Si papa, Chard sinugod nanaman sa hospital"

"H-Ha?? tara na pala"

Kaya nagmadali agad kaming sumakay ng motor at pumunta na sa hospital kung nasaan ang tatay ni Grace

*****

Inatake nanaman daw sa puso ang papa ni Grace kaya sobra ang pagaalala niya para dito.

Ilang araw ding nacompine ang papa niya kaya lagi lagi pagkagaling sa school o kaya sa trabaho diretso na si Grace sa Hospital para bantayan ang papa niya at syempre dahil ako ang dakila niyang boyfriend hatid sundo ko padin siya o kaya sinasamahan ko siyang magbantay sa hospital.

"Wag mo nalang akong hatid sunduin Chard..."

"Ha? bakit? okay lang naman sakin eh"

"Hindi ka ba napapagod?"

"Hindi ako mapapagod hanggat nakikita kitang nakangiti..." sabay yakap ko pa sa kanya ng mahigpit

*****

"Nasa hospital pa yung papa ni Grace, pare??"-Roggie

"Oo pero bukas iuuwi na din siya"

"Edi hindi ka nanaman makakasama samin?!"-June

Hindi nalang ako sumagot at ngumiti nalang

"daya naman oh dadayo nga tayo eh!"-Nicky

"Kayo nalang muna"

"Hindi pwede, hindi naman tayo kumpleto eh!!"-Albert

"Drama niyo naman!" biro ko pa kahit ang totoo nahihiya na ko sa kanila, ang tagal na din kasi naming hindi nakakagala ng magkakasama

"Ang daya talaga oh" sabay sabay nilang sabi

"Girlfriend mo palang siya niyan ahh, pero halos iwan mo na kami pano pa kaya pag asawa mo na siya Chard?"-Eng

"huhuhuhu! pano na kami Chard pag wala ka na... kaylangan ka namin..." pagkukunwaring umiiyak ni June kaya laughtrip nanaman ang tropa!!

"Mga tae kayoooo!" sabay batok ko isa isa sa kanilang lahat...

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon