CHAPTER 3:

210 5 0
                                    

RICHARD'S POV

"Ayos ah di pa nga kayo, namamanhikan na agad" pang-aasar saakin ni Ray ng maikwento ko ang linggo lingo kong pagpunta sa bahay nila Grace.

"Hanep ka talaga ricky" sawsaw naman ni Albert.

"Malupet" sabay sabay naman na sabi nila Pike, Megz at Roggie.

Minsan niyayaya ko din si Grace na mamasyal or let say date na and after almost three months na panliligaw ko sa kanya , eksaktong birthday ko nung March 08 sinagot niya na ako, pero di niya alam na may dalawa pa akong girlfriend na tanging sila Albert lang ang nakakaalam.

Minsan kapag nagde-date kami kasama din namin sila Albert at Iza pero syempre humihiwalay kami sa kanila kapag nararamdaman naming gusto na nilang magsolo.

"Bat ang tahimik mo?" tanong ko habang naglalakad lakad kami sa mall

"Wala naman akong sasabihin"

"Uhmmm may sinsabi ba sayo si Alice tungkol sakin?" tanong ko ulit.

"ah,oo, kung ano ano lang naman"

Na-curious kasi ako baka kasi panay kalokohan ko ang naiikwento ni Alice sa kanya

"Tulad ng.." ang nasabi ko nalang..

"Babaero ka daw..." nakangiti niyang sabi

Nagulat ako sa sagot niya, walang hiya talaga yung Alice nay un talagang may galit samin nila Nicky eh, tsk

"Ah ei s-sinabi niya yun?" nauutal kong tanong..

"Oo"

"Naniniwala ka ba?" Ngumiti lang siya sakin saka umiwas ng tingin habang nakangiti parin..

"Dapat ko bang paniwalaan?" Bigla niyang tanong na sa malayo pa rin ang tingin.

"na--?"painosente ko namang tanong.

"Na babaero ka"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya

"To see is to believe diba?" sabi niya pa na siya namang kinatahimik ko nalang.

Ewan ko ba pero parang nakokonsensya ako sa panloloko ko sa kanya, hindi naman kasi siya tulad ng ibang babaeng nakakarelasyon ko eh. Minsan ko na din siyang naipakilala Kayla mama na never kong nagawa sa ibang mga nagiging girlfriend ko, para kasing pagsiya ang pinakilala ko matutuwa sila mama pati si papa, sila ate Cecile at si Francine.

"I like Grace" sabi nalang ni mama pagka-alis na pagka-alis ni Grace habang nasa sala kaming lahat.

"Simple lang siya , hindi gaya ng ibang girlfriend ni kuya na saksakan ng kaartehan" sabat naman ng kapatuid kong si Francine

"Sus kala mo siya hindi" pang asar ko

"Hindi naman ako katulad nila no, naskikipagsex agad ng hindi pa kasal"

"Francine!!" suway ni mama sa kanya kaya natawa kami ni ate Cecile

"Be careful on what you are saying, may mga bata oh" dagdag pa ni mama napatingin naman kami kayla, Neithan, Neo at Bru na naglalaro lang ng playstation

"Sorry naman ma"-Francine

"Bat hindi nalang si Grace ang pakasalan mo Richard"

"Ma?!"

"Mahal ka naman niya"

"Unless nalang kung hindi mo siya mahal 'chard" sawsaw pa ni ate Cecile

"Ayoko pang ikasal 18 palang kaya ako no"

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon