CHAPTER 9:

128 4 0
                                    

NICKY'S POV:

Bilib din talaga kami sa tiyaga at pagmamahal ni Grace kay Richard, parang hindi siya napapagod sa pagaalaga kay pare

Ni hindi nga kami nakakarinig ng angal sa kanya...

Siguro ganun lang talaga sobrang mahal mo ang isang tao

March 2008: Ilang araw nalang 21st Birthday na ni Richard kaya nagpeprepare ng party ang lahat, may 21 candles at 21 significant gifts pa

at ng lahat ng yun ay hindi alam ni Ricky dahil gusto namin surprise ang lahat

MARCH 8: Tulong tulong ang lahat sa pagdedecorate ng garahe nila Richard para sa surprise birthday party niya mamaya habang sila ni Grace nasa kwarto lang at wala padin siyang kaalam alam

"Nasan sila Albert" narinig ko nalang na tanong niya kay Grace ng kumuha ako ng tubig sa kusina nila

"Ha? ah...nasa court yata" narinig ko namang sagot ni Grace

"Hindi ba sila pupunta dito?"

"Baka mamaya pa"

"Birthday ko ngayon ah, dapat nandito sila...punta kaya tayo sa court?"

"Wag na, pupunta naman sila dito Chard"

"Okay"

Buti naman hindi na siya nangulit

7:00pm that day, okay na ang lahat para sa surprise birthday celebration

"Saan ba tayo pupunta?" ayun agad ang tanong niya habang iniuupo namin siya sa wheel chair matapos niyang magbihis

"Basta pare surprise..." sagot nalang ni Albert

"Surprise surprise, kung kelang mamamatay na saka pa kayo nagganyan..." nagkatinginan nalang kami nila Grace sa sinabing yun ni Ricky

"Umayos ka nga!!" halos pasigaw na sabi ni Ray

"Tae to!" natatawang sabi naman ni Albert

Nauna na muna kaming magbabarkada na lumabas ng bahay, at naiwan muna si Grace at Richard sa pintuan

Madilim sa labas ng bahay nila Ricky boy kaya hindi niya nakikita na kumpleto kaming lahat na nandun

Maya maya binuksan na agad amg ilaw paglabas nila ni Grace at halata sa muka niya na nagulat siya dahil sa dami ng taong nandun, at halos lahat malalapit niyang kaibigan...

"Ano to?" tanong niya habang nasisilaw pa ng konti sa ilaw

"HAPPY BIRTHDAY RICHARD!!!" parang choir naming bati sa kanya saka kami nagpalakpakan

"Mga gago kayo!!" sabi niya nalang habang natatawa

"Tignan mo to ikaw na nga ang sinurprise kami pa minura" natatawang sabi nalang ni Pike

"Tsk, ano ako babae? nagdedebut?" pero habang sinasabi niya yun abot tainga ang ngiti niya

"Ayos ba pare koy??" -Megs

"Okay sa alright, pwede na akong mamatay" sagot agad ni Ricky

saka ko napansing hindi nalang umimik si Grace kaya tinapik ko agad si Ricky "Wag ka nga! epal to!!"

Inumpisahan agad ang celebration

Inuna ang 21 significant gifts kung saan kasama kaming buong magbabarkada

Tapos 21 candles naman kung saan kasama si Grace

And when it was her turn to speak, natahimik ang lahat

"...ang tanging hiling ko lang...wag muna sana niya kaming iwan, mahal namin siya, at hindi ko alam kung paano ulit mag uumpisa ng wala siya, mahal na mahal ko siya" kasabay nun ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ni Grace kaya napaluha na din si Richard at ang iba sa amin

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon