Chapter 1

1.3K 61 18
                                    

How many days are left for you to live? Do you know?

Do you know when will you die? Knowing when will be your last day in this world, is it actually a good thing or bad?

And let's say that, today is the last day of your life. How will you spend it?

Go to your favorite place and take lots of pictures to be a remembrance of your last happy moments on earth?

Are you going to eat all your favorite foods in different restaurants and fill your stomach until it says that it can't handle more food anymore?

Are you going to hang out with your friends and take a groupie with them so they will remember you after?

Will you ask your parents for a vacation which is out of town or if possible, out of the country?

Will you do the things that you haven't done since you are not allowed to do so?

Or will you spend it with the one you love?

Kung ako ang tatanungin ninyo, hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko ba gustong gugulin ang natitirang oras ko. Akala ko noon, isang napakahirap na bagay na iyong malalaman mong oras mo na. Pero mas masakit pala kapag nalaman mong 'yong taong mahal mo ang mawawala. Paano mo ba gustong matapos at maubos ang oras nila? Ang hirap sagutin, 'di ba? Ang hirap isipin na sa isang iglap lang ay mawawala na ang taong naging dahilan mo kung bakit ka patuloy na nabubuhay dito sa mundo.

Isang taon na rin ang lumipas simula noong nangyari ang k'wentong ito. Nakakatawa, 'di ba? It took me a year to tell this story. Masakit. Mahirap. Parang sa bawat letrang isinusulat ko ay kasabay nito ang muling pagdurog ng puso ko. I was left. I have cried lots of tears one year ago.

Tandang-tanda ko pa 'yong araw na nakatanggap ako ng isang text message mula kay Sarah. Abala ako no'n sa thesis ko dahil isang taon na lang ay magtatapos na ako sa kolehiyo. Konti na lang at matatapos na rin ang paghihirap ko bilang isang estudyante.

Hey, Love! Are you still busy?

'Yon ang text sa akin ni Sarah. Hindi ko nga alam kung bakit siya huminto sa pag-aaral. Simula noong second semester ay hindi na siya pumasok. Ilang ulit ko siyang tinanong kung bakit pero ang laging sagot niya sa akin ay:

You know that I am too lazy to study. Saka bakit pa ako mag-aaral kung mamanahin ko lang din naman ang negosyo namin, 'di ba?

Kung tutuusin ay may punto siya sa sinabi niya. She's the only daughter of Jun Lopez, a well known business man who owns one of the biggest malls in the Philippines. At tama naman si Sarah na siya ang magmamana ng lahat ng 'yon pagdating nang panahon. Ang sabi pa niya ay pumupunta siya sa mga mall nila at doon niya pinag-aaralan ang lahat when it comes to their business. Kaya naman, naniwala ako sa sinabi niya.

I texted her back.

Yes, Love. Still busy with my thesis.

Nitong mga nakaraang linggo, hindi na masyadong makulit si Sarah na siya namang ipinagtataka ko. Paano kasi, si Sarah 'yong tipo ng babae na gusto niyang lagi akong nagte-text sa kaniya. Gusto niya na kahit isang beses lang sa isang araw ay tatawagan ko siya. Gusto niya rin na sa loob ng isang linggo ay magkita kami. Pero ngayon ay hindi na siya gano'n. Tinatanong niya muna ako kung may ginagawa ba ako o wala at kapag meron ay hindi na siya nangungulit which is, I think, for the better dahil nga abala na ako sa thesis ko.

Okay, then. Finish everything that you have to do. And on January 7, we'll have a date!

That was her message to me that shocked me a little. She asked me for a date? Halos hindi ako makapaniwala na niyaya niya akong lumabas. Si Sarah kasi ang klase ng babae na ang gusto niya ay ako ang magyayaya sa kaniyang lumabas. Ni minsan ay hindi niya ito ginawa. Ngayon lang. And I have thought that she probably missed me a lot. Napangiti ako sa idea na hindi na niya maitago ang pagka-miss niya sa akin kaya hindi na niya napigilan na yayain akong lumabas. I replied:

Without Her (Edited/TagLish)Where stories live. Discover now