💋Energy Drink💋

Start from the beginning
                                    

"baliw!" tinulak sya nito dahil sa inis.

"aray!" nagkabakas ang labi nya sa may salamin dahil sa ginawa ng kaibigan. Bumusangot sya habang nakatingin na paalis ito."hoy! bakl---" agad syang tumigil at muntik nang maisigaw ito. "ba't ka ba nanunulak?!" inis nyang sabi.

Iniwan na sya ng kaibigan nya kaya mag-isa syang bumili sa loob. Tatlong magkaibang flavor ang binili nya at masayang binayaran ito. Pagkatapos na nagbayad ay nagmadali na syang bumalik sa school.

'Antonia ang lakas talaga ng tupak mo'

"pasa mo kay Soriano!" naririnig na nya ang boses ni coach Rod.

Sa bukana palang ay nakita na nya ang kaibigan. Hinaharangan ito ng isang player at halos nakayakap na sa kaibigan, habang ang kaibigan ay nakataas ang dalawang kamay at inaabangan ang bola. Gusto nyang gugulong-gulong sa pagtawa nang makita ang mukha ng kaibigan.

"istura naman neto talaga, tss..gustong gustong yinayakap" bubulong bulong nyang sabi at nangingiting nakatingin dito, ngunit muntik nang napatawa ng malakas buti nalang at natakpan nya agad ang bibig nang imbis na mahawakan ang bola ay ang mukha ng kaharap ang nahawakan. "tss! kaya naman pala nagmamadaling umalis" bubulong-bulong pa nyang sabi.

"Oh? Toni? may kailangan ka?" nakakunot ang noong tanong ni Coach Rodrigo.

'naku Lord papasukin sana ako!

"Ay..hehehe..Ninong, mano po"  lumapit sya sa hindi katandaang lalaki at nag mano.

Nakita nya kung paano lumaki ang mata ng kaibigang si Gregory at namumula pa ang mukha nang masulyapan nya ito. Inirapan nya ito bago ibinalik ang tingin kay Coach.

"pwede po bang tumambay dito at manood saglit?" she gave coach Rod her big smile ever.

"mmmm, i don't know" nagisip pa ito.

"please ninong!" pinaglapat nya ang dalawang palad.

"bakit ka tatambay dito? wala kabang klase?"

"wala na po ninong Rod"

"kaya nga bakit dito mo naisipang magtambay Antonia"

"kasi nga po wala na akong---

"bat hindi ka nalang umuwi? tawagan ko si Madam nyan---

"ninong naman eh!" mangiyak-ngiyak  nyang sabi at gusto ng magpapadyak sa kawalan ng pag-asa.

"just be honest, may boyfriend kaba sa isa sa team?"

'malapit na pong maging boyfriend..huhuhu'

"boy na friend po! magkaiba yon!" nakangiti na nyang sabi ngayon."si Gregory Soriano po"

"may ganon ba?" mas lalong nagkrus ang kilay ng ninong nya.

"meron po, lalaking kaibigan!"

"tinagalog mo lang yata eh!" napailing na sabi ni Coach Rodrigo." batang ito, sige na umupo kana don" turo nito sa may bench kung saan may mga gym bag na nakalagay.

'OMG! ang lapit ko sa mga players!'

Sobra ang naging tuwa nya lalo pa't kitang kita nya ang mukha ng kanyang pag-ibig. Halos malusaw ang puso nya sa kilig nang hindi sinasadyang nagtama ang kanila mga mata. She smiled widely towards him and send him a flying kiss. Nalukot agad ang mukha ni Allen sa ginawa nya.

prrrrrrrrrrrrt.......

"let's take a break!" sigaw ni Ninong Rod.

"Hi Royales!" bati sa kanya ng ibang mga players.

HIM Loving so Bad- CS #3 B1Where stories live. Discover now