💋Dirty minded💋

189 3 1
                                    

Chapter Two

Pang huling subject na nila ang Aralin Panlipunan bago ang recess, kaya naman mas lalo nyang binilisan ang pagsagot a sa ibinigay na group seat work ni Miss Quenchie.

"Toni pwede bang ikaw nalang ang tumapos nito? kailangan ko na talagang mag banyo!" nagmamakaawang sabi ng kagrupo nyang si Gregory.

Patuloy syang nagsulat at hindi ito pinapakinggan. She knew the snitch beside her is just lying.

"okay lang" kibit balikat nyang sabi."but all the points should be credited to me, right?" dagdag nya pa habang sinusulat ang panghuling tanong sa papel nila.

"Royales naman---

"Soriano naman, ang lagay eh ako lang ba ang magsusunog baga dito? that's not right!" matamis nya itong nginitian."no free ride"

"huwga namang ganyan" mabilis itong umupo pabalik."hindi ko kasi naiintindihan eh!" kakamot-kamot na reklamo pa nito."nakakalito naman kasi ang history eh, turuan mo kasi ako"

"anong akala mo sakin? ipinanganak noong panahon ni Jose Rizal? at agad kung masagutan lahat ng ito?" inis na sabi niya dito."Kaya nga grupo eh! dapat magtulungan tayo, at sabay intindihin ang lahat!"

"may practice pa kasi kami ngayon ng team, alam mo naman ang coach namin, bawal sa kanya ang late"

"ganon ba? eh mas bawal yata ang babagsak ka sa academics subjects mo at matatanggal ka sa varsity niyo diba?" tugon naman nya dito.

Walang nagawa ang kaklase kundi ang tumahimik nalang. Napatingin sya dito at nakitang may ka-text na ito ngayon, paniguradong si Coach Rodrigo na ang kausap ng kumag. Kaya nga ayaw nya ng mga groupings-groupings na seat na ito eh.  Mas gugustuhin nyang individual, hindi yong ganitong sya nanga ang nagpakahirap eh may kahati naman sa grades,.maawin pa naman sya. Tulad lang ngayon naawa nanaman sya sa kaklase alam naman kasi nyang kung hindi dahil sa varsity ay hindi magiging scholar ang isang ito.

"tch!" inis syang napakamot ng noo."there'll be no next time, Gregorio---

"Gregory nga eh!"

"basta wala akong pakialam! gawin mo naman ang share mo, hindi yong ganito, it's just so unfair sa magiging kapareha mo!" inis nyang sabi."sige nanga umalis kana ako na ang tatapos nito"

"talaga!" agad napatayo ang kaklase.

"1..2..3---

"alright I'm going!" nagmamadali itong kumilos at kinuha ang bag."wait!.Cortez will be there too" humarap ito ng pabalik sa kanya.

"what?!"

Talaga namang literal na tumalon ang kanyang puso sa tuwa nang marinig ang pangalan ng pag-ibig nya.

"yes"

"but..but how? akala ko ba hindi mahilig sa basketball ang isang iyon?"

"tss! pano ba namang hindi lilipat ng ibang sports iyon, eh napabalitang may baliwng estudyanteng panay ang stalk dito" natatawang sabi pa nito.

"ganon ba?" wala sa isip nyang tugon at tumuwid ng upo."eh paano kung masusundan parin sya ng stalker nya doon sa gym?"

"tss! malabong mangyari yon, ayaw ni coach na may ibang taong manonood kapag may practice ang team----

"ano?!" agad syang napatayo kaya nagulat ang kaharap.

"chillax! mukha ka namang affected eh" natatawang biro nito sa kanya.

"affected? am not!" depensa nya."eh bakit mo naman sinabi sakin? ano naman sakin ngayon?" nakabusangot na nyang sabi sabay talikod at nagkunwaring may ginagawa.

"baliw kaba? akala mo bang hindi ko alam na ikaw ang babaeng yon?!" tumawa ng malakas ang kumag."best friend mo kaya ako kaya alam ko ang mga kalukuhan mo!"

"kaya nga abusado ka masyado dahil best friend mo ako! sa susunod ayaw ko nang kagrupo ka, tamad tamad mo!" inis na sabi nya sabay tayo at kinuha ang sinagutang seat work nila.

"kaya nga binigyan kita ng info eh..bakit sa akala mong ipinaalam kong nasa basketball team na namin ang pag-ibig mo?"

"ewan!"

"para hindi ka mukhang tanga at nagpupunta doon sa field, mainit pa naman doon!" concern na sabi nito sa kanya."ang beauty masasayang kapag nagpapa-araw kalang!"

May point naman ang kaibigan. Halos araw araw syang naroon at nanonood ng insayo nito sa soccer field. Kaya ang isiping hindi sya makakapanood ngayon ay para na syang pinagsakluban ng langit at lupa.

"tss! if i know mambubuso karin lang naman sa mga boys doon----mmmm--

"what the hell!" agad na tinakpan ng kaibigan ang bibig nya.

"mmmmm--ghhet ohhf mehh--"

"are you nuts!" inis na inalis ng kaibigan ang kamay ito mula sa kanyang bibig.

"gotcha!" natatawa nyang tinuro ito."so tama nga ang hinala ko that you're a----mmm

Umikot ang mga mata nya nang tinakpan na naman nito ang bibig nya. He grabbed and pushed her at the back of the door. Siguro ay natatakot ang kaibigang may makakarinig sa kanila dahil may mga estudyante paring dumadaan. Nasa gilid kasi ng hagdan ang classroom nila. Kaya malamang sa malamang ay madadaanan ito ng mga estudyante. She knew there's something about her best friend Gregory. Maraming beses na nya itong nahuhuling napapatitig sa mga cute boys minsan. Mas maselan panga ito sa katawan kaysa sa kanya. Sobrang arte to the point na ayaw nitong maarawan talaga.

"you didn't tell me--

"i tried to, okay!..pero nahihiya talaga ako Royales, sorry"

Nasa likuran parin sila ng pinto at halos magkadikit na ang mga dibdib nila.

"but I'm your best friend! and best friends have each other's back all the time!" yinakap nya ito.

Sobrang naawa sya sa kaibigan. Hindi madaling magtago ng tunay na nararamdaman mas lalo na kung ang tunay na pagkatao muna ang pinag-uusapan dito. She cupped his face with her hands.

"pag-usapan natin yan mamaya okay, for now ay ipapasa ko na muna ang seat work natin"

"okay" tumango ito.

Magkasabay silang umalis sa likod ng pinto at nagulat nalang nang madatnan doon ang taong hindi nya alam kung bakit naroon ngayon at nasa may harapan. Napakagwapong nitong tignan sa ternong jersey nito ngayon at parang modelong nakahilig ito sa may white board. Ngunit kakaiba ang mukha ngayon ng pag-ibig nya. He had that murderous look on his eyes ngunit bigka nitong tinakpan ng nababagot na tingin, but the look of disgust and disdain stayed.

"No..no i can explain---

"Are you Gregory Soriano?, coach waiting for you now"

"yeah..yes! i.. I'll be there---wait kanina kapaba dito?!"

"long enough to hear your whispers to each other----

"it's not what you think okay!" tinangka nyang lumapit sa binata ngunit naging mailap ito at agad lumabas.

Oh mey..Geddddd!!!?

-

-

-

A/N

Dio mio!😂my ged! paano na ngayon yan? iba ang naging akala ng pag-ibig ni Toni.

Sundan ulit ang susunod na chapter🥰...

❤️salamat sa pagbabasa❤️

HIM Loving so Bad- CS #3 B1Where stories live. Discover now