[59.1] #100STHHMeetTheParents

76.9K 2.1K 467
                                    

Chapter 59

Hope's POV

Dumating silang lahat sa loob ng kwarto. Si Venice noong makita si Enzo napaiyak kaya niyakap agad siya ni Bryle. Ang unang lumapit kay Enzo at yumakap sa kanya ay si... Mico.

"Dude, don't scare the shit out of us like that. Don't you dare do that again!!!" Umiiyak na din si Mico. Siguro lahat kami kinabahan. Unang beses naming nalaman yung sakit ni Enzo, at unang beses naming nasaksihan na inatake siya.

"I'm sorry." Sabi na lang ni Enzo.

"Yeah, no shit! God, how much do I have to hate you huh, Gutierrez?!" Pero tumatawa si Mico noong sinabi niya. Alam kong masaya siya na makita si Enzo na buhay pa.


Shit. Sinabi ko ba talaga yun? Nakakadepress. Bakit ganoon? Buo kami pero parang kulang. Pero kailangan kong maging positive para kay Enzo. Negative na nga siya sasabayan ko pa ba? Hindi pwede.


Tinabihan naman ako ni Chelsea at Miks. Niyakap ako ni Chelsea, dahil sa ginawa niya hindi ko na napigilang umiyak. Iba kasi si Chelsea eh. Parang ang caring niya na pag hinawakan ka niya hindi mo mapipigilang hindi mailabas ang lahat. Si Miks naman niyakap kaming dalawa. The next thing we know, lahat kami umiiyak na.


"Guys." Mahinang tawag sa amin ni Enzo. Lahat kami napa 'Yes' sa kanya.


"Happy Hearts Day. To all the hearts that are still beating." At oo, Valentine's Day pa rin. Sobrang haba ng araw na 'to. Alam naming nagjojoke si Enzo pero parang lalong lumakas yung iyak namin. Si Mico naman biglang binatukan si Enzo.


"Gago ka. Nakapagjoke ka pa." Sabi ni Mico.

"Ang lungkot eh. Lahat kayo umiiyak hindi pa naman ako patay. Pwede sa burol ko na lang?" At lalong mas lumakas ang iyak namin.


Hindi talaga marunong magjoke 'tong si Enzo.


"Tama na nga 'tong usapang puso at pagkamatay, nastrestressemé ako." Sabi ni Miks. Lahat kami napatingin sa kanya.

"ANO?!" Sabay sabay naming tanong.

"Stressemé! Stress! Ano ba? Ang slow ha!" Sabi niya tapos lahat kami nagtawanan. Alam naming pinapagaan lang ni Miks ang paligid. At hindi niya mapigilan ang pagka Bi niya ha?


Paano kaya kung bumalik siya sa pagiging bakla niya? I mean doon sa part ng pagka Bi niya na attracted siya sa lalaki?


"May pasok na pala ulit sa Monday. Parang nakakapagod lahat ano?" sabi ni Chelsea.


"MAY PASOK NA NAMAN?! PERO NAG 4th QUARTERLY EXAM NA AH! ANO PANG ITUTURO NILA?!" Sabi ko kay Chelsea.


Lahat sila natawa naman sa akin.


"Bobo ka talaga! Oo tapos na. Ang gagawin na lang natin is clearance, and pagaayos ng mga entrance exam para sa college." Sabi ni Mico tapos bigla niya akong binato ng unan. Aba't ang walangyang 'to!

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon