Fate 32

10.1K 227 5
                                    



Kinakabahan, nagtataka at di makapaniwala. Yan yong nararamdaman ko nong araw na nakatanggap ako ng tawag kay Atasha. Isang linggo na ang nakakalipas mula nong araw na yon pero di parin ito maiwaglit sa aking isipan. Dumating na pala si Nathan at sa susunod na linggo ay kaarawan na nya. Minabuti kong wag nalang ipaalam sa kanya na tumawag sa akin yong hayop nyang Bestfriend at tinawag lang naman akong 'Bitch!' Ako pala ang Bitch ngayon ha! Eh sya tong walang kwentang girlfriend dati na nanglandi at nangabayo pa ng iba-

"Aray ko. Baby naman. Wag kana sumabay sa galit ni mama. Paglumabas kana tsaka natin susugurin ang haliparot na yon!" Hihihi. Muli namang may kumirot sa tyan ko.. 4 months at magfa-five months palang itong tyan ko ha pero nakakaintindi na! Hahaha! Matalinong bata!

Myerkulis ngayon at nandito ako sa library may hihiraming libro.. Nagtataka naman ako kasi kanina pa ako pinagtitinginan ng mga studyante tapos ay magbubulungan sila. Pero hindi gaya ng dati na halos lamunin at barangin na nila ako sa mga titig nila. Ngayon ay parang nakikita ko sa mga mukha nila ang inggit.

Inggit?

Hindi ko nalang sila pinansin. Nagfill up nalang ako nong borrowing form at pagkatapos ay ibinigay sa librarian. Nagtataka naman akong nakatingin sa dalaga pa naming librarian noong ibigay nya sa akin ang libro.. "Ang swerte mo naman Yllustre!" Yan yong sabi nya. Nagtataka ma'y di ko nalang ito pinansin at ginawaran ko nalang ng ngiti at pagkatapos ay lumabas ako ng library at naglakad patungong soccer field. Nandon kasi sila Alen at break namin ngayon.

Mas dumoble ang kuryusidad sa aking isipan dahil sa lahat ng nalalampasan ko sa aking paglalakad ay kinikilig na naiinggit na di makapaniwala. Ano ba ang nangyayari?

I shook my head and continue walking. Ngunit napahinto ako nong may isang lalaking nag-abot sa akin ng isang white rose. Pagkatapos ay sumayaw sa harapan ko. May dalawang babae naman ang nakisayaw. Tatlo.. Apat at hanggang sa dumami.. Hindi ko na nga mabilang kung ilan sila lahat dahil na aamused ako sa ginagawa nila. Nakangiti silang lahat sa akin abang isinasayaw ang pop version ng kanta ni Jessie J na 'Flashlight' . Napapangiti nalang ako dahil ang galing at ganda nilang tignan. Ito ba yong tinatawag nilang Flashmob?

Nanghuminto ang kanta ay sabay sabay silang nag upbeat at nagche-change position.. Di ko na namalayang napapaluha na pala ako nong mabuo na ang kanilang formations at may biglang lumabas mula sa aking likuran. Si Nathan!

"Happy 8th monthsary Baby." Nakangiting saad nya at binigyan nya ako ng isang bouquet ng puting rosas. Niyakap ko sya at napahikbi sa dibdib nya. Bat ko nakalimutang Ika walong monthsary na pala namin ngayon? Ang tagal na pala namin ano? Ang bilis ng panahon!

"Teka ganda, hindi pa kami tapos." Huh?

Umalis sya sa pagkakayakap at naglakad sya papunta doon sa mga studyanteng sumayaw kanina na ngayon ay nakaform ng 'I love you Z' sa harapan ko.. Puro tilian ang bumalot sa paligid noong magsimulang kumanta si Nathan ng kanta ni Jesse McCartney na 'Beautiful Soul' gamit ang kanyang wireless microphone. Oo nga! May mga hidden wireless Speakers pala itong buong campus kaya alam kong dinig na dinig sa buong campus ang boses nya ngayon. Kaya pala ganun nalang yong mga reaksyon ng mga studyante kanina...

'I don't want another pretty face

I don't want just anyone to hold

I don't want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

I know that you are something special

To you I'd be always faithful

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon