Fate 28

9.6K 233 5
                                    



Its been one week... Isang linggo na nya akong hindi kinakausap. Ni text ni tawag ay hindi ginawa.. Namimiss ko na sya.. Namimiss ko na si Nathan. Sya lang naman ang hinihintay kong unang mangsuyo sa akin eh. Papakinggan ko naman ang mga paliwanag nya eh. Pero mukha atang kinalimutan na nya ako. Langya naman kasi! Bat ba ang drama ng internal organs ko?!


"Ateee?" Sigaw ni Althea mula sa baba. Nandito kasi ako sa terrace namin sa taas. Nag-eemote na naman kasi ang internal organs ko!


"Ano yon?" Ganting sigaw ko.. Nitong nakaraang araw ay si Althea lang ang comocomfort sa akin. Ikinwento ko na sa kanya lahat-lahat. At alam narin nya yong tungkol sa.. You know.. Hindi ako hinusgahan ng kapatid ko kasi alam naman nyang mahal na mahal ko si Nathan at ipinangako nyang wala syang pagsasabihan.


"Bumaba ka rito." Sabi nya. Nagtataka man ay bumaba narin ako...


"Zela..." Oh Ghad! Miss na miss ko na nga talaga sya.. Di na ako nagdalawang isip pa. Tinakbo ko na sya tapos niyakap ng mahigpit. Walang puwang ang tampo at selos sa sayang nararamdaman ko ngayon na nandito sya sa bahay at pinuntahan ako.


"N-Nathan..." Hikbi ko sa kanya na mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa dibdib nya.. Hinimas himas naman nya ang likod ko.


"Tahan na Baby.. I'm sorry." Humiwalay ako sa yakap at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Alam kong sincere sya sa paghihingi ng tawad pero kailangan ko parin malaman ang lahat. Kung ka ano-ano nya si Xiatasha na kahit naman may mga namumuong ideya na sa aking utak. Gusto ko paring marinig ang paliwanag nya.


"Miss na miss na kita alam mo ba yon?" Nakahikbing sumbong ko sa kanya kaya medyo tumawa sya bago ako hagkan sa aking noo..


"God knows how much I missed you too Ganda.." Nakapikit na sabi nya. Pati pala yong endearment nya sa akin ay namiss ko rin...


"Ahh.. Ate.. Kuya Steven, labas po muna ako. Isarado nyo lang ang bahay kung aalis kayo." Biglang singit ni Althea kaya napako ang tingin namin sa kanya. Oo nga pala, nandyan pala ang kapatid ko. Nginitian ko sya at gumanti naman sya bago lumabas. Alam kong binibigyan nya kami ng privacy na makapag-usap. At alam ko ring masaya sya para sa akin.



"Nakapagbreakfast ka na ba? Gusto mo ipagluluto kita?" Pukaw ko sa kanya.


"Hindi na. Kumain na ako. Nasan pala sina Paps?" Napangiti naman ako. Satuwing tinatawag nya kasing 'Paps' si papa ay feel na feel nya ito.


"Nasa Shop. Mamayang gabi pa iyon darating. May inventory kasi sila ngayon." Tumango tango naman sya.


"Sa Garden tayo?" Aya ko na tinalima naman nya.. Kaya lumabas kami ng bahay at nagtungo sa Garden. Don kami sa may Duyan. Umupo sya doon tapos bigla nalang nya ako hinila at pinaupo sa lap nya. Napasigaw pa nga ako. Kasi naman eh! Nagpupunyagi na naman ang internal organs ko sa kilig kaya namumula na naman ang tenga at pisngi ko.


"Wag ka na mamula ganda." Pagkuway biro sakin ni Nathan at niyakap ako sa aking bewang.. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya and I intertwined my right hand to his Left.

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon