Fate 13

12K 246 7
                                    



Naglalaro lang ako sa phone ko ng biglang tumawag si Alen kaya suminyas nalang ako sa mga kasamahan ko na lalabas muna ako..


"Hello?" Sagot ko habang naglalakad patungong Terrace ng Hotel.


"BRUHAAAA!!" nailayo ko agad sa tenga ko ang phone ko. Langya! May balak ata silang sirain ang eardrums ko! 


"Hoy mga loka loka! Pag ako nabingi, ihanda nyo na mga kabaong nyo!" Banta ko nong medyo nakabwelo na ako sa sigaw nilang dalawa.. Narinig ko namang humagikgik silang dalawa sa kabilang linya.


"Bat ba kayo tumawag?!" Kunyaring galit galitan ko na sa totoo naman ay miss na miss ko na sila.


"Ay ganun? Porket nakakasama mo si Fafa Steven sa iisang bubong e gumaganyan kanang bruha ka!" Pang-aasar ni Alen na sinundan naman ng pagsang-ayon ni Sasha.


"Excuse me! Anong iisang bubong ka jan! Nasa Hotel po kami wala sa bubong!" Pang-aasar ko ding sagot. Haha! Knowing them? Alam kong umikot ng 360 degrees mga mata nila sa sinabi ko.


"Pilosopo! Hoy Zel! Ano nakapag Churva Churvaboom naba kayo ni Steven?" Pigil tawang tanong ng bruhang si Sasha.


This time ako naman ang napaikot ng mata. 

"Eh kung churvahin ko ng kutsilyo yang pagmumukha ninyong dalawa nang di na kayo tuluyang churvahin ng mga boyfriend nyo!" Humagalpak naman sila ng tawa sa kabilang linya..


"Ikaw na nga kumausap jan Alen. Ayaw ko pang makachurva ang kutsilyo" maya'y narinig kong sabi ni sasha.


"Naku Sha, wag nalang kaya nating kausapin yan? Babaan nalang kaya natin ng telepono? Di naman nya malalaman di ba?" Inosenteng tugon naman ni Alen kay Sasha.. This time, ako naman ang humagalpak ng tawa..


"Mga Shunga! Dinig na dinig ko usapan nyo jan! Cge itry nyo talagang ibaba to nang makachurva nyo talaga ang kutsilyo!" Natatawa ko paring sabi sa kanila... I'm sure nakapout na yang mga yan.


"Hmp! Brutal ka talagang bruha ka! Osha, kumusta kana jan? Miss kana namin" aww. That's why I really love the both of them.


"Ayos lang. Miss ko narin kayo" 


"Ayiiieee! Kinilig daw kili-kili ni Alen" pang-aasar na naman ni Sasha..

Narinig ko nalang nag 'aray' sha pagkatapos nyang sabihin yon. Malamang nabatukan na naman. Haha!


"Wala ka bang sasabihin sa amin Zel?" Nanunukat na tanong ni Alen..

Alam na kaya nila? Pero imposible.


"H-huh? W-wala naman" nauutal kong sagot. Tengene!


"Hoy Zitella Lorraine Yllustre! Kahit utot mo alam namin kaya alam na alam din namin kung kailan ka nagsisinungaling!" Bwelta ni Sasha..


Huminga ako ng malalim. No use of Lying. Knowing na ang lakas ng radar ng dalawang to. Malakas pa sa pocket wifi.


"S-si Nathan.. Manliligaw ko na si Ventura" biglang tumahimik ang kabilang linya tapos biglang...


"WAAAAAAHH!! KYAAAAAH!!" Tangna! Yong tenga ko!


"Isa! Ibababa ko talaga to kung di kayo tumahimik!" Ayun, sumunod naman sila..


"For real? Pero papano ka nagustuhan non? Kawawa naman si fafa steven. Ang malas naman nya sa pag-ibig" Pang aalaska na naman ni Alen..


"Gusto mo bang pigain ko yang leeg mo tapos sasabihin ko kay kerwin na kumekerengkeng ka?!" Shempre ganting pang aasar ko din yan sa kanya..


"Hahahaha! Sige Zel. Isumbong mo nga yan kay kerwin para di sha kembotan non. Hahaha" rinig kong sabi ni Sasha...


"Isaaa! Bumalik ka dito sasha! Kakalbuhin pa kita nang maging perfect couple na kayo ng boyfriend mong panot!" Nanggagalaiting sigaw naman ni Alen. Hahaha! Magpapatayan na naman yang dalawa. Malas nila wala ako don para taga awat. Haha!


"Sige Zel. Kakalbuhin ko muna ang bruhang yon! Mag-usap nalang tayo pag-uwi mo. Dapat ichika mo sa amin lahat ng kaganapan sa buhay nyo ni fafa steven jan!" Baliw talaga to!


"Che! Chismosa!" 


"Damooot!" Nagtawanan nalang kami.


"Cge na babe. Ba-bye na. Alam kong pagod ka. Ingat jan. Love ka namin ng bruhang si Sasha" natawa naman ako sa huling sinabi nya..


"Mahal ko din kayo" tapos binaba na nya. Wag na kayong magreact! Minsan lang ako maging sweet. Kay Nathan lang ako pweding sweet. Ayy Lintik talagang utak to! Walang kaprenopreno!


——-


Sa sumunod na mga araw ay ganun lang ulit ang routine naming lahat. Conference sa umaga, gala sa hapon tapos pahinga sa gabi.. Huling tatlong araw nalang namin dito. So far so good, naging maayos naman ang higit isang linggong conference namin. Bale bukas na matatapos. Sabi ni ma'am Valencia, after tomorrow ay magswi-swimming raw kami sa puerto princesa at lilibutin ang lugar. Tapos the day after non ay uuwi na kami. 


Si Nathan? Nah! Wag nyo na itanong. Palagi lang ako pinagtitripan non! Kaya puro kantyaw yong abot namin sa mga kasamahan namin.. At ang damuho! Nagseselos pagkinakausap at nilalapitan ako ng mga kasamahan naming mga lalaki. Hello? Friendly here! Ayun, parang asong palaging nakabuntot sa akin. Sarap ngang pektusan eh!


"Okey that's all. We will be having a semi-formal party at the Hotel's Function Hall tomorrow at exactly 10 in the morning. That will be our last day and expect for the giving of certificates and awards. You may go" pahayag ng speaker. Ayaw ko mang aminin pero nalulungkot ako na matatapos na ang conference. Medyo close na kasi kaming lahat eh. At alam kong pagbalik na namin sa school ay back to normal na naman ang lahat. Well except for me and nathan. Hihihi


~Sensya sa chapter nato. Wala akong matinong maisip eh. Hahaha! Sana nagustuhan nyo. Thanks for reading~


-Faids


PS: sa susunod na chapter ang Nathan-Zela moments kaya wag na kayong magtampo na wala silang churva-eklabush sa chap nato. Hahaha! Yun lang :)

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon